Wednesday , December 25 2024

Masonry Layout

Autopsy sa casualty ng police ops pabor sa Palasyo

HINDI hahadlangan ng Palasyo ang panukala ni Senador Francis Pangilinan na gawin nang mandatory ang pagsasagawa ng autopsy sa mga napapatay sa police operation na nasa ilalim ng questionable circumstances. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na malaya si Pangilinan na maghain ng mga panukalang batas na sa tingin niya ay makabubuti sa bansa at hindi makikiaalam ang ehekutibo sa …

Read More »

Direktiba ni Digong sa renewable energy dedma kay Cusi

BINATIKOS ng grupo ng mga kinatawan ng con­sumer na tagapag­tagu­yod ng environment at clean energy, at ‘coal-affected communities’ ang Department of Energy (DOE) na pina­mumu­nuan ni Sec. Alfonso Cusi dahil sa hindi pagsunod sa direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang State of the Nation Address (SONA), na paunlarin ang Re­newable Energy (RE) at bawasan ang paggamit ng uling o …

Read More »

Palasyo duda na sa nakaiiritang ‘Friendship’ ng China

PHil pinas China

HINDI gawain ng isang kaibigan ang paulit-ulit na pagdaan ng Chinese Navy sa Sibutu Strait nang walang pahintulot ang Filipinas. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sang-ayon ang Palasyo sa pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nakaiirita na ang ginagawa ng China. Ani Panelo, maaaring paglabag sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ang ginagawa …

Read More »

Foreign recruiters blacklisted, tiwaling agencies suspendido

UMABOT sa 21 foreign recruitment agencies at direct employers ang inilagay sa blacklist habang 19 pasaway na local recruitment agency ang pinatawan ng suspensiyon o kinansela ang lisensiya sa patuloy na kampanya ng gobyerno upang linisin ang overseas placement industry, ayon sa labor department. Sa ulat ni adminis­trator Bernard Olalia ng Philippine Overseas Employment Adminis­tration (POEA) kay Labor Secretary Silvestre …

Read More »

Dahil sa korupsiyon… Pondo ng PhilHealth delikadong masaid

NANGANGANGANIB mawalan ng pondo ang Philhealth sa susunod na taon bunsod ng mga anomalyang nagaganap dito. Ayon kay Anaka­lusugan Party List Rep. Mike Defensor, hahara­ngin niya ang pondo ng Philippine Health In­surance Corp. (PhilHealth) para sa 2020 hanga’t hindi maipaliwa­nag ang mga umaali­ngawngaw na korupsiyon dito. Ayon kay Defensor, kuwestiyonable ang pagharang ng PhilHealth sa Commission on Audit (COA) na …

Read More »

2 Cabinet members nakasalang sa PACC

DALAWANG miyembro ng gabinete ang iniimbestigahan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) dahil sa umano’y pagka­kasang­kot sa katiwalian. Ayon kay PACC commissioner Greco Belgica, matatapos sa Oktubre ang kanilang pagsisiyasat sa dalawang cabinet members na hindi niya pinangalanan. Isusumite aniya ng PACC kay Pangulong Rodrigo Duterte ang resulta ng imbestigasyon at kung kinakailangan ay irerekomenda nila sa Ombudsman na sampa­han ng …

Read More »

Poe desmayado kay Lim sa hindi pagdalo sa padinig sa Senado

PINUNA ni Senator Grace Poe ang hindi pag­si­pot ni Metropolitan Mani­la Development Authority (MMDA) Chair­man Da­nilo Lim sa pagdinig ng senado kaugnay sa traffic sa EDSA. Sinabi ni Poe, nag­pasabi si Lim na dadalo siya sa pagdinig ng kaniyang komite pero hindi sumipot. Ani Poe, napapaisip tuloy siya kung talaga bang seryoso si Lim na matugunan ang proble­ma sa traffic …

Read More »

Hong Kong iwasan muna — Palasyo

NANAWAGAN ang Palasyo sa mga Filipino na ipagpaliban muna ang pagpunta sa Hong Kong dahil sa nagaganap na kilos-protesta roon. “Kung gusto mong pumunta ngayon sa Hong Kong, this is not the right time to go there kasi ‘yong flight mo biglang naka-cancel. E ‘di avoid muna going there. That’s the advice. Kasi you’re not sure whether you’re going to …

Read More »

9 Koreano timbog sa kasong Phishing

thief card

NADAKIP ang siyam na Korean nationals sa operasyon na ikinasa ng National Bureau of Investigation – Special Action Unit (NBI-SAU) matapos magnakaw ng impormasyon ang mga suspek upang gamitin sa transaksiyong pampi­nansyal at ilipat sa ibang bakanteng tarheta sa Angeles, Pampanga, noong Sabado. Kinilala ni NBI Director Dante Gierran ang mga suspek na sina Jung Ju Wan, Kim Tae Yang, …

Read More »

Sa Kamara… Reyna ng Appro ‘kusinera’ rin ng PDAF scam

NAMUMUO ang isang bagong iskema ng korup­siyon sa Kamara ng mga Representante na posi­bleng maghunos bilang “bagong Napoles scam.” Ayon sa ilang taga-Committee on Appro­priations, ang nilulutong iskema ay tila inobasyon ng tradisyonal na ‘pork barrel scheme’ na kino­kontrol ng binansagang “Reyna ng Appro” na sinabing retiradong direc­tor. Katuwang ng retira­dong director ang inire­komenda niyang pa­mang­kin para makontrol ang badyet …

Read More »

Sotto nagmungkahi: “No Parking Zone” sa Metro Manila

IMINUNGKAHI ni Senate President Vicente Tito Sotto III sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services na pina­mu­munuan ni Senadora Grace Poe ang “No Parking Zone” sa buong Metro Manila. Para tuluyang maba­wa­san ang matinding trapik sa EDSA dapat nang ipatupad ang “No Parking Zone” sa buong Kalakhang Maynila. Ayon kay Sotto, ma­ta­gal na niyang iminu­mungkahi ito ngunit walang nakikinig …

Read More »

P200 bawas sa 200 kW konsumo ng koryente (RA 11371 nilagdaan ni Digong)

AABOT sa halos P200 ang mababawas sa buwa­nang bill ng mga con­sumer na kumukon­sumo ng 200 kilowatt hour sa paglagda ni Pa­ngulong Rodrigo Duter­te sa Republic Act 11371 o Murang Kuryente Act. Batay sa bagong batas, mababawasan ang singil sa koryente sa pa­ma­magitan ng paglalaan ng pamahalaan ng net government share mula sa Malampaya fund upang ipambayad sa utang ng …

Read More »

NBI agent umarbor ng drug suspect arestado sa buy bust

ISANG nagpakilalang intelligence officer ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dinakip at dinisaramahan sa isinagawang buy bust operation ng ng Makati police Station Drug Enforce­ment Unit (SDEU) nang tangkaing arborin ang kasong droga ng kanyang tiyuhin na kabilang sa walong hinuli sa operation sa lungsod, nitong Lunes ng gabi. Kinilala ni P/Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati Police ang …

Read More »

Grupo ng Japanese at Taiwanese nagrambol sa kulangot

PINAHIRAN ng kulangot sa mukha ng Taiwanese ang isang Japanese dahilan upang mauwi sa bangayan at rambolan ang magkabilang grupo sa loob ng isang bar sa Ermita, Maynila. Ayon sa ulat, ang magkakaanak na sina Shisaku Fujita, nego­syante; Kieth Ravina, 27; at Louigie Villanueva, 22, ay dinala sa tanggapan ng MPD-General Assign­ment and Investigation Section (MPD-GAIS) para imbestigahan sa nangya­ring …

Read More »

Sa Calbayog… Bangka lumubog 49 pasahero, ligtas

NAILIGTAS ang hindi bababa sa 49 pasahero ng isang bangkang de motor na lumubog sa karagatan ng lungsod ng Calbayog, sa lalawigan ng Samar noong Lunes ng umaga, 12 Agosto. Nabatid na kaaalis ng M/B Miar Romces ng Calbayog City Port dakong 11:00 am nang makasalubong ang malalakas na hangin at alon na mas malaki pa sa bangka. Patungo ang …

Read More »

Pulis sa unibersidad ‘di solusyon laban sa rekrutment ng kaliwa

CPP PNP NPA

HINDI mapipigilan ng presensiya ng mga pulis sa mga esku­welahan ang pagrerekrut ng mga bagong miyembro ng mga maka­kaliwang grupo. Naniniwala si Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang paglaganap ng krimen ang puwedeng maiwasan sa pagka­karoon ng mga pulis sa mga paaralan pero ang recruitment ng leftist groups ay hindi dahil lihim ang pangangalap ng kanilang kasapian. “Ang presence ng …

Read More »

Holdaper sa Bulacan todas sa pulis-Maynila

dead gun police

BUMULAGTA ang isa sa riding-in-tandem makaraang maispatan ng isang pulis-Maynila ang pang­hoholdap ng dalawang suspek sa isang babae sa Guiguinto, Bulacan kamakalawa nang gabi. Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Joel Aparejado, hepe ng Guiguinto Municipal Police Station (MPS), binabagtas ni P/Cpl. John Michael Dela Cruz ang kahabaan ng lansangan sa Barangay Ilang-ilang sa naturang bayan nang makita niyang hinarang …

Read More »

Brunei fishing vessel na may 7 Filipino crew iniulat na lumubog

PATULOY na binaban­tayan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamamagitan ng Philippine Embassy sa Brunei ang nangyaring pagkawala ng isang Brunei-flagged fishing vessel, Radims 2 na iniulat na lumubog sa baybayin ng Brunei. Batay sa ulat ng DFA, 11 crew ang nakasakay dito kabilang ang pitong Filipino. Ayon kay Ambas­sa­dor to Brunei Christopher Montero, nakikipag-ug­na­yan na ang Embahada sa …

Read More »

PDP ‘di dapat mabahala — NUP

HINDI dapat matakot ang Partido Demokra­tikong Pilipino (PDP) sa National Unity Party dahil wala sa plano ng mga miyembro nito ang pagtakbo sa mataas ng puwesto sa pamahalaan. Ayon kay Dasmariñas City Rep. Elpidio Barza­ga, presidente ng NUP, mula sa pagkakabuo ng grupo ang pakay nila ay maging isang maliit na partidong tutulong sa pagkakabuo ng mga mambabatas. “We do …

Read More »

‘Regalo’ sa pulis kung hindi suhol okey lang — Palasyo

pnp police

NANINDIGAN ang Palasyo na walang masa­ma sa pagtanggap ng regalo ng mga pulis gaya ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, eksempsiyon sa anti-graft provision ng Republic Act No. 3019  kung ang isang regalo ay kusang ibinigay ng mga taong nabigyan ng tulong ng mga pulis at hindi bilang suhol kundi bilang isang token …

Read More »

Chinese looking na bangkay, fetus natagpuan sa Pasay

dead baby

WALANG buhay nang matagpuan ang isang hindi kilalang lalaki sa Federal Avenue Road 2, Metropolitan Park, Pasay City kahapon ng umaga. Base sa report ng Pasay City Police, naka­tanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizens kaugnay sa pag­ka­katagpo sa bangkay ng lalaki sa nasabing lugar. Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, Chinese looking ang biktima na nasa edad na …

Read More »

Ospital ng Maynila level 3 category — DOH

SA ANIM na pampu­bli­kong ospital sa Lungsod ng Maynila, tanging ang Ospital ng Maynila (OSMA) ang nasa kategoryang Level 3 ayon sa Department of Health (DOH). Nangangahulugan, ani Manila Vice Mayor Honey Lacuna na ang OSMA ay makapag­bibigay ng kompletong serbisyo dahil mara­ming mga mangga­gamot na titingin sa mga pasyente. Ang Ospital ng Sta. Ana ay nasa kategor­yang Level 2, …

Read More »

Grade 6 kulong sa P142 nilimas sa burger house

arrest prison

KULONG ang isang grade 6 pupil sa halagang P142 mula sa hinoldap niyang Angel’s Burger sa Barangay Greater Fair­view sa Quezon City, nitong Lunes ng umaga. Sa ulat ni P/MSgt. Roderick Mallanao ng QCPD Fairview Police Station 5,  ang insidente ay naganap dakong 4:20 am kahapon, 12 Agosto, sa Angel’s Burger branch sa Commonwealth Ave., Brgy. Greater Fairview, Quezon City. Ang …

Read More »