Wednesday , June 24 2026
arrest prison

Lola, 2 pa arestado sa estafa (May raket na sanlang-tira)

KULUNGAN ang kinahinatnan ng tatlong babae, kabilang ang isang lola matapos maaresto sa isinagawang entrapment operation ng pulisya dahil sa modus na sanlang-tira at estafa sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Malabon City police chief Col. Joel Villanueva ang naarestong mga suspek na sina Sally Evangelista, 44 anyos, residente sa Dagat-Dagatan, Caloocan; Ma. Violeta Prado, alyas Jolly Berano, 66 anyos,  ng North Bay Boulevard South, Navotas; at Josephine Concepcion, 29 anyos, residente sa Brgy. Longos, Malabon.

Sa pinagsama-samang ulat nina P/SSgt. Jose Romeo Germinal, P/SSgt. Michael Oben, at P/Cpl. Renz Baniqued kay Col. Villanueva, nagpanggap si Prado na may-ari ng isang bahay sa Block 17 Lot 69 Area 3 Kaunlaran Village, Caloocan City.

Inalok umano ng mga suspek ang complainant na si Mildred Gamboa, 27 anyos, residente sa Laguna Ext., Tondo, Maynila ng eskimang ‘sanlang-tira’ sa isang bahay sa halagang P100,000.

Dahil sa matatamis na salita ng mga suspek ay nagawang maloko ang biktima at nagbigay sa kanila ng inisyal na halagang P50,000 noong 21 Abril 2021 ngunit kinaumagahan ay nadiskubre ni Gamboa sa social media na isang scammer ang suspek.

Kamakalawa ng hapon, 24 Abril, muling nakipagtransaksiyon ang suspek sa biktima para sa kabuuang bayad ng dati nilang kontrata na naging dahilan upang humingi ng tulong si Gamboa sa SS-5 at mga barangay tanod ng Brgy. Longos.

Dito, natuklasan na ang isinanglang bahay ay hindi naman pagmamay-ari ng suspek base sa rekord ng barangay.

Nadiskubreng ang suspek ay sinampahan ng kasong estafa sa Brgy. Longos ng isang Mary Grace Rosales hinggil sa eskimang ‘sanlang-tira’ sa kaparehong bahay.

Isinagawa ng mga tauhan ng SS5 at mga barangay tanod ang entrapment operation.

Nakipagkita ang biktima sa mga suspek sa Blk 17, Brgy. Longos dakong 12:30 pm na nagresulta sa pagka­kaaresto sa mga suspek.

Narekober sa mga suspek ang isang brown envelope na naglalaman ng kasunduang ‘sanlang-tira’ iba’t ibang identification cards ng suspek, at puting envelope na naglalaman ng isang tunay na P1,000 bill at boodle money.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Nartatez PNP

2 pulis timbog sa rape at pambubugbog ng misis

INARESTO ang dalawang aktibong pulis na may magkahiwalay na kaso ng rape at domestic violence …

Tacloban School Gun Shooting

Sa insidente ng pamamaril sa Tacloban
3 ESTUDYANTE NAPASLANG 20 PA NASAKTAN, SUGATAN
40 basyo ng bala nakuha sa crime scene

HATAW News Team TATLONG kabataang estudyante ang napaslang habang umakyat na sa 20 ang iniulat …

Amenah Pangandaman DBM Money

PH No.1 sa budget transparency – IBS

NAPANATILI ng Filipinas ang pagiging numero uno pagdating sa budget transparency  sa buong Southeast Asia, …

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …