Saturday , November 27 2021

Sakit ni Duterte inaming lumalala

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na may abiso ang kanyang doktor na patungo na sa stage one cancer ang sakit niyang Barrett’s esophagus.

Sinabi ng Pangulo na pinayohan siya ng kanyang doktor na itigil ang pag-inom ng alak upang maiwasang lumubha ang kanyang sakit.

“May pera ka naman, hindi ka na makakain kay sabi ng doktor huwag kang kumain ng taba kasi mamatay ka ,” ayon sa Pangulo sa kanyang public address kahapon.

“Ikaw Duterte, huwag ka nang uminom kasi ‘yang Barrett mo nearing stage one ka sa cancer. So hindi na rin ,” dagdag niya.

Tinalakay ng Pangulo ang kondisyon ng kanyang kalusugan nang binigyan diin ang komitment niya at iba pang may edad na miyembro ng gabinete laban sa korupsiyon.

“Matagal na kami sa gobyerno, magpa-retire na lang, bakit pa namin pagsayangan? Kakaunting panahon na lang ang naiwan so walang… walang… walang ganang… wala nang ganang kumain ,” aniya.

“Ang amin, ang iwan na lang ang trabaho. Kasi pagharap namin sa Diyos and tanungin ka na, “O ikaw Rodrigo, anong ginawa mo?” Sabi ko, ‘Ginawa ko man lahat,’” sabi niya.

Napaulat kamakailan na umano’y nagtungo siya sa Singapore para magpagamot ngunit itinanggi niya ito at nasa bahay lang niya sa Davao City nananatili mula noong unang linggo ng Agosto.

Marami rin ang nakapansin na naging matamlay, mabagal at mahina ang pagsasalita ng Pangulo sa ilang pagharap niya sa publiko.

May isang petisyon na nakahain sa Korte Suprema na humihiling na isiwalat sa bayan ang medical records ng Pangulo. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Most wanted rapist sa Tarlac nakalawit

NASUKOL ng mga awtoridad ang isang lalaking nakatala bilang most wanted person (MWP) sa lalawigan …

2 nang-abuso, inihoyo 3 huli sa pot session, 3 pugante arestado

DINAKIP ng mga awtoridad ang dalawang lalaking may kasong pang-aabuso gayondin ang tatlong hinihinalang drug …

Sa Pampanga
KASO NG PAMAMARIL NG PULIS SA TEENAGER NASA PISKALYA NA

NAISAMPA na sa piskalya ang kasong Homicide na inihain laban sa isang pulis na nakadestino …

Quarry operator na sinabing land grabber inireklamo

NAHAHARAP sa asunto ang tinukoy na quarry operator ng isang residente sa Sitio Upper Bangkal, …

Joy Belmonte bike tiniketan

QC Mayor sinita, tiniketan sa ‘di pagsusuot ng helmet

KABILANG si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga biker na sinita at tiniketan dahil …

Leave a Reply