Wednesday , December 25 2024

Masonry Layout

Sa Calbayog City, Samar
VETERAN JOURNALIST PATAY SA PAMAMARIL

120921 Hataw Frontpage

ISANG beteranong mamamahayag na nakabase sa Pampanga ang binawian ng buhay matapos barilin sa loob ng kanilang tindahan nitong Miyerkoles ng gabi, 8 Disyembre, sa lungsod ng Calbayog, lalawigan ng Samar. Kinilala ng mga awtoridad ang biktimang si Jesus “Jess” Malabanan, 58 anyos, correspondent ng Manila Standard, Bandera, at stringer ng Reuters; residente sa Langka St., lungsod ng Angeles, lalawigan …

Read More »

Pitmaster Foundation magdo-donate ng P20M sa national gov’t

Pitmaster Foundation Atty Caroline Cruz

MAGBIBIGAY ng P20 milyon ang Pitmaster Foundation sa pamahalaan para hikayatin na magpabakuna ang mga taong hindi pa nababakunahan kontra CoVid-19. Ayon kay Pitmaster Foundation Executive Director Atty. Caroline Cruz, “we will turn over the said funds sa national government for the purpose na hikayatin ang mga ayaw o nagdadalawang isip pa riyan kung magpabakuna ba o hindi.” Dagdag ni …

Read More »

Marian mugto ang mata nang umalis; 10 maleta at 20 gowns bitbit pa-Israel

Marian Rivera Dingdong Dantes Miss Universe Israel

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI napigilan ni Marian Rivera na maluha nang magpaalam siya sa mga anak na sina Zia at Ziggy bago lumipad papuntang Israel bilang isa sa mga hurado sa Miss Universe pageant. Sa Chika Minutereport ni Nelson Canlas sa GMA News 24 Oras, sinabing dumating na si Marian sa Israel bago mag-5:00 p.m. nitong Martes. Bago ito, namumugto raw ang mga mata ni Marian nang makita ng GMA News sa airport …

Read More »

Parol, bibingka at puto-bumbong nina Marc, Rey, at Dulce extended

Marco Sison, Rey Valera, Dulce, Parol, bibingka at puto-bumbong

HARD TALKni Pilar Mateo KUNG tatanungin ang bawat isa ng mga hindi nila makalilimutang Pasko o Kapaskuhan sa buhay, halos iisa rin ang timbre ng kuwento ng mga icon na itinampok sa online concert noong December 6, 2021 ng Mulat Media nang makausap namin sa Café Alegria sa BGC. Pawang lumaki sa hirap sina Marco Sison, Rey Valera, at Dulce.  Si Marco, na sa probinsiya lumaki eh, masaya na kapag …

Read More »

Beatrice Luigi Gomez paborito sa 70th Miss Universe competition

Beatrice Luigi Gomez

KASAMA si Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez sa listahan ng mga matutunog ang pangalan sa nalalapit na 70th Miss Universe Competition, na mapapanood ng LIVE ng mga Filipino sa Lunes (Disyembre 13) sa A2Z Channel 11,  7:30 a.m.. Nasa ikawalong puwesto si Beatrice sa “First Hot Picks” lists ng tanyag na beauty pageant website na Missosology, kasama ang iba pang mga kandidata na agad nagpakita ng husay pagkarating pa lang …

Read More »

Donbelle hinuhulaang magiging number 1 loveteam sa 2022

DonBelle Donny Pangilinan Belle Mariano

MA at PAni Rommel Placente KASAMA ang comedian-director na si John ‘Sweet’ Lapus sa pelikulang Love Is Color Blind mula sa Star Cinema na pinagbibidahan ng loveteam nina Donny Pangilinan at Belle Mariano. Gumaganap siya rito bilang tiyahin ni Belle. Sa virtual media conference ng nasabing pelikula, tinanong si Sweet kung kamusta ang pakikipagtrabaho sa DonBelle. “Pang-38,000 na itong loveteam na nakatrabaho ko,” simulang sabi ni Sweet na natatawa. Patuloy niya, ”Ang maganda naman …

Read More »

Pari gustong ipalit ni Duterte kay Duque

120821 Hataw Frontpage

ni Rose Novenario INALOK ni Pangulong Rodrigo Duterte si Dominican priest at molecular biologist Fr. Nicanor Austriaco na maging kalihim ng Department of Health (DOH) kapalit ni Francisco Duque III matapos marinig ang virtual presentation ng pari kaugnay sa Omcron variant ng CoVid-19. Ang paanyaya kay Austriaco na maging bahagi ng kanyang gabinete ay ginawa ni Pangulong Duterte sa kanyang …

Read More »

Para sa food security
LAS PIÑAS CITY PUMIRMA NG MOA SA DA

Las Piñas Enhanced Kadiwa Inclusive Food Supply Chain Program

NILAGDAAN ng Las Piñas city government at ng Department of Agriculture (DA) ang isang memorandum of agreement (MOA) para sa paglulunsad ng Enhanced Kadiwa Inclusive Food Supply Chain Program na sumisiguro sa pagkakaroon ng pagkain at accessibility nito sa panahon ng pandemya at sa hinaharap. Sinabi ni Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar, sa ilalim ng kasunduan, ang DA ang …

Read More »

Pagbabakuna sa mga batang edad 5-11 anyos unahin bago face-to-face classes – Robes

Rida Robes

UMAPELA si San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” P. Robes sa Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na unahing mabakunahan ang mga batang edad 5-11 anyos bago payagang pumasok para sa face-to-face classes. Sa kanyang privilege speech noong Lunes, sinabi ni Robes, maging ang mga nasa kolehiyo ay limitado sa mga estudyanteng nabakunahan …

Read More »

Ex-CJ sa Comelec
DQS VS BBM RESOLBAHIN

Comelec

HINIMOK ni retired chief justice Artemio Panganiban ang Commission on Elections (COMELEC) 2nd Division na agarang resolbahin ang mga petisyon laban sa kandidatura ni presidential aspirant at dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., lalo’t maaari itong makarating hanggang Korte Suprema. Dalawa sa pitong petisyon ang humihiling sa poll body na ibasura ang certificate of candidacy ni Marcos habang ang isa …

Read More »

Direk Jun Miguel kinabog ang ilang mainstream direktor

Jun Miguel

KITANG-KITA KO!ni Danny Vibas KINABOG ng baguhan at promising TV Director at dating That’s Entertainment member na si Jun Miguel ang ibang mainstream director kung pagbabasehan ang dami ng awards na natanggap niya ngayong taon. Kamakailan, tumanggap muli ito ng parangal mula sa Gawad Talento Parangal 2021 ng Zebel Entertainment Inc. headed by Direk Antonio “Dir.Tony” Coral (CEO/President Zebel) Entertainment Inc.) and Direk Ferdie Nadera bilang Versatile TV Director And Multimedia Personality Of The Year. Ilan sa kasabay …

Read More »

Beyond Zero pinatunayang ‘di lang sila pang-Tiktok

Beyond Zero

SHOWBIZ KONEKni Maricris V. Nicasio MATAGUMPAY at star-studded ang kauna-unahang digital concert ng Beyond Zero, ang Beyond Zero: The Reboot na ginanap sa biggest indoor beach club ng bansa, ang Cove Manila ng luxurious Okada Manila noong December 3, 7:00 p.m. na napanood din sa Ktx.ph. Ang Beyond Zero ang pinakabagong all-male P-Pop group sa Pilipinas na binubuo ng mga TikTok superstar na sina Andrei, Duke, Jester, Jieven, Khel, Matty and Wayne. Milyon …

Read More »

SMC tumutulong sa natitirang Metro old growth mangrove forest para protektahan

SMC Isla Pulo San Miguel DENR

DADAGDAGAN ng San Miguel Corporation ang volunteers mula sa kanilang hanay para tulungan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at lokal na pamahalaan ng Navotas sa paglilinis ng Isla Pulo, isa sa tinaguriang “remaining old-growth mangrove forest” sa Metro Manila. Simula noong Oktubre, ginagawa na ng kompanya ang lingguhang paglilinis sa lugar sa tulong ng employee volunteers, residente …

Read More »

Marian tuloy sa Miss Universe; Wish ma-meet si Gal Gadot

Marian Rivera, Gal Gadot

I-FLEXni Jun Nardo PANGARAP ni Marian Rivera na ma-meet nang personal si Wonder Woman Gal Gadot sakaling mabibigyan ng pagkakataon. Opisyal nang member ng Selection Committee si Marian sa 2021 Miss Universe na gaganapin sa Israel. Eh, Israeli actress at model si Gal bago napiling Wonder Woman sa Hollywood. “Kikiligin siyempre ako dahil fan niya ako. Exciting ‘yon kung sakali!” pahayag ni Yan sa official announcement niya sa virtual …

Read More »

Sunshine ‘di tumatanda — Wala kasi akong problema

Sunshine Cruz

HATAWANni Ed de Leon HINDI na yata tumatanda si Sunshine Cruz? Aba kung titingnan mo ang kanyang picture ngayon na mas maikli ang buhok, at iyong picture ng kanyang panganay na si Angelina sa kanyang Instagram account, sasabihin mong halos magkasing edad lang sila. Baka matanong mo pa kung talagang mag-nanay sila. Magkamukha kasi talaga. Noong una nga naming makita ang picture ni Angelina akala namin si Sunshine iyon …

Read More »

Kaligtasan, kalusugan ng lahat ang una sa QC — DPOS official

Elmo San Diego QC DPOS Quezon City

NAKATAKDANG magpulong ngayong Lunes ang pamunuan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City at mga supporters ni presidential aspirant Ferdinand Marcos Jr. sa kahilingan ng mga ito na gamitin ang Quezon City Memorial Circle (QCMC) bilang ‘starting at end point’ ng gagawing motorcade sa araw ng Miyerkules (Decmber 8, 2021). Agad na binigyang diin ni Ret. Brig. Gen. Elmo San …

Read More »

Diego iginiit wala silang dapat ipaliwanag ni Barbie

Barbie Imperial, Diego Loyzaga, AJ Raval

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TINAPOS na ni Diego Loyzaga ang usapin patungkol sa kanyang girlfriend na si Barbie Imperial at AJ Raval nang magpahayag ito sa virtual conference ng kanilang pelikulang Dulo handog ngViva Films na wala siyang dapat sabihin o ipaliwanag sa mga lumalabas na balita ukol sa kanila ng anak ni Jeric Raval. Aniya, hindi sila ni Barbie ‘yung tipo ng tao na kailangang manira ng ibang tao o magsalita …

Read More »

Sa Pasig
3 GINANG, 1 PA TIKLO SA DROGA

KALABOSO ang tatlong ginang at isang lalaki nang bentahan ng ilegal na droga ang tauhan ng Drug Enforcement Unit (DEU) sa ikinasang buy bust operation ng mga awtoridad sa lungsod ng Pasig, nitong Sabado ng gabi, 4 Disyembre. Kinilala ni P/Col. Roman Arugay, hepe ng Pasig PNP, ang mga nadakip na suspek na sina Henry Nipa, 40 anyos, rank no. …

Read More »

Lolo, ginang, isa pa, nalambat sa buy bust

HULI ang tatlong tulak na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang lolo at ginang matapos matimbog sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Navotas City police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na sina George Co, 63 anyos, residente sa Tumana Brgy. North  Bay Boulevard South (NBBS) Dagat-Dagatan; Harold …

Read More »

Hikayat ni Yorme
“PASKUHAN SA MAYNILA” BISITAHIN

PASKUHAN SA MAYNILA isko moreno

INAANYAYAHAN ni Manila Mayor at presidential aspirant Francisco “Isko Moreno” Domagoso at ni Vice Mayor Honey Lacuna ang publiko na bisitahin ang “‘Paskuhan sa Maynila”  na inilunsad sa Mehan Garden sa lungsod. Ang Paskuhan sa Maynila ay matatagpuan malapit sa City Hall, ito ay isang buong buwan na aktibidad ngayong panahon ng kapaskuhan na binuksan nina Moreno at Lacuna makaraan …

Read More »

Pinakamalamig na temperatura naitala sa Baguio, NCR ngayong taon

Cold Temperature

INIHAYAG ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na naitala ang pinakamalamig na temperatura sa Baguio City at National Capital Region (NCR) ngayong taon. Sa naitala ng PAGASA, ang tempera­tura sa Baguio City ay bumagsak sa 11.4 Celsius bandang 4:50 am habang sa Science Garden monitoring station ng kanilang tanggapan sa Quezon City ay nakapag-record ng 20.4 Celsius …

Read More »

Notoryus na tulak nadakma sa Mabalacat, Pampanga P.7-M shabu nasamsam

ARESTADO ang isang pinaniniwalaang notoryus na tulak ng ilegal na droga, nakompiskahan ng higit sa P.7-milyong hinihinalang shabu sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga, nitong Sabado, 4 Disyembre. Ayon kay PRO3 Regional Director P/BGen. Matthew Baccay, nagkasa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Regional at Provincial Drug Enforcement Units …

Read More »

Kilabot na holdaper tiklo sa ‘Oplan Sita’

NAGWAKAS ang maliliga­yang araw ng isang kilabot na holdaper nang masabat at maaresto ng mga awtori­dad sa Oplan Sita sa Brgy. Bigte, bayan ng Norza­ga­ray, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado ng gabi, 4 Disyembre. Sa ulat na ipinadala ni P/Lt. Col. Cresenciano Corde­ro, acting chief of police ng Norzagaray Municipal Police Station (MPS), kay P/Col. Manuel Lukban, Jr., provincial director …

Read More »

Bebot timbog sa ‘nakaw’ na SUV

NASAKOTE ang isang babae ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos mahulihan ng pinaniniwalaang nakaw na sports utility vehicle (SUV) sa isang talyer sa lungsod ng Meycauayan, lalawigan ng Bulacan. Kinilala ang suspek na si Mary Jean Aranas, dinakip ng mga awtordiad nang bigong magpakita ng dokumentong magpapatunay na kanyang pag-aari ang sasakyang dala-dala sa isang talyer. Ayon sa NBI, …

Read More »