Friday , May 27 2022
Jeyrick Sigmaton Carrot Man

Carrot Man Jeyrick wagi sa NY

RATED R
ni Rommel Gonzales

NI sa panaginip ay hindi inaasahan ni Jeyrick Sigmaton na magkakaroon siya ng isang international acting award.

Nagwagi si Jeyrick bilang Best Actor para sa short film na Dayas sa katatapos lamang na International Film Festival Manhattan Autumn sa New York sa Amerika.

“Actually, nagulat din ako noong una. Hindi ko inaasahan na magkakaroon ako ng ganoong award, ‘tapos international pa. Masaya naman ako at that time, nakalimutan ko na kung ano ‘yung ginagawa ko noong ibinalita nila,”  pahayag ni Jeyrick na unang sumikat at nag-viral bilang si Carrot Man.

Ayon pa kay Jeyrick, nakatulong sa kanya ang mga sinalihang  acting workshops kaya hindi siya gaanong nahirapan sa una niyang pagsabak sa akting.

Hindi niya makakalimutan ang mga emotional scene niya sa naturang short film.

“Masakit sa dibdib pala kapag totoo ‘yung scene, tapos ayaw pang mag-cut ng direktor.

“Kasi, sa tuwing iiyak ka, roon mo nailalabas ‘yung sakit sa iyong damdamin. Nag-practice ako ng mabuting-mabuti sa pag-iyak.

Pinarangalan din si Jeyrick ng Dangal ng Lahi na ginanap nitong November 27.

Ang Dayas (the process of gold extraction from the ore) ay idinirehe at brainchild ni direk Jennylyn Delos Santos (or Jianlin) na siya ring executive producer.

Si Peter Allan Mariano naman ang Assistant Director at Director of Photography ng naturang short film.

Si Ms. Jinky Delos Santos-Lontoc ang Coordinating Director at online strategist ng Sine Cordillera at Be Unrivaled Productions na naghandog ng pelikula at coordinator sa mga media network at international film festivals para sa promotion ng Dayas.

About Rommel Gonzales

Check Also

Xian Lim Barbie Imperial

Xian nagpaliwanag sa kumakalat nilang litrato ni Barbie 

MA at PAni Rommel Placente BINIGYANG linaw ni Xian Lim sa interbyu sa kanya ng pep.ph ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie Imperial dahil sa kumalat na litrato nila habang nasa lobby ng isang …

Vince Tañada Ang Bangkay

Vince umaasang maisasali sa mga filmfest abroad ang Ang Bangkay

HARD TALKni Pilar Mateo SINO Ang Bangkay!  Si Don Segismundo Corintho, ang biyudong embalsamador. Na ginagampanan ni Vince …

Kris Aquino Lolit Solis

Lolit Solis naiyak sa sulat ni Kris Aquino

MA at PAni Rommel Placente SABI ni Lolit Solis noong kaarawan niya, May 20, nagpadala sa kanya …

Lance Raymundo, Chotto Matte Kudasai

Lance handang mag-frontal sa pelikula

MATABILni John Fontanilla HANDANG tumodo sa pagpapa-sexy si Lance Raymundo sa pelikula. Tsika ni Lance nang makausap …

Bea Alonzo spain house

Pagbili ng apartment ni Bea sa Spain sisiw lang sa aktres

REALITY BITESni Dominic Rea SISIW lang o barya lang para kay Bea Alonzo ang halaga ng binili …