Saturday , September 28 2024

Masonry Layout

Digong buntot ‘nabahag’ vs solons na corrupt

 KUNG gaano kabagsik sa pagbabanta at binabasa pa ang pangalan ng mga pangkaraniwang empleyado na umano’y sangkot sa korupsiyon, tila nabahag ang buntot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kongresista na idinadawit sa katiwalian sa mga proyekto sa kanilang distrito. Sinabi ng Pangulo sa kanyang pre-recorded public address kamakalawa ng gabi, isinumite sa kanya ni Presidential Anti Crime Commission (PACC) …

Read More »

4-taon drug war ni Duterte may 1k kaso kada araw

MISTULANG bumalik sa 2016 o noong kauupo pa lang sa Palasyo ni Pangulong Rodrigo Duterte at naging ‘retorika’ ang isinusulong niyang drug war. Kamakalawa ng gabi, tulad ng inaasahan tumirada ng kanyang ‘retorika’ at  muling binatikos ni Duterte ang human rights advocates na kritiko ng extrajudicial killings resulta ng kanyang drug war. Hinimok ng Pangulo ang human rights advocates na …

Read More »

Loyalty check ikinairita ni Pulong (Mas piniling magbitiw)

HINDI maliit na bagay para kay Davao Rep at Presidential Son Paolo “Pulong” Duterte ang ginawang isyung loyalty check sa kanya ng ilang mga kaalyado sa House Majority kaya naman imbes manatili sa puwesto ay nagdesisyon siyang magbitiw bilang Chairman ng House Committee on Accounts, ang puwestong ibinigay sa kanya ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco nang maupo bilang House …

Read More »

Senado pinakikilos vs naglalakihang infra funds ng kamara (2.3-M estudyanteng apektado gawing prayoridad)

HALOS 2.4 milyong estudyante ang hidni nakalalahok sa distance learning dahil wala pa rin koryente sa maraming lugar sa bansa. Inihayag ito ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto matapos ang expose’ ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na may bilyon-bilyong infrastructure budget insertions ang mga kongresista para sa kanilang mga distrito na ipinaloob sa 2021 national budget. Sa paghimay ng …

Read More »

$25 kada Pinoy para sa CoViD-19 vaccine — Palasyo (Sa target na herd immunity)

MAGLALAAN ang administrasyong Duterte ng 25 dolyar o mahigit P1,000 kada Pinoy para mabakunahan kontra CoVid-19. Inihayag ito ni Finance Secretary Carlos Dominguez sa recorded televised Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases meeting kagabi kasama si Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Dominguez, target ng gobyernong mabakunahan ang 60 milyon sa mahigit 110 milyong populasyon ng Filipinas at tinatayang …

Read More »

Deployment ban sa Pinoy health workers tinanggal  

OFW

 PUWEDE na muling magtrabaho sa ibang bansa ang Pinoy health workers matapos tanggalin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang deployment ban sa medical professionals. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na tiniyak ni Health Secretary Francisco Duque kay Pangulong Duterte na may sapat na health workers sa Filipinas upang tugunan ang CoVid-19 pandemic. “Noong ini-request po ‘yan ng DOLE (Department of …

Read More »

Quarrying, illegal logging susugpuin ng DILG (Ikinatuwa ng mga Bulakenyo)

IPINAG-UTOS kahapon, 23 Nobyembre, ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na sugpuin ang illegal logging at quarrying, na itinuturo ng mga awtoridad na dahilan ng matinding pagbaha kasunod ng magkakasunod na bagyo sa bansa. Ipinahatid ni DILG Secretary Eduardo Año sa mga local government units (LGUs) at Philippine National Police (PNP) na ipatupad ang pagsugpo sa pamamagitan …

Read More »

16 law offenders timbog sa Bulacan (Anti-crime campaign pinaigting)

SUNOD-SUNOD na nadakip ng mga awtoridad ang 16 kataong lumabag sa batas sa pinaigting na kampanya ng Bulacan police laban sa kriminalidad sa lalawigan hanggang kamakalawa, 22 Nobyembre. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, direktor ng Bulacan Police Provincial Office, naaresto ang pitong suspek na pinaghahanap ng batas sa bisa ng warrants ng tracker teams ng Norzagaray, Hagonoy, …

Read More »

2 laborer nahulog sa construction site sa QC, todas

construction

PATAY ang dalawang construction workers, habang malubha ang isa pa nang mahulog habang hinihila ang isang bloke piataas sa ginagawang gusali sa La Loma, Quezon City, nitong Lunes ng umaga. Idineklarang patay nang dumating sa ospital ang mga biktimang sina  Arnel Kapistrano Esquitado,  at  Rex Laorio Dela Rosa, kapwa nasa hustong gulang, habang inoobserbahan pa sa East Avenue Medical Center …

Read More »

Abogado pinagbabaril sa Cebu City, patay (Hindi umabot sa opisina)

dead gun police

BINAWIAN ng buhay ang isang 51-anyos abogado nang pagbabarilin ng dalawang suspek habang papasok sa kaniyang opisina sa Barangay Kasambagan, lungsod ng Cebu, dakong 1:30 pm nitong Lunes, 23 Nobyembre. Kinilala ni P/Maj. Dindo Juanito Alaras, hepe ng Mabolo Police Station, ang biktimang si Atty. Joey Luis Wee na dalawang beses tinamaan ng bala ng baril sa kaniyang katawan. Agad …

Read More »

Infra budget ng solons lomobo — Lacson (Sa ilalim ni Velasco)

BIGLANG naiba at lomobo ang infrastructure budget ng mga kongresista nang maupong House Speaker si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, pag-amin ni Sen. Panfilo Lacson. Ayon kay Lacson naging kapansin-pansin na binago ang House version ng General Appropriations Bill (GAB) nang magpalit ng lider ang Kamara, inihalimbawa nito ang isang distrito na P9 bilyon ang inisyal na budget nang si …

Read More »

Speaker Velasco, grupo sinisi (Watak-watak sa Kamara)

UNIFYING leader ang isa sa ipinagmalaki ni House Speaker Lord Allan Velasco nang maupo sa puwesto kasunud ng naging speakership row sa kanila ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano ngunit taliwas ang sinasabi nito sa kanyang ginagawa nang tanggalin ang ilang Deputy Speakers at ang nakatakdang pagbalasa pa sa chairmanship ng mga House committee. Maugong din na inilulutong palitan …

Read More »

Liderato ng Kamara tahimik sa ‘silent war’

TILA may silent war sa loob ng House of Representatives sa pagitan mismo ng mga kaalyado ni House Speaker Lord Allan Velasco matapos maiulat nagkapikonan ang ilang mambabatas na kinuwestiyon ang pagkakatalaga kay Davao Rep. Paolo Duterte bilang Chair­man ng House Committee on Accounts, isa sa maka­pangyarihang posisyon sa Kamara. Tahimik ang House Leadership sa isyu pero isang viber message …

Read More »

Sektor ng mahihirap at mahihina prayoridad sa CoVid-19 vaccine — Go

BUNSOD ng mga positibong development sa mga potensiyal na bakuna para labanan ang coronavirus disease 2019 (CoVid-19), binigyang-diin ni Senador Christopher “Bong” Go ang pangangailangan ng mahusay na plano, komu­nikasyon at implemen­tasyon ng national vaccination program upang magarantiyahan ang pagkakaroon ng pantay-pantay na access at sistematikong pro­bisyon sa sandaling available na ang ligtas at epektibong bakuna para sa mga mamamayan. …

Read More »

Permiso ng DepEd sa red-tagging forum kinuwestiyon

KINUWESTIYON ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang pagpapahintulot ng Department of Education (DepEd) na idaos sa 16 divisions sa National Capital Region (NCR) ang isang red-tagging forum na pangungunahan ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa gitna ng pandemya at kalamidad. “The Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines assailed an upcoming orientation for ‘Parents and Teachers on the Youth …

Read More »

Airport police official nasa drug list ni Duterte — PDEA

KINOMPIRMA ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na isang Airport police official ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang nasa drug list ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa liham ni PDEA Intelligence and Investigation Service (IIS) Director Edgar Jubay kay MIAA Assistant General Manager (AGM) retired B/Gen. Romeo Labador, kinompirma ng una na isang airport police official, kinilalang si alyas Jong …

Read More »

5 wanted persons, 4 drug suspects tiklo sa Bulacan police

SUNOD-SUNOD na nadakip ang limang wanted persons at apat na drug suspects sa magkakahiwalay na manhunt at buy bust operations na ikinasa ng Bulacan police hanggang kahapon, 22 Nobyembre. Sa ulat kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, inaresto ang limang wanted persons sa magkakaibang manhunt operations na inilatag ng tracker teams ng Malolos CPS, Meycauayan CPS, at …

Read More »

Kelot, timbog sa boga, P680-K shabu

shabu drug arrest

TIMBOG ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makompiskahan ng higit sa P.6 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang narestong suspek na si Ruel Sangines alyas Ginto, 38 anyos, residente ng Block 16, Lot …

Read More »

Tarpo ng mga trapo bawal sa Maynila (Iba pang political materials)

MAHIGPIT na ipinagbabawal ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagpapaskil ng political materials sa bawat sulok ng lungsod. Pahayag ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, masigasig ang kanilang paglilinis sa lungsod mula sa gulo at pangit na sitwasyong iniwanan ng nakalipas na administrasyon, kaya hindi  nila hahayaan na muli itong masalaula o marumihan ng political materials, na eye sore …

Read More »

Vice mayor inireklamo sa ‘online game show’

INIREKLAMO ang bise alkalde ng San Pascual, Batangas sa Office of the Ombudsman, Department of Interior and Local Government, at sa Civil Service Commission, dahil sa sinabing paglabag sa Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, dahil sa ginawang “online game show” habang nasa oras ng trabaho. Sa tatlong-pahinang reklamo na ipinadala …

Read More »

2 Aeta mula Zambales unang ‘casualty’ ng Anti-Terror Law

NAITALA ang unang kaso sa ilalim ng Republic Act 11479 o Anti-Terrorism Act of 2020 laban sa dalawang katutubong Aeta mula sa lalawigan ng Zambales dahil sa hinalang sangkot sila sa barilang nauwi sa kamatayan ng isang sundalo noong Agosto ng taong kasalukuyan. Ayon sa manipestasyon ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL), kinatawan ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) na …

Read More »

P620-M to P15-B infra budget ng solons ipaliwanag — Sen. Lacson

PINAGPAPALIWANAG ni Senator Panfilo Lacson ang House Leadership sa inaprobahan nitong infrastructure projects sa congressional districts na nakapaloob sa P4.5 trilyong national budget na nasa P620 milyon hanggang P15 bilyon ang alokasyong nakita sa bawat kongresista. Sa deliberasyon ng Senado sa panukalang P659 bilyong budget para sa Department of Public Works and Highway (DPWH), sinabi ni Lacson na halos kabuuan …

Read More »