Saturday , November 16 2024

Masonry Layout

Ayuda sa mahihirap ‘wag kanain — Palasyo (‘Scam’ sa SAP)

HUWAG ‘kanain’ ang ayuda para sa mahihirap. Nagbabala kahapon si Presidential Spokesman Harry Roque na aarestohin ng mga pulis at ikukulong sa quarantine facilities ang mga opisyal ng barangay na magnanakaw sa mga ayuda ng pamahalaan para sa mga maralita. “Kinakailangang ikulong sila nang maturuan ng leksiyon na huwag pong ‘kanain’ ang ayuda na nakalaan para sa pinakamahihirap sa ating …

Read More »

Reklamong natanggap ng DILG, 3,000 na

UMABOT na sa 3000 ang reklamong natatanggap ng Department of the Interior and Local Government (DILG).   Ilan sa reklamo ng mga residente ay inaaresto at ikinukulong sila dahil sa pagpapaskil ng kanilang mga concern o hinaing sa social media hinggil sa Social Amelioration Program (SAP) distribution.   Ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, batay sa reklamong …

Read More »

Barangay officials bigyan na ng suweldo — DILG

PABOR ang pamunuan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na bigyan na ng suweldo at i-professionalize o taasan pa ang kalipikasyon para sa mga posisyon ng barangay officials.   Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, ginagampanan na rin ng barangay officials ang tatlong pangunahing governmental functions gaya ng ehekutibo, lehislatibo at hudikatira, kaya’t dapat na …

Read More »

ECQ nais palawigin ng metro mayors (Duterte papayag?)

Metro Manila NCR

MALAKI ang paniwala ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez at Chairman Metro Manila Council na papabor ang pamahalaan sa panawagan ng mayorya sa Metro Mayors na palawigin ang enhanced community quarantine (ECQ) hanggang 30 Mayo.   Sampu sa 17 alkalde sa National Capital Region (NCR) ang mas gusto ng extension sa umiiral na ECQ.   Kamakalawa, nagpulong ang MMC at …

Read More »

Buwanang pension sa indigent PWDs isinulong ni Lapid

ISINULONG ni Senador Manuel “Lito” Lapid ang pagbibigay ng buwanang pensiyon sa persons with disability (PWDs) na walang permanenteng kita at sinusuportahan ng mga kamag-anak para kanilang mga pangangailangan.   Ito ang nakapaloob sa Senate Bill 1506 na inihain ni Lapid na layong bigyang prayoridad at karampatang tulong ang PWDs para sa kanilang mga pangangailangan.   “Sa panahon na matindi …

Read More »

Tradisyonal na pagtuturo suhestiyon sa balik-eskuwela  

SUPORTADO ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagpapatupad ng tradisyonal na sistema sa pagtuturo sa nakatakdang pagbabalik-eskuwela sa 24 Agosto 2020.   Ilan sa tradisyonal na nakikita ng senador, ang pagbabalik sa paggamit ng radyo at telebisyon sa pag-aaral ng mga bata.   Aminado si Gatchalian na hindi lahat o 40 porsiyento ng ating mga mag- aaral ay walang mga modernong …

Read More »

Kapag inalis ang ECQ… Mass testing kailangan

Covid-19 positive

NAIS ni Senate President Vicente Sotto III na magkaroon ng agarang mass testing sa bansa kapag tinanggal na ang enhanced community quarantine (ECQ) nang sa ganoon ay agarang matukoy ang positibo sa coronavirus (COVID-19).   Tinukoy ni Sotto, sa pagbalik nila sa sesyon noong 4 Mayo at sa iilang pumasok na kawani ng senado ay nagpositibo ang 20.   Ayon …

Read More »

PAG-IBIG Fund huwag maningil nang buo ngayong ECQ – Solon

HINIMOK ni Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera ang Home Development Mutual Fund, na kilala sa pangalang Pag-IBIG Fund, na huwag munang maningil ng kabuoang bayad sa mga utang ng miyembro ngayong panahon ng enhanced community quarantine (ECQ) at sa mga lugar kung saan ito tatanggalin.   Ayon kay House Deputy Majority Leader Herrera, ‘unfair’ ang ganyang asta at labag sa …

Read More »

Sonny Parsons, inatake, patay (Bumibiyahe sakay ng BMW R1200GS)

ni Ed de Leon NAMATAY si Sonny Parsons sa isang klinika kung saan tinangkang ikabit siya sa oxygen matapos atakehin sa puso, habang sakay ng kanyang motorsiklong BMW R1200GS, papuntang Quezon, kahapon. Naganap ang hindi inaasahang insidente dakong 1:00 pm, Linggo, Mayo 10, sa Lemery, Batangas. Sinasabing mga limang oras na siyang bumibiyahe nang atakehin. May suspetsa ang marami na …

Read More »

Usec Badoy, doble-laglag sa Palasyo

INILAGLAG nang dalawang beses ng Palasyo si Communications Undersecretary at self-proclaimed National Task Force to End Local Communist Conflict (NTFELCAC) Lorraine Badoy nang ikawing sa anti-communist propaganda ang isyu ng pagpapasara ng gobyerno sa ABS-CBN. Muling dumistansiya si Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga inilathala ni Badoy sa Facebook page ng NTFELCAC na nagbabala sa publiko sa paggamit ng Communist …

Read More »

Kamara ‘binigwasan’ ng NTC, speaker ‘napipi’

HINDI pa rin makahuma ang maraming television viewers, matapos ‘bigwasan’ ng National Telecommunications Commission (NTC) ang House of Representatives, na pinamumunuan ni Speaker Alan Peter Cayetano, nang umabuso ang regulatory body sa pagpapatigil ng operasyon ng broadcasting network matapos mag-expire ang prankisa nito. Sa kabila nito, iginiit ng ABS-CBN na naniniwala silang nanatili ang kanilang karapatan na maghain ng petisyon …

Read More »

Sa Parañaque… Imbes hard lockdown random rapid testing sa 20,000 residente — Mayor Olivarez

HINDI ipatutupad ang hard lockdown sa barangay na ikatlo sa may pinakamataas na kompirmadong kaso ng coronavirus (COVID-19) sa National Capital Region (NCR) ayon sa inihayag ng Department of Health (DOH), siniguro ito ng pamahalaang lungsod ng Parañaque.   Sinabi ni Mayor Edwin Olivarez, ang paglalagay sa hard lockdown sa isang barangay ay hindi tamang solusyon sa pandemia kung ang …

Read More »

Gat Andres muling binuksan sa publiko  

MULING binuksan sa publiko ang Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABBMC) matapos i-disinfect nang magpositibo sa coronavirus COVID-19 ang ilang health workers.   Kinompirma ito ni Dr. Teodoro Martin, Director ng GABMMC, at sinabing ilang wards sa pagamutan ang binuksan sa mga pasyente. “Nahihirapan na kasi ‘yung ibang city hospital sa rami ng pasyente kaya binuksan na namin,” ayon …

Read More »

46 ‘kupitan’ ng barangay target ni Isko

MAHAHARAP sa masusing imbestigasyon ang 46 barangay chairpersons dahil pagpapaliwanagin ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa mga isyung ‘kupitan’ ngayong panahon ng pandemyang COVID-19. Ang 46 barangay chairpersons ay inireklamo dahil ‘kinukupitan’ ang bilang ng ayuda gaya ng nawawalang sauce ng spaghetti, hindi naibigay na financial assistance, pang-uumit ng grocery items at iniimbak sa barangay hall na ginawang bodega. Kaugnay …

Read More »

25 Pinoy crew ng Costa Atlantica nakauwi na

NANDITO na sa bansa ang panibagong 125 Filipino crew members ng Costa Atlantica cruise ship na nakadaong sa Nagasaki, Japan. Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang naturang overseas Filipino workers (OFWs) matapos makompleto ang kanilang 14-day quarantine sa loob ng barko. Ang mga repatriated …

Read More »

Prankisa ng ABS-CBN aaprobahan ng senado

abs cbn

TINIYAK ni Senate President Vicente Sotto III, agad aaprobahan ng Senado ang prankisa ng ABS CBN.   Pahayag ito ni Sotto matapos itigil ng ABS-CBN ang pagsasahimpapawid bilang pagtalima sa cease-and-desist order ng National Telecommunications Commission (NTC) matapos mapaso ang kanilang prankisa.   ‘“ABS franchise, bring it to the Senate, we will approve it!” pahayag ni Sotto sa kanyang official …

Read More »

NTC ‘wag gamiting sangkalan ng Kamara  

BINATIKOS ni Albay Rep. Edcel Lagman ang administrasyon sa pagsisi sa National Telecommunication Commission (NTC) sa ipinataw na cease-and-desist order laban sa ABS-CBN. Ayon kay Lagman bigo ang liderato ng Kamara sa pag-aproba ng prankisa na inihain noon pang 2016.   “There is no other solution to the dilemma of ABS-CBN than the immediate renewal of its franchise now that …

Read More »

NTC umabuso, kastigo hamon kay Duterte ng ex-solon

HINAMON ng isang dating mambabatas si Pangulong Rodrigo Duterte na kastigohin ang National Telecommunications Commission (NTC) dahil sa pag-abuso sa kapangyarihan nang iutos ang pagpapasara sa ABS-CBN habang umiiral ang Luzon-wide enhanced community quarantine (ECQ). Ayon kay dating Kabataan party-list representative at Infrawatch PH convenor Terry Ridon, nag-isyu ang NTC ng Memorandum Order No. 03-03-2020 na nagpapalawig sa validity o …

Read More »

Kapabayaan ng Kongreso — FEU Law Dean (Sa ABS-CBN Shutdown)

ABS-CBN congress kamara

 “FOCUS now must be on Congress [Magpokus tayo ngayon sa Kamara]” ang naging huling paalala ni Far Eastern University Institute of Law dean at dating broadcaster na si Atty. Melencio Sta. Maria sa taongbayan sa kanyang live webcast na pinamagatang “Interview with Dean Mel Sta. Maria.” Ang interview ay umikot sa pagsagot sa mga katanungan tungkol sa pagpapahinto ng broadcast …

Read More »

Pagbabayad ng bills gawing 3 gives — Sen. Tolentino

PARA hindi mahirapan ang consumers sa pagbabayad ng utility bills agad na iminungkahi ni Sen. Francis Tolentino na gawing ‘three gives’ ang pagbabayad nito. Nais ng Senador na bayaran ng ‘three gives’ ang mga bayarin sa ilaw, tubig at iba pang bayarin sa bahay sa tuwing nasa state of calamity ang bansa. Sa Senate Bill No. 1473 o ang “Three …

Read More »

Kamara bahalang magpasya sa kaso ng ABS-CBN — Go

ABS-CBN congress kamara

DAPAT ipaubaya sa House of Representatives ang usapin ng inilabas na cease-and-desist order ng National Telecommunications Commission (NTC) laban sa ABS-CBN.   Ito ang pahayag ni Senator Christopher “Bong” Go kasunod ng issuance ng NTC ng kautusan hinggil sa hiling na prankisa ng network   Kaugnay nito, umapela si Go sa Kamara na tugunan ang bill na humihiling ng renewal …

Read More »

Cease-and-desist order vs ABS-CBN puwedeng iakyat sa Korte Suprema

supreme court sc

MAAARING iakyat ng ABS-CBN Corporation sa Korte Suprema (SC)  ang cease-and-desist order na ipinalabas laban sa korporasyon.   Sinabi ito ni Senator Francis Pangilinan, isa rin abogado, kasunod ng pagpapatigil ng operasyon ng major network.   Malinaw, aniya, ito ay grave abuse of discretion dahil halatang pinag-initan ang ABS CBN sa isyu ng prankisa gayong maraming  broadcasting companies ang nag-o-operate …

Read More »

NTC itinuro ng Palasyo sa #deadair ABS-CBN

DUMISTANSIYA ang Palasyo sa inilabas na kautusan ng National Telecommunications Commission (NTC) na itigil ng ABS-CBN at mga radio station nito ang pagsasahimpapawid dahil wala silang prankisa mula sa Kongreso.   Ang cease-and-desist order ng NTC laban sa ABS-CBN ay inilabas dalawang araw matapos magbanta si Solicitor General Jose Calida sa komisyon laban sa paglalabas ng provisional authority para sa …

Read More »