Saturday , November 16 2024

Masonry Layout

4 ‘tulak’ huli sa droga, pampasabog, baril at bala

arrest prison

DINAKIP ang apat na hinihinalang ‘tulak’ ng shabu nang makompis­kahan ng droga, pampa­sabog, baril at bala sa iki­nasang buy bust operation ng mga ope­ratiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa lungsod, nitong Miyer­koles ng madaling araw. Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Ronnie Montejo ang apat na sina Michael Meneses alias Warlito, 38 anyos, residente sa …

Read More »

1,000 sundalo ng AFP tumulak sa ME para sa paglikas ng Pinoys

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo ang kanyang buong suporta sa mga tropang Pinoy na nagtungo sa Gitnang Silangan para tumulong sa paglikas sa overseas Filipino workers (OFWs). Sa kanyang talumpati sa send-off program kahapon sa Pier 13 sa Port Area, Maynila, sinabi ng Pangulo na kanyang ipag­darasal ang tagumpay ng misyon. “There will be imponderables to reckon with. Hindi natin alam. …

Read More »

DFA nagpapauwi na ng distressed OFWs

NAGSIMULA nang magpauwi ng overseas Filipino workers (OFWs) ang Department of Foreign Affairs (DFA) na pinangunahan ng 13 Pinoy na dumating sa bansa kaugnay ng matinding tensiyon sa Iran at Iraq. Inihayag ng DFA, dakong 4:00 pm kahapon dumating ang 13 Pinoy sa pamamagitan ng embahada ng Filipinas sa Iraq. Sila ay kinabibi­langan ng dalawang grupo ng Pinoy workers mula …

Read More »

Walang pagtaas ng presyo ng isda sa Maynila kahit may shortage — Isko

PINAYOHAN ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang fish dealers na huwag magtaas ng presyo ng isda lalo ang bangus at tilapia kahit may ulat na may kaku­langan o shortage dahil sa nararanasang kala­midad sa southern Tagalog partikular sa Batangas at Laguna. Ayon kay Moreno, ang nasabing mga produkto ay mangga­galing sa Central Luzon at Cordillera Adminis­trative Region para punan …

Read More »

Ulo nasugatan, mukha nagasgas… Babae nahulog sa riles ng LRT1

LRT 1

ISANG pasaherong babae ang sugatan nang mahulog sa riles ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 makaraang mahilo sa Doroteo Jose Station sa Sta, Cruz, Maynila kaha­pon ng umaga. Dahil sa pangyayari, pansamantalang itinigil ang operasyon ng LRT Line 1 upang mabigyan ng tulong  ang babaeng pasa­hero na  hindi pina­ngalanan, edad 32 anyos. Sa report ni Jacqueline Gorospe, Corporate Com­munication …

Read More »

12 tindahan sa Bambang inasunto ng DTI

KAUGNAY nito, may 12 establisimiyento sa Bambang, Maynila ang naisyuhan ng notice of violations ng Department of Trade and Industry (DTI) dahil sa overpricing ng face masks at medical supplies. Ayon kay DTI Under­secretary Ruth Castelo, sa 17 establisimiyento sa Bambang ay 12 ang nakitaan ng paglabag. Sinabi ni Castelo, sasampahan ng kasong administratibo at kriminal ang nasabing mga esta­blisimiyento …

Read More »

Delikadong lugar sa Batangas i-lock down — Solon

HINIMOK ni ACT-CIS party-list Rep. Niña Taduran ang gobyerno na huwag nang payagan bumalik ang mga tao sa mga mapanganib na lugar sa paligid ng Taal Volcano. Ayon kay Taduran, maaari silang ilipat sa Metro Manila upang makaiwas sa panganib. “Strictly implement the lockdown of Lemery and other towns where fissures are showing. Evacuate some, if not all, of the …

Read More »

Taal idineklarang ‘No Man’s Land’

INAPROBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon na ideklanag “no man’s land” ang Taal Volcano Island. Inihayag ito ni Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary Renato Solidum sa panayam kahapon sa Malacañang. “That is part of the approved recom­menda­tion that Taal volcano island should not have permanent habitation,” aniSolidum. Ang rekomendasyon ay ginawa ni Defense Secretary Delfin Loren­zana sa …

Read More »

Sa overpriced N95 face mask… Bambang medical supplies stores binulaga ng DTI

NAG-INSPEKSIYON ang mga tauhan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa ilang tindahan ng medical supplies na nag-aalok ng face mask sa Sta. Cruz, Maynila nitong Martes ng umaga. Isinagawa ang inspeksiyon dakong 11:30 am sa pangunguna ni DTI Undersecretary Ruth Castelo nang makatanggap ng reklamo kaugnay sa overpriced o biglang pagtaas ng presyo ng face mask lalo ang …

Read More »

Para sa mga biktima ng bulkang Taal… Chinese Embassy nagkaloob ng face masks sa Maynila

NAGBIGAY ng tulong ang Chinese Embassy sa pamahalaang lungsod ng Maynila. Kahapon, Martes ng umaga, natanggap ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang orihinal na 1,000 KN90 face masks para sa mga opisyal ng   dahil sa pag­bag­sak ng abo mula sa bulkan na nararanasan ngayon sa buong Metro Manila. Gayonman, mas minabuti ng embahada na ipagkaloob ito sa City of …

Read More »

Upgrade ng PhiVolcs equipment panawagan ng majority leader

NANAWAGAN si House Majority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez sa Philip­pine Institute of Vol­canology and Seismology (PhiVolcs) na i-upgrade na ang kanilang mga kaga­mitan sa pamamagitan ng P221 milyong budget ngayong 2020. Ani Romualdez, kailangan nang pag­ibayuhin ang monitoring at warning equipment upang magkaroon ng gamit sa volcanic eruption, earthquake at tsunami. Ginawa ni Romua­ldez ang panawagan matapos ang …

Read More »

Kaibigang dalagita dinakma, binata kulong sa molestiya

Butt Puwet Hand hipo

SWAK sa kulungan ang isang 28-anyos binata matapos ireklamo ng pangmomolestiya sa isang kaibigang dalagita na kabilang sa inimbitahan niyang uminom ng alak sa kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City. Batay sa ulat, inimbita­han ni Jeffrey Borromeo ang biktmang itinago sa pangalang Kyla, na kanyang kaibigan at apat pa sa isang inuman sa kanilang bahay sa #133 C. …

Read More »

Malacañang maglilikas ng mga alagang hayop

ISUSUNOD na ililikas ng pamahalaan ang mga alagang hayop na naiwan at naapektohan rin ng pagputok ng bulkang Taal. Sa press briefing ng Laging Handa sa Malacañang, sinabi ni Office of Civil Defense (OCD) Assistant Secretary Casiano Monilla, sa kasalukuyan, hindi pa nila matutukoy kung kailan nila masisimulan ang paglilikas sa mga hayop. Nananatiling ang prayoridad nilang mailikas ay mga …

Read More »

Sa unang anim na buwan ng termino… VM Lacuna pinasalamatan ni Yorme Isko

LUBOS ang pagbibigay-pugay ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa kanyang Bise-Alkalde na si Honey Lacuna-Pangan at sa lahat ng tumulong sa kanya sa konseho  at sa pamahalaang lungsod na naging daan sa tagumpay at patuloy na pagtugon sa mga pangangailangan ng Manileño, sa unang anim na buwan ng panunungkulan bilang punong ehekutibo at ama ng lungsod.  Ayon kay Mayor …

Read More »

Volcanic tsunami posible sa ilang lugar — PhiVolcs

NAGLABAS ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng listahan ng mga barangay na posibleng maapektohan kung sakaling magkaroon ng volcanic tsunami. Ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council, nasa 6,000 residente na ang nailikas mula sa danger zone noon pa lamang Linggo (13 Enero) ng gabi dahil sa pangambang magbunsod ng tsunami ang pagsabog ng bulkang Taal. …

Read More »

Leni walang ‘kredebilidad’ sa drug war ni Duterte — Panelo

SAYANG ang oras kapag pinakinggan ang mga sasabihin ni Vice President Leni Robredo hinggil sa isinusulong n drug war ng adminis­trasyong Duterte dahil wala naman siyang alam sa isyu. “As the President said, VP Robredo is a colossal blunder. Liste­ning to her perorations about a matter she knows nothing about will be another herculean blunder. It is a useless exercise …

Read More »

Digong hindi tumuloy sa Leyte… Negosyanteng overpriced sa N95 face mask mananagot sa batas

IPINAGPALIBAN ni Pangulong Rodrigo Duter­te ang pagbisita sa Leyte ngayon dahil sa pagsabog ng Taal volcano sa Batangas. Nakatakdang pangu­nahan ng Pangulo ang pamamahagi ng mga benepisyo para sa rebel returnees sa San Isidro, Leyte ngayong hapon. Nagsagawa ng aerial inspection kahapon ng umaga si Pangulong Duterte upang malaman ang lawak ng pinsala nang pagsabog ng bulkan. Ang eroplanong sinak­yan …

Read More »

N95 mask overpriced

PINAGPAPALIWANAG ng Bureau of Permits ng Manila City Hall ang ilang pharmacy at tindahan ng medical supplies kaugnay sa big­laang pagsipa ng presyo ng facemask partikular ang N95 mask. Ilang mga reklamo ang natanggap ni Acting Manila City Mayor Honey Lacuna-Pangan kaugnay sa ilang negosyante na sinasamantala ang pagkakataon kaya itinaas ang presyo ng face masks. Sa ilang mga resibong …

Read More »

Madayang presyo ng Angkas pabigat sa mga pasahero

PATULOY ang paglabag ng Angkas motorcycle taxi sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pag­pataw ng surge charge na nagpapabigat sa mga mismong pasahero nito. Nabatid mula sa Technical Working Group (TWG) na binuo ni Department of Tran­sportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade na ipata­tang­gal ang Angkas bilang isang ride-hailing app dahil sa mga naitalang sunod-sunod na paglabag ng …

Read More »

10 OFW mula Iran uuwi na sa bansa

Iran

KASADO na sa susunod na linggo ang repatriation ng 10 overseas Filipino workers (OFWs). Asahan ang pagdating sa bansa ng unang batch mula sa Iraq sa ilalim ng mandatory repatriation/evacuation na ipinatutupad ng pamahalaan ng Filipinas dahil sa tensiyon sa Middle East. Ang nasabing grupo ng OFW ay bahagi ng 1,600 Pinoy sa Iraq na unang nagpahayag ng pagnanais na …

Read More »

Chinese patay nang mahulog mula sa nasusunog na condo unit

dead

ISANG Chinese national ang namatay nang mahulog sa nasusunog na gusali sa Malate, Maynila nitong Sabado ng hapon. Kinilala ng pulisya ang namatay na si Wang Ser Siong, 64, naninirahan sa isang unit na pinag­mulan ng apoy. Sa imbestigasyon, nabatid na nais tumakas ni Wang na planong duma­an sa balkonahe ng Unit 8E ng Legaspi Tower na matatagpuan sa 300 …

Read More »

Underspending sa 2020 dapat iwasan ng gobyerno

MATAPOS pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang General Appropriations Act para sa 2020, hinimok ni House deputy majority leader BH party-list Rep. Bernadette Herrera ang Ehekutibo na gastusin ito sa pinakamaayos at mabi­­li­sang paraan upang maiwasan ang under­spending sa gobyerno. “The ball is now in the executive department’s court on how to spend the funds in a fast but proper manner …

Read More »

No deployment ban sa Kuwait — Duterte

OFW kuwait

HINDI magpapatupad ng total deployment ban sa Kuwait si Pangulong Rodrigo Duterte kahit ginahasa at pinatay ng kanyang employer ang isang Pinay overseas worker. Sinabi ng Pangulo sa panayam sa ABS-CBN kamakalawa na iba ang sitwasyon ngayon kompara sa mga naka­lipas na taon dahil mabilis ang pag-aksiyon ng mga awtoridad sa Kuwait at agad na dinakip ang employers ni Jeanalyn …

Read More »

Bugok na parak sinibak ni Año

Eduardo Ano

BINALAAN ni Depart­ment of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang mga ‘bulok’ na pulis  na sangkot sa korupsiyon at talamak na bentahan ng ilegal na droga na kanyang sisipain sa  loob ng  Philippine National Police (PNP). Ayon kay Año, titiyakin niyang matatanggal mula sa PNP ang mga ‘bugok na itlog’ dahil sila ang nakasisira sa imahen …

Read More »

Duterte cronies target sa water services?

PLANO ni Pangulong  Rodrigo Duterte na ipasa sa kanyang cronies ang water concession agree­ment kaya walang puk­nat sa pagbira sa Manila Water at Maynilad, ayon sa isang labor goup. Sinabi ni Leody de Guzman, pangulo  ng Bukluran ng Mangga­gawang Pilipino (BMP), nais ni Duterte na baklasin ang dalawang naturang water distributors at ibigay ang kontrata sa  kanyang mga kaibigang sina …

Read More »