Tuesday , December 24 2024

Masonry Layout

Kudeta panaginip — Duterte

NANANAGINIP nang gising ang nagpapakalat ng balita na mauulit ang kudeta sa Mababang Ka­pu­lungan laban sa manok ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagka-Speaker na si Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano. Sa panayam sa Pa­ngu­lo ng media kahapon sa Palasyo, sinabi niya na kompiyansa siyang maku­kuha ni Cayetano ang majority votes ng mga kongresista para maging Speaker ng 18th Congress. …

Read More »

3 Korean nationals ‘napahamak’ sa yosing ilegal

TATLONG Korean nationals ang nasakote ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos mahuli na aktong nagtitinda ng mga ilegal na sigarilyo sa Bacoor Cavite, nitong Martes. Imported smuggled cigarettes, ang sinabi ni NBI  Special Action Unit chief Emeterio Dongalio Jr. matapos iharap sa media ang tatlong Korean nationals na kinilalang sina Young Kook Kim, Jong Kook Choi, at Gee Pong …

Read More »

Metrobank sa Binondo hinoldap (P1-M alok ni Isko vs holdapers)

NAGLATAG ang Manila Police District  (MPD) ng dragnet ope­ration para sa agarang ikadarakip ng pitong  suspek na nanloob sa isang sangay ng Metro­bank sa Binondo, kaha­pon, Huwebes ng umaga. Sa ulat, 8:40 am nang looban ng mga suspek ang nasabing banko na kabubukas lamang. Ipinasok umano sa kuwarto ang mga emple­yado at iginapos gayon­man walang iniulat na nasaktan. Kaugnay nito, …

Read More »

50 Customs official sinibak ng Pangulo (haharap sa Lunes kay Duterte)

Bureau of Customs BOC Duterte Rey Leonardo Guerrero

MAHIGIT 50 opisyal at empleyado ng Bureau of Customs (BoC) ang sini­bak sa puwesto at inila­gay sa floating status ni Pangulong Rodrigo Du­ter­te dahil sa pagka­kasangkot sa katiwalian. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ihahayag ni Pangulong Duterte ang pangalan ng mga tinang­gal sa puwesto sa mga susunod na araw pero hindi kasama sa kanila si Customs Commissioner Rey Leonardo …

Read More »

Ex-President ng Vallacar, sabit sa ‘funds anomaly’ (Pondong kinuha, pasuweldo sa mga empleyado)

PINANGANGAMBA­HANG milyon-milyong piso ang nakulimbat ng isang Leo Rey Yanson, dating pa­ngu­lo ng Valla­car Transit Corporation, isa sa pina­kamalaking bus com­panies sa Filipinas. Ayon kay Vallacar Chief Finance officer Celi­na Yanson-Lopez, bulto ang pondong nakuha ng dating pangulo na si Yanson. Ang pondong ito ay pasuweldo sa mahigit 18,000 empleyado ng nasabing bus company na may operasyon sa kalak­hang Visaya at …

Read More »

Tinitira umano siya… Solon na nanapak ng waiter nagbanta

BINANTAAN ni Ang Probinsyano Party-list Rep. Alfred De Los Santos ang sinabi niyang mga tumitira sa kanya matapos lumabas sa media ang istorya ng kanyang pananapak sa isang waiter sa Legazpi City. Ayon kay De Los Santos sa kanyang social media post, ilang araw na lang matatabunan na ang isyu laban sa kanya at makapananapak na naman ulit siya. Ipinagmalaki …

Read More »

NTC tumupad ng pangako ni Duterte sa SONA na ikatlong telco

TINUPAD ng National Telecommunications Commission (NTC) ang pangako ni Pangulong Rodrigo Rodrigo Duterte sa huling State of the Nation Address (SONA) na magkakaroon ng bagong major player sa telecommunications industry sa inisyung Certificate of Public Convenience and Necessity Issuance Ceremony (CPCN) sa Malacañang kamakailan. Personal na sinamahan si Duterte nina NTC Commissioner Gamaliel A. Cordoba at Department of Information and …

Read More »

4 Akyat Bahay gang timbog sa hardware

nakaw burglar thief

TATLO sa apat na suspek na sinabing miyembro ng Akyat Bahay Gang ang nadakip matapos looban ang isang establisimiyento sa Muntinlupa City, iniulat kahapon. Nakapiit sa detention cell ng Muntinlupa city police ang mga suspek na sina Jerome Banday, 29; Wil­fredo Yumol, 58; at Vincent Lomeda, 43, habang nakatakas ang kanilang kasabwat na kinilalang si Jomer Banday, 43 anyos. Habang …

Read More »

Bebot naghahanap ng bahay nahalay

ISANG babaeng naghaha­nap ng mauupahang bahay ang naging biktima ng panggagahasa matapos sumama sa mister na nag-alok ng matitirahan sa  Valenzuela City, kama­kalawa ng hapon. Sa ulat ng pulisya, nakikipag-inuman sa isang kaibigang babae ang bikti­mang itinago sa pangalang Sabel, nasa hustong gu­lang, sa Tatalon St., dakong 3:00 pm nang dumating at makitagay sa kanila ang suspek na si Roberto …

Read More »

Parañaque satellite office sa loob ng Pagcor Entertainment City sisimulan na

NAKATAKDANG simulan  ang konstruksiyon sa 2,434 square meters na satellite office ng Para­ñaque City sa loob mismo ng Pagcor Entertainment City, bago matapos ang taon. Ayon kay Parañaque city mayor Edwin Olivarez, walang gagastusin ang lungsod sa itatayong satellite office dahil solo itong gagastusan ng Anchor Land Holdings bilang bahagi ng kanilang nilagdaang public-private partnership for the Special Investment District …

Read More »

Kelot sugatan sa 5 holdaper

knife saksak

PINAGTULUNGANG saksakin ang 34-anyos lalaki ng limang holdaper nang  tumanggi ang biktima na ibigay ang kanyang gamit sa Taguig City, Martes ng gabi. Ginagamot sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktima na kinilalang si Jonathan Vitamog sanhi ng maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Patuloy pang inaalam ng awtoridad ang pagka­kakilanlan ng mga suspek. Sa ulat ng Southern Police …

Read More »

Bading kulong sa gahasa sa 11-anyos

prison rape

KULUNGAN na ang hihimasin ng isang bading  matapos ireklamo ng panghahalay sa 11-anyos Grade 1 student ng SPED (Special Education) sa likod ng isang sementeryo sa Valenzuela City. Kinilala ang suspek na si Yuri Padilla, 32 anyos, kasong Statutory Rape ang isasampa ng pulisya sa Valenzuela City Prosecutor’s Office makaraang  madakip ng mga tauhan ng Valen­zuela Police Community Precinct (PCP) …

Read More »

Barangay official na kababata ni Isko pinatay

dead gun police

TODAS sa pamamaril ang executive officer ng Barangay 275 sa Gate 47 ng Parola Compound nitong Martes ng hapon. Ayon kay P/Cpl. Tadeus ng Manila Police District Station 11, isang tama sa ulo ang nagpatumba kay Dario Habal. Isinugod ang biktima sa ospital pero idineklarang dead on arrival sa Gat Andres Hospital sa Tondo. Ayon kay Joel Balenya, bayaw ng …

Read More »

Isko, good example — DILG

NANINIWALA ang Department of the Interior and Local Government (DILG), dapat tularan si Manila Mayor Farncisco “Isko Moreno” Domago­so ng iba pang mga alkal­de sa bansa. Ito ang naging reak­siyon ni Interior Un­dersecretary Epimaco Densing sa unang mga linggo ng alkalde na naging matunog dahil sa kabi-kabilang clearing operations. Ayon kay Densing, isa itong magandang tem­plate na dapat ipatupad ng …

Read More »

Joint Congressional Power Commission nais baguhin ni Gatchalian

oil lpg money

KASUNOD ng pagba­bago sa pangalan, mula sa Joint Congressional Power Commission ay tatawagin na itong Joint Congressional Energy Commission na may layuning palawakin ang kapangyarihan, ani Sena­tor Sherwin Gatcha­lian. Aniya, may mga plano para magkaroon ng oversight power ang komisyon sa mga panu­kala na may kinalaman sa langis at gas, kasama ang Liquified Natural Gas bill. Binago umano ang pangalan …

Read More »

Walang iskuwater sa sariling bayan — Sen. Bong Go

HANGARIN ito ni Sen. Christopher “Bong” Go para sa mga Filipino kaya naghain siya ng panukalang batas na tatapos sa dumaraming bilang ng squatter o informal settlers sa bansa. Sa pamamagitan ng National Housing Deve­lopment Production and Financing bill, target niyang mapagkalooban ng sariling bahay ang mahihirap sa mahabang panahon ay walang mata­tawag na sariling tirahan. Ipinaliwanag ni Go, batay …

Read More »

Sa Bonifacio Shrine… Isko nakaapak ng ebak, PCP commander sinibak

IPINAG-UTOS ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kay MPD director P/BGen. Vicente Danao na sibakin sa puwesto ang PCP commander ng Lawton na nakakasakop sa Boni­facio Shrine sa Ermita, Maynila. Kasunod ito nang ginawang inspeksiyon ni Moreno sa paligid ng Bonifacio Shrine kahapon ng umaga. Sa kanyang pag-iinspeksyon, sinabi ni Moreno na ang Shrine ay isang ‘malaking banyo’ dahil …

Read More »

‘Cover-up’ sa Customs ibinuking

IBINUNYAG ni Bureau of Customs (BoC) district collector, Atty. Erastus Sandino Austria na patuloy pa rin ang sindi­kato sa loob ng ahensiya, sa kabila ng pagpu­pur­sigi ng Duterte admi­nistration na ito’y linisin. Sa pulong balitaan sa Quezon City, sinabi ni Austria, isa sa patunay ang ginawang ‘cover-up’ sa P1-bilyong halaga ng ‘Tapioca shipment’ na nakalabas ng daungan at nakarating sa isang …

Read More »

Ang Probinsyano Party-list rep nanapak ng waiter

NAHAHARAP sa isang reklamo ang kinatawan ng Ang Probinsyano Party-list bunsod ng pananapak sa isang waiter ng Biggs Diner sa Legazpi City. Sa salaysay ni Chris­tian Kent Alejo, 20 anyos, residente sa Legazpi City, noong 7 Hulyo 2019, dakong 3:40 am, sinuntok siya ng isang Alfred Delos Santos na kinilalang kinatawan ng Ang Probinsyano Party-list. Ayon kay Alejo, hindi niya …

Read More »

Amal Clooney ipinatapat ni Ressa kay Panelo

ITINUTURING ni Pre­sidential Spokesman Salvador Panelo ang sarili bilang katapat ni international human rights lawyer Amal Clooney. Ito ang pahayag ni Panelo, kasunod ng ulat na isa si Clooney sa magiging abogado ni Rappler CEO Maria Ressa sa mga kinaka­harap na kasong cyber libel at tax evasion. Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni Panelo, tuwing nagdedebate sila ni Ressa …

Read More »

Endoso ni Digong iboboto ng Party-list Coalition

NAGPASYA ang Party-list Coalition kahapon na suportahan ang mga inendoso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagka-speaker ng Kamara na sina Taguig Rep. Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan jay Velasco. Ayon kay 1Pacman Rep. Mikee Romero, uma­asa rin sila na maibibigay ang 20 porsiyento ng alokasyon sa chair­manship at membership ng mga komite sa grupo nila. Sa ngayon,  …

Read More »

SWS survey ikinatuwa ng Pangulo

NATUWA si Pangulong Rodrigo Duterte na pinahalagahan ng mga mamamayan ang kanyang pagsusumikap bilang halal na opisyal ng bansa. Batay sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey na inilabas kamakalawa, 80 porsiyento ng adult Filipinos ay kontento sa performance ni Pangulong Duterte noong second quarter ng 2019. “I do not go for this kind of things. Basta ako, trabaho …

Read More »

‘Batas’ ililitanya ni Digong sa SONA

MAGLILITANYA si Pangulong Rodrigo Duterte hingil sa Saligang Batas sa kanyang ika-apat na state of the nation address (SONA) sa 22 Hulyo. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa press briefing sa Palasyo kahapin, gusto ni Pangulong Duterte na mag-lecture lalo sa mga kritiko ng administrasyong Duterte sa nilalaman ng Konstitusyon. Naging sentro ng kritisismo ang Pangulo dahil sa pagpayag …

Read More »

Security officer ng city hall, itiumba ng riding-in-tandem

dead gun police

PATAY ang isang empleyado ng Malabon City Hall makaraang pag­babarilin ng hindi kilalang riding-in-tandem sa naturang lungsod, nitong Lunes ng gabi. Dead on arrival sa Ospital ng Malabon (OsMa) ang biktimang kinilalang si Angelo Aquino, 33 anyos, secu­rity officer ng Malabon City Amphitheater at residente sa Sioson St., Brgy. Dampalit, sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ng hindi nabatid …

Read More »

Speaker sa 18th Congress: Cayetano na

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano bilang Speaker ng 18th Congress. Ito ang inihayag ka­ha­pon ni Pangulong Ro­drigo Duterte sa kanyang talumpati sa mass oath-taking ng mga bagong talagang opisyal ng kanyang administrasyon. Ayon sa Pangulo, mag­kakaroon ng term sharing sina Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco. Mauunang uupo si Cayetano sa loob …

Read More »