Wednesday , December 25 2024

Masonry Layout

Chinese visa issuance ipinatitigil ni Mar Roxas

NANAWAGAN si dating Senador Mar Roxas sa gobyerno na suspendihin ang automatic visa sa mga Chinese dahil naaagawan na ng trabaho ang mga Filipino. “Para sa akin, ‘yang automatic visa granting, itigil na ‘yan dahil inaagaw ng mga dayuhang Chinese ang mga trabaho dito sa Filipinas. Hirap na nga ang mga Filipino na makahanap ng trabaho. Hirap na tayo na …

Read More »

DFA nagsara sa Metro at rehiyon

DAHIL sa nangyaring pag­ya­nig ng magnitude 6.1 tectonic earthquake sa Luzon at para maiwasan ang sakuna, isinara ng Depart­ment of Foreign Affairs (DFA) ang ilan ni­lang Consular offices sa Metro Manila at sa ilang rehi­yon kahapon. Kabilangsa isinara ang Aseana, Alabang Town Center, SM Manila, Robin­sons Galleria, SM Megamall, Ali Mall at Robinsons Nova­liches sa Metro Manila. Habang sa Consular Regional Offices, …

Read More »

Matibay, ligtas na pabahay seguruhin — PBB Party-list

IPINASISIGURO ng Partido ng Bayan ang Bida (PBB) Party-list na matibay ang konstruksiyon ng mga govern­ment housing unit kasunod ng 6.1 magnitude na lindol na yumanig sa Metro Manila at Central Luzon kamakalawa. Sinabi ni PBB Party-list 1st nominee Atty. Imelda Cruz, mahalagang masiguro na ligtas at matibay ang mga pabahay ng gobyerno ga­yon­din ang iba’t ibang estruktura kasunod ng …

Read More »

Senior Citizens segurado kay Lim

TINIYAK kahapon ng nag­babalik na alkalde ng Maynila Alfredo S. Lim na kanyang dadagdagan lahat ng benepisyo na tinatang­gap ng senior citizens sa lung­sod at bibigyan din ng trabaho o pagkakakitaan, sa oras na siya ay muling mau­po bilang mayor ng lungsod. Sa isang pulong, kasa­ma ang senior citizens mula sa District 6, tiniyak ni Lim, pati ng kanyang kandidato …

Read More »

Inspeksiyon sa gov’t buildings, infras iniutos ng MMDRRMC

Metro Manila NCR

INATASAN kahapon ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MMDRRMC) na magsa­ga­wa ng inspection sa mga gusali at infrastruc­tures na pag-aari ng gob­yer­no dahil sa nangyaring pagyanig ng magnitude 6.1 tectonic earthquake na tumama sa Luzon kabi­lang ang Metro Manila nitong Lunes nang hapon. Sa  isang memo­ran­dum na ipinalabas ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim, …

Read More »

LRT 1 & 2, MRT-3, PNR bumiyahe na kahapon

PAWANG “fit for operations” kaya’t balik na sa normal ang opera­syon ng mass railway system sa bansa kabilang ang Light Rail Transit (LRT) Lines 1 at 2, Metro Rail Transit (MRT-3) at Philippines National Railways (PNR) kahapon ng umaga. Inihayag ito ng Depart­­ment of Tran­sportation (DOTr), mata­pos masiguro na pawang “fit for operations” ang mga naturang linya ng tren. “With …

Read More »

Paa ipinaputol ng saleslady para makaligtas (Sa gumuhong Chuzon Supermarket)

PINILI ng isang 25-anyos babae na ipaputol ang kani­yang paa upang makaligtas mula sa pagkakaipit sa gumuhong Chuzon Super­market sa bayan ng Lubao sa lalawigan ng Pampanga sanhi ng magnitude 6.1 lindol kamakalawa, Lunes, 22 Abril. Tatlong oras nakulong sa loob ng gusali ng Chuzon Supermarket si Maria Martin, kung saan siya ay dalawang taon nang nagtatrabaho bilang tindera ng …

Read More »

6.5 lindol yumanig sa Visayas

lindol earthquake phivolcs

HINDI pa man nakababa­ngon sa pinsalang dulot ng magnitude 6.1 lindol ang Luzon, sumunod na niyanig ng magnitude 6.5 lindol ang Visayas na naitalang nasa San Julian, Eastern Samar ang epicenter at may tectonic origin kahapon, 23 Abril. Naramdaman ang Intensity 5 lindol sa Tacloban City, Catbalogan City, at Samar; samantala Intensity 4 ang naramdaman sa Masbate City, Legazpi City …

Read More »

16 death toll sa lindol sa Luzon

dead

UMAKYAT na sa 16 ang bilang ng mga kompirmadong binawian ng buhay matapos ang magnitude 6.1 lindol na yumanig sa iba’t ibang bahagi ng Luzon kamaka­lawa nang hapon. Pinakamalaking pinsala ang dinanas ng lalawigan ng Pampanga na naitala ang karamihan ng nasawi. Lima sa 16 namatay ay mula sa gumuhong Chuzon Supermarket sa bayan ng Porac; pito mula sa iba …

Read More »

Mahinang pundasyon ng Chuzon supermarket sinisi ng pangulo

HINDI sapat ang punda­syon ng Chuzon Super­market dahil dalawang  palapag lamang dapat ito ngunit ginawang apat na palapag. Ito ang sanhi nang pagguho ng naturang establisimyento, batay sa inisyal na ulat kay Pangulong Rodrigo Duterte ni Interior Secre­tary Eduardo Año sa ginanap na briefing sa kapitolyo ng Pampanga kahapon. Inatasan ni Pangu­long Duterte ang pulisya at DPWH na imbesti­gahan ang …

Read More »

Pampanga isinailalim sa state-of-calamity

MATAPOS irekomenda ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na isailalim ang probinsiya ng Pam­panga sa state-of-calamity matapos tamaan ng malakas na lindol noong Lunes nang hapon, agad nagpasa ang Sangguniang Panlalawigan ng resolusyon para rito. Si Arroyo, ang kinata­wan ng pangalawang distrito ng Pampanga na nakasasakop sa Porac, isa sa mga grabeng napinsala ng lindol, ay nagpahayag nang pagkalungkot sa insidente …

Read More »

MKP duda sa pangakong brownout-free elections ng DOE

electricity brown out energy

IPINAHAYAG ng Murang Kuryente Partylist (MKP) ang kanilang pagdududa sa kakayahan ng Department of Energy (DOE) na maseguro na hindi mawawala ang suplay ng koryente sa panahon ng senatorial at local elections sa 13 Mayo. Sa isang pulong balitaan kamakailan, ipinadama ng tatlong nominee ng MKP ang kanilang pagkadesmaya sa lumilitaw na kahinaan ng DOE na mapagtibay ang generation companies …

Read More »

2 kelot timbog sa tupada

arrest prison

DINAKIP ng pulisya ang dalawang lalaki matapos maaktohang nagsasagawa ng tupada sa Marilao, Bulacan kahapon. Kinilala ni P/Lt. Col. Amado Mendoza, Jr., acting police chief ng Marilao police, ang mga suspek na sina Mark Anthony Raymundo Moscare, 29 anyos, binata, security  guard; at Jaime Pascual Arenas, 50 anyos, may-asawa, isang driver, at kapuwa residente sa Brgy. Sta. Rosa sa naturang …

Read More »

ARAL prayoridad ng Ang Probinsyano Party-list 

PRAYORIDAD ng Ang Probinsyano Party-List ang pagsusulong ng programang Access Roads to all Learners (ARAL) sa pakikipag-ugnayan sa DPWH. “Ang edukasyon ay malaking bahagi ng pag-aangat ng antas ng pamumuhay ng mga nangangailangan nating mga kababayan sa probinsya kaya’t ito ay isa sa mga focus areas ng Ang Probinsyano Party-List,” ayon kay APPL nominee at youth advocate na si Alfred Delos Santos. …

Read More »

Grace Poe, sure na No. 1 senatoriable

MALAKI ang paniniwala ng mga eksperto sa politika na hindi na matitibag at sigurado nang magiging No. 1 sa nalalapit na May 13 elections si Senadora Grace Poe. Ayon kay STORM political strategist Perry Callanta, malaking bagay ang “FPJ Magic” kaya mabango sa mga botante si Sen. Poe bilang No. 1 senatoriable. “Walang makatitibag kay Sen. Grace Poe bilang No. …

Read More »

Kandidatong ‘di corrupt, pamantayan sa halalan — Koko Pimentel

NANINIWALA si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III sa resulta ng isang survey na 25 porsiyento ng mga tinanong ang may gusto sa isang kandidato na hindi corrupt at ito ang pina­kaimportanteng katangian ng isang halal na opisyal. “Ang mga senti­myen­tong iyan ay produkto ng mahaba at masamang experience natin sa korupsiyon sa gobyerno. Most of our people have the sense …

Read More »

‘Destab plot’ kaduda-duda — Solon

BINATIKOS ni Akbayan Rep. Tom Villarin ang Malacañang at ang hepe ng Philippine National Police kaugnay sa ‘di maka­totohanang pag­ta­ta­tangkang guluhin ang gobyernong Duterte. Ani Villarin, ang rebe­la­syon ng Malacañang patungkol sa “desta­bilization plot matrix” at ang depensa ni PDG Oscar Albayalde sa istor­yang ito ay nakadududa. “The matrix has no probative value and should have been dis­missed outright as …

Read More »

Asunto vs destabilizers malabo pa

HINDI pa idedemanda ng Malacañang ang mga personalidad na nabisto nilang nagsabwatan para pabagsakin ang admi­nistrasyong Duterte. “Wala, hahayaan lang namin sila… sa ngayon ha, sa ngayon. Kasi if the plot thickens and they perform acts which are already violation of the penal laws, that’s a different story,” sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa press briefing sa Palasyo kahapon. …

Read More »

Grace Poe, topnotcher sa lahat ng survey

KUNG pagbabatayan ang resulta ng lahat ng survey, pinakahuli ang isinagawang nationwide survey ng grupong Magdalo na inilabas ni Senador Antonio Trillanes IV kamakailan, tiyak nang mangunguna si Senadora Grace Poe sa mga kandidatong senador sa midterm elections sa 13 Mayo 2019. Laging nangingibabaw  ang pangalan ni Poe bilang top choice for senator sa survey ng Pulse Asia, Social Weather Station, …

Read More »

Easter Sunday sa Sri Lanka binulabog ng 8 pagsabog

NABULABOG ang buong mundo ng walong kahindik-hindik na mga pagsabog sa bansang Sri Lanka na kumitil sa buhay ng hindi bababa sa 160 katao kabilang ang ilang dosenang banyaga, at puminsala ng mga high-end na hotel at mga simbahang nagdaraos ng misa bilang pagdiriwang sa Linggo ng Pagkabuhay. Mariing kinondena ni Prime Minister Ranil Wick­remesinghe ang mga pag-atake na itinuturing …

Read More »

Kahit binabanatan ng Pangulo Mar Roxas, pokus pa rin

POKUS lang si Mar Roxas sa pagsusulong ng mga programang mag-aangat ng kabuhayan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng mga panukalang batas na isusulong niya sa pagbabalik sa senado. Si Roxas na ibinotong number one at nakakuha ng highest votes sa kasaysayan ng senado noong 2004, ay nangakong hindi masisiraan ng loob sa mga ipinaglalaban niyang katatagan ng kabuhayan ng …

Read More »

Ang Probinsyano Party-List tutol sa ban vs provincial buses sa EDSA

TINUTULAN ng Ang Probinsyano Party­-List ang plano ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na ipagbawal ang mga terminal ng mga provincial bus sa kahabaan ng EDSA. Papahirapan ng naturang plano ang pro­binsyanong commuters samantala wala naman itong maiaambag upang maibsan ang mala-delubyong kalagayan ng trapiko sa EDSA, ayon sa Ang Probinsyano Partylist. Binigyang-diin ng Ang Probinsyano  na maliit na bahagi lamang o apat …

Read More »

Video ng dalagang nakahubad bantang ikalat kelot arestado

Blackmail nude Voyeurism Sextortion cyber

KALABOSO ang isang lalaki sa Bulacan matapos ireklamo ng isang dalagang kanyang pinagban­taang ikakalat ang video ng katawang hubad. Sa ulat mula kay P/Col. Chito Bersaluna, Bulacan police director, ang suspek ay kinilalang si Aldrin Pingol, 21-anyos. Nabatid na pinagbantaan ni Pingol na ia-upload ang video ng hubad na katawan ng biktima kung hindi papayag na makipagtalik sa kanya. Sinasabing …

Read More »

5 bagets arestado sa droga

shabu drug arrest

LIMANG bagets kabi­lang ang isang menor de edad ang arestado maka­raang makuhaan ng mga pulis ng ilegal na droga sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City. Ayon kay Caloocan Police Community Pre­cinct (PCP) 2 commander P/Maj. Merben Bryan Lago, dakong 11:00 pm nang respondehan ng kanyang mga tauhan ang isang insidente sa kaha­baan ng 2ndAve., Brgy. 41. Pagdating sa lugar, …

Read More »