PUWEDE na muling magtrabaho sa ibang bansa ang Pinoy health workers matapos tanggalin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang deployment ban sa medical professionals. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na tiniyak ni Health Secretary Francisco Duque kay Pangulong Duterte na may sapat na health workers sa Filipinas upang tugunan ang CoVid-19 pandemic. “Noong ini-request po ‘yan ng DOLE (Department of …
Read More »Masonry Layout
Quarrying, illegal logging susugpuin ng DILG (Ikinatuwa ng mga Bulakenyo)
IPINAG-UTOS kahapon, 23 Nobyembre, ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na sugpuin ang illegal logging at quarrying, na itinuturo ng mga awtoridad na dahilan ng matinding pagbaha kasunod ng magkakasunod na bagyo sa bansa. Ipinahatid ni DILG Secretary Eduardo Año sa mga local government units (LGUs) at Philippine National Police (PNP) na ipatupad ang pagsugpo sa pamamagitan …
Read More »16 law offenders timbog sa Bulacan (Anti-crime campaign pinaigting)
SUNOD-SUNOD na nadakip ng mga awtoridad ang 16 kataong lumabag sa batas sa pinaigting na kampanya ng Bulacan police laban sa kriminalidad sa lalawigan hanggang kamakalawa, 22 Nobyembre. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, direktor ng Bulacan Police Provincial Office, naaresto ang pitong suspek na pinaghahanap ng batas sa bisa ng warrants ng tracker teams ng Norzagaray, Hagonoy, …
Read More »2 laborer nahulog sa construction site sa QC, todas
PATAY ang dalawang construction workers, habang malubha ang isa pa nang mahulog habang hinihila ang isang bloke piataas sa ginagawang gusali sa La Loma, Quezon City, nitong Lunes ng umaga. Idineklarang patay nang dumating sa ospital ang mga biktimang sina Arnel Kapistrano Esquitado, at Rex Laorio Dela Rosa, kapwa nasa hustong gulang, habang inoobserbahan pa sa East Avenue Medical Center …
Read More »Abogado pinagbabaril sa Cebu City, patay (Hindi umabot sa opisina)
BINAWIAN ng buhay ang isang 51-anyos abogado nang pagbabarilin ng dalawang suspek habang papasok sa kaniyang opisina sa Barangay Kasambagan, lungsod ng Cebu, dakong 1:30 pm nitong Lunes, 23 Nobyembre. Kinilala ni P/Maj. Dindo Juanito Alaras, hepe ng Mabolo Police Station, ang biktimang si Atty. Joey Luis Wee na dalawang beses tinamaan ng bala ng baril sa kaniyang katawan. Agad …
Read More »Infra budget ng solons lomobo — Lacson (Sa ilalim ni Velasco)
BIGLANG naiba at lomobo ang infrastructure budget ng mga kongresista nang maupong House Speaker si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, pag-amin ni Sen. Panfilo Lacson. Ayon kay Lacson naging kapansin-pansin na binago ang House version ng General Appropriations Bill (GAB) nang magpalit ng lider ang Kamara, inihalimbawa nito ang isang distrito na P9 bilyon ang inisyal na budget nang si …
Read More »Rubber gate ng Bustos dam hindi maisara (Dahil sa mga nakabarang sanga at troso)
KAHIT mababa na ang tubig ng Bustos dam, hindi pa din maisara ang rubber gate nito, sa bayan ng Bustos, lalawigan ng Bulacan, dahil sa nakabarang mga sanga at mga troso na inanod matapos manalasa ang bagyong Ulysses. May hinala ang Water Control Coordination Unit na galing ito sa illegal logging sa mga katabing bundok ng dam. Hindi umano karakang …
Read More »Speaker Velasco, grupo sinisi (Watak-watak sa Kamara)
UNIFYING leader ang isa sa ipinagmalaki ni House Speaker Lord Allan Velasco nang maupo sa puwesto kasunud ng naging speakership row sa kanila ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano ngunit taliwas ang sinasabi nito sa kanyang ginagawa nang tanggalin ang ilang Deputy Speakers at ang nakatakdang pagbalasa pa sa chairmanship ng mga House committee. Maugong din na inilulutong palitan …
Read More »Liderato ng Kamara tahimik sa ‘silent war’
TILA may silent war sa loob ng House of Representatives sa pagitan mismo ng mga kaalyado ni House Speaker Lord Allan Velasco matapos maiulat nagkapikonan ang ilang mambabatas na kinuwestiyon ang pagkakatalaga kay Davao Rep. Paolo Duterte bilang Chairman ng House Committee on Accounts, isa sa makapangyarihang posisyon sa Kamara. Tahimik ang House Leadership sa isyu pero isang viber message …
Read More »Sektor ng mahihirap at mahihina prayoridad sa CoVid-19 vaccine — Go
BUNSOD ng mga positibong development sa mga potensiyal na bakuna para labanan ang coronavirus disease 2019 (CoVid-19), binigyang-diin ni Senador Christopher “Bong” Go ang pangangailangan ng mahusay na plano, komunikasyon at implementasyon ng national vaccination program upang magarantiyahan ang pagkakaroon ng pantay-pantay na access at sistematikong probisyon sa sandaling available na ang ligtas at epektibong bakuna para sa mga mamamayan. …
Read More »Permiso ng DepEd sa red-tagging forum kinuwestiyon
KINUWESTIYON ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang pagpapahintulot ng Department of Education (DepEd) na idaos sa 16 divisions sa National Capital Region (NCR) ang isang red-tagging forum na pangungunahan ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa gitna ng pandemya at kalamidad. “The Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines assailed an upcoming orientation for ‘Parents and Teachers on the Youth …
Read More »Airport police official nasa drug list ni Duterte — PDEA
KINOMPIRMA ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na isang Airport police official ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang nasa drug list ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa liham ni PDEA Intelligence and Investigation Service (IIS) Director Edgar Jubay kay MIAA Assistant General Manager (AGM) retired B/Gen. Romeo Labador, kinompirma ng una na isang airport police official, kinilalang si alyas Jong …
Read More »Estudyante natagpuang patay sa Quezon (Naghahanap ng signal para sa online class)
WALA nang buhay, walang damit, at may mga saksak sa katawan nang matagpuan ang isang Grade 7 student sa bayan ng San Narciso, sa lalawigan ng Quezon, na sinasabing nagpaalam maghanap ng signal para sa cellphone para sa kaniyang online class, nitong Biyernes, 20 Nobyembre. Ayon sa lolo ng biktima, nagpaalam sa kaniya ang biktimang kinilalang si Vee Anne Banico, …
Read More »5 wanted persons, 4 drug suspects tiklo sa Bulacan police
SUNOD-SUNOD na nadakip ang limang wanted persons at apat na drug suspects sa magkakahiwalay na manhunt at buy bust operations na ikinasa ng Bulacan police hanggang kahapon, 22 Nobyembre. Sa ulat kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, inaresto ang limang wanted persons sa magkakaibang manhunt operations na inilatag ng tracker teams ng Malolos CPS, Meycauayan CPS, at …
Read More »Kelot, timbog sa boga, P680-K shabu
TIMBOG ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makompiskahan ng higit sa P.6 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang narestong suspek na si Ruel Sangines alyas Ginto, 38 anyos, residente ng Block 16, Lot …
Read More »Tarpo ng mga trapo bawal sa Maynila (Iba pang political materials)
MAHIGPIT na ipinagbabawal ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagpapaskil ng political materials sa bawat sulok ng lungsod. Pahayag ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, masigasig ang kanilang paglilinis sa lungsod mula sa gulo at pangit na sitwasyong iniwanan ng nakalipas na administrasyon, kaya hindi nila hahayaan na muli itong masalaula o marumihan ng political materials, na eye sore …
Read More »Vice mayor inireklamo sa ‘online game show’
INIREKLAMO ang bise alkalde ng San Pascual, Batangas sa Office of the Ombudsman, Department of Interior and Local Government, at sa Civil Service Commission, dahil sa sinabing paglabag sa Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, dahil sa ginawang “online game show” habang nasa oras ng trabaho. Sa tatlong-pahinang reklamo na ipinadala …
Read More »20 law breakers nalambat sa Pampanga (Sa pinaigting na anti-crime campaign)
UMABOT sa 20 kataong lumabag sa iba’t ibang uri ng batas ang nadakip sa pinaigting na kampanya kontra krimen ng PRO3 PNP nitong Sabado, 21 Nobyembre, sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga. Batay sa ulat mula sa tanggapan ni P/BGen. Valeriano “Val” De Leon, nasakote ang mga suspek na kinilalang sina alyas Eman, miyembro ng Bahala Na Gang, alyas …
Read More »2 Aeta mula Zambales unang ‘casualty’ ng Anti-Terror Law
NAITALA ang unang kaso sa ilalim ng Republic Act 11479 o Anti-Terrorism Act of 2020 laban sa dalawang katutubong Aeta mula sa lalawigan ng Zambales dahil sa hinalang sangkot sila sa barilang nauwi sa kamatayan ng isang sundalo noong Agosto ng taong kasalukuyan. Ayon sa manipestasyon ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL), kinatawan ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) na …
Read More »P620-M to P15-B infra budget ng solons ipaliwanag — Sen. Lacson
PINAGPAPALIWANAG ni Senator Panfilo Lacson ang House Leadership sa inaprobahan nitong infrastructure projects sa congressional districts na nakapaloob sa P4.5 trilyong national budget na nasa P620 milyon hanggang P15 bilyon ang alokasyong nakita sa bawat kongresista. Sa deliberasyon ng Senado sa panukalang P659 bilyong budget para sa Department of Public Works and Highway (DPWH), sinabi ni Lacson na halos kabuuan …
Read More »2 tulak piniling mamatay kaysa sumuko
PATAY ang dalawang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na gamot sa magkahiwalay na buy bust operations na ikinasa ng Bulacan PNP sa lalawigan hanggang kahapon ng umaga, 18 Nobyembre. Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, ang isa sa mga napatay na suspek na si Alnor Liwa, residente sa Barangay Gaya-gaya, sa lungsod ng San Jose …
Read More »2 motornapper dedbol sa enkuwentro sa Bulacan
NABAWASAN ang mga kawatang kumikilos sa Bulacan nang mapatay sa enkuwentro ang dalawang hinihinalang kawatan ng motorsiklo sa isang police operation sa bayan ng San Rafael, sa naturang lalawigan, nitong Martes ng madaling araw, 17 Nobyembre. Sa ulat ni P/BGen. Alexander Tagum, direktor ng PNP Highway Patrol Group, sinabi niyang napaslang ang dalawang hindi kilalang suspek sakay ng isang ninakaw …
Read More »Pondo vs CoVid maliit dapat dagdagan — Solon
PINUNA ni Marikina Rep. Stella Quimbo ang maliit na pondong inilaan ng gobyerno sa paglaban sa pandemyang dulot ng CoVid-19. Aniya, kailangang dagdagan ang pondo para maka- recover ang bansa sa problemang pang-ekonomiya. Sa privilege speech sinabi ni Quimbo, ang pondo na nagkakahalaga ng P248-bilyones ay sobrang liit kompara sa P838.4 bilyon kasama ang P590 bilyon para sa massive infrastructure …
Read More »VP Robredo ‘di nag-C-130 patungong Catanduanes (Panelo nakoryente)
NAKORYENTE si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa pahayag na sumakay sa C-130 plane si Vice President Leni Robredo para mamigay ng relief good sa Catanduanes kamakailan. Mismong si Defense Secretary Delfin Lorenzana ay humingi ng paumanhin kay Robredo dahil sa maling ulat na sumakay siya ng C-130 plane ng Philippine Air Force patungong Catanduanes. Nauna nang tinawag ni …
Read More »Luzon-wide state of calamity, idineklara ng Pangulo
ISINAILALIM ni Pangulong Rodrigo Duterte sa state of calamity ang buong Luzon batay sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Sa ilalim ng state of calamity ay iiral ang automatic price freeze ng basic commodities at bawat ahensiya ay ipatutupad ang Price Act, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque. “Department of Agriculture: rice, corn, cooking oil, …
Read More »