ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
INILUNGSAD na ang E-Palarong Pambansa, isang National Youth Commission endorsed Esports tournament circuit, na naglalayong i-revolutionize ang Esports industry sa bansa.
Hangad nitong magbigay ng pagkakataon sa mga kabataang Filipino sa Esports, palakasin pa ito, at isulong ang pagyabong nito sa bansa habang pinalalakas ang grassroots Esports ecosystem.
Layunin ng E-Palarong Pambansa na makabuo ng organisadong at naghahatid ng kasiyahan na Esports ecosystems na makapagbibigay sa Esports enthusiasts ng career opportunities.
Tampok dito ang five events – dalawang PC games particularly ang Valorant at League of Legends, plus tatlong Mobile games – ang League of Legends Wild Rift, Call of Duty Mobile, at Mobile Legends Bang Bang.
Target nito ang Pinoy young players mula sa pinakamaliit na bayan, hanggang sa pinakamalaking lungsod ng Filipinas.
“This will create more opportunities for the Filipino youth to participate in a multi-million dollar industry,” pahayag ni Jaymart Montehermoso na isa sa mga nagsusulong ng E-Palarong Pambansa.
May kabuuang 1,634 bayan at munisipalidad ang inimbitahan para makilahok sa tournament circuit na nagkaroon ng katuparan sa pamamagitan ng advisory ng the National Youth Commissionsa pakikipagtulungan ng Sangguniang Kabataan Federation (Youth Council Federations) Presidents sa buong bansa.
Nationwide ang taunang event na ito na bawat lungsod sa bansa ay hahanap ng winner at ang lahat ng naging winners sa parte ng Norte, Visayas at Mindanao ay maglalaban-laban na ang mananalo ay tatanghaling kauna-unahang winner ng E-Palarong Pambansa.
Ito ay magaganap sa Iloilo, na magsisimula sa June hanggang August ngayong taon.
Pagkakataon na ito ng mga kabataan na may natatanging husay sa paglalaro ng ESport at video games na ipakita ang kanilang galing na may katuturan ang pagkahilig nila sa larong ito na kinahuhumalingan ng marami, bata man o matanda, babae man o lalaki.
Ang mga tao sa likod ng E-Palarong Pambansa ay sina Rolly Pagaspas, Head of Partnerships, E-Palarong Pambansa Timothy Tia – Operations Manager, Silicon Valley Gaming Association Andy Koh – CEO, GEMS Jamar Montehermoso, CEO, ILO E-Sports / Founding Head, E-Palarong Pambansa JM Magalona – Sales Executive (MICE), Injap Tower Group Remar John Bayona, Head of Broadcast, E-Palarong Pambansa Brian Ong – Head of PR, Hotel 101 Group.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa E-Palarong Pambansa, mag-email lang sa [email protected].