Thursday , June 4 2026
Chad Kinis Lassy Marquez MC Muah

Chad naiyak, pagiging direktor ipinagpasalamat kina Lassy at MC

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI napigil ng komedyanteng si Chad Kinis na maiyak habang nagpapasalamat sa dalawa niyang kaibigan at kasamahan sa Beks Battalion na sina Lassy Marquez at MC Muah.

Sa media conference ng pelikula nilang Beks Days of Our Lives na si Chad ang direktor at silang tatlo ang bidahindi napigilan ni Chad na maging emosyonal habang nagpapasalamat kina Lassy at MC.

Iniisa-isa niya ang mga pinagdaanan nilang tatlo bilang matalik na magkakaibigan at kung gaano siya nagpapasalamat sa dalawang kapwa komedyante.

Sinabi ni Chad na dream come true ang maging direktor at naging espesyal ito dahil silang tatlo o ang kanilang grupong Beks Battalion ang bida at pinaka-launching movie nila.

Sa media conference ng pelikula na ginawa sa Botejyu, Vertis North, sinabi ni Chad na, “This Beks Battalion is an unexpected family. Hindi po namin inasahan na ganito kami magiging katatag, magkakasama bilang pamilya.

“Nagkaroon ako ng panibagong mga kapatid sa kanila. Sa totoo lang po kasi, I’ve been so alone for decades na mag-isang nagtatrabaho, papasok ako ng comedy bar, uuwi akong mag-isa.

“Noong nagkaroon ng pandemya, nabuo ko ang Ex-Battalion. Parang I found a new purpose sa kanila. Pagkasabi nito’y gumaralgal na ang boses ni Chad at naluha na.

Hindi lang po ako nagkaroon ng kapatid, nagkaroon ako ng pamilya, kasi mayroong gumagabay sa akin. Nagkaroon po ako ng bagong direksiyon sa kanila.

“Kung sino po ang talagang magiging thankful dito, ako po talaga kasi tinanggap po nila ako.

“Tinanggap po nila ako bilang pangatlo sa pamilya nila kaya hinding-hindi ko makalilimutan lagi ang kabaitan nila, ang pagtulong nila. Kung sino po ang tinutulungan dito, hindi po ako ang nakatulong sa kanila.

“Ako po ang bumuo ng Beks Battalion, pero ako po ang dinala nila pataas kaya super thankful ako sa dalawang ito,” giit ni Chad habang lumuluha.

Ang  Beks Days of Our Lives ay isang dramedy na mapapanood na sa mga sinehan simula sa May 17.

Hindi lang basta tatawa ang madlang pipol kapag nanood ng Beks Days of Our Lives kundi maiiyak din sila lalo na sa ending. 

“This is not just your ordinary comedy film dahil may puso rin at balun-balunan ang kuwento nito,” giit pa ni direk Chad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …