Wednesday , June 24 2026

Guagua Public Market isinailalim sa hard lockdown

ISINAILALIM sa hard lockdown ang Guagua Public Market sa lalawigan ng Pampanga, matapos magpositibo sa CoVid-19 ang dalawang vendor at isang empleyado rito.

Ayon sa panayam kay Guagua Mayor Dante Torres, nadagdagan ang panibagong bilang sa pito at isang tindero na ang namatay sanhi ng CoVid-19 kung kaya napag­pasyahan na i-extend pa hanggang ngayon, 24 Agosto, ang lockdown mula sa itinakdang apat na araw upang mabigyang daan ang pag-disinfect sa buong palengke.

Umaapela ang alkalde sa mga mamamayan na dagdagan ang pag-intindi at pasensiya lalo ang mga nawalan ng kita.

Patuloy ang ginagawang disinfection ng mga tauhan ng General Services Office at mga kawani ng Manpower and Training Center alinsunod sa ipinag-utos ni Governor Dennis “Delta” Pineda na personal na iniinspeksiyon ang naturang pamilihan.

(RAUL SUSCANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Raul Suscano

Check Also

Nartatez PNP

2 pulis timbog sa rape at pambubugbog ng misis

INARESTO ang dalawang aktibong pulis na may magkahiwalay na kaso ng rape at domestic violence …

Tacloban School Gun Shooting

Sa insidente ng pamamaril sa Tacloban
3 ESTUDYANTE NAPASLANG 20 PA NASAKTAN, SUGATAN
40 basyo ng bala nakuha sa crime scene

HATAW News Team TATLONG kabataang estudyante ang napaslang habang umakyat na sa 20 ang iniulat …

Amenah Pangandaman DBM Money

PH No.1 sa budget transparency – IBS

NAPANATILI ng Filipinas ang pagiging numero uno pagdating sa budget transparency  sa buong Southeast Asia, …

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …