Thursday , June 4 2026
Bulacan Police PNP

Bulacan police muling umiskor
21 PANG PASAWAY KABILANG ANG CHILD ABUSER, SWAK SA KALABOSO

Arestado ang 21 pasaway na indibiduwal sa Bulacan kabilang ang isang akusado na may kasong pang-aabuso sa kabataan sa patuloy na operasyon ng pulisya sa lalawigan hanggang kahapon ng umaga, Mayo 5.

Sa ulat mula kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang tracker team ng Bulacan 2nd Provincial Mobile Force Company, at mga tauhan mula sa Sta Maria Municipal Police Station (MPS) ang umaresto sa akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa paglabag sa Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act (Anti Child Abuse Law) Section 5(B) ng RA 7610.
Sa kasunod na operasyon ay isa ring akusado ang inilagay sa kustodiya sa bisa ng warrant of arrest na walang itinakdang piyansa para sa paglabag sa RA 7610 ng Calumpit Municipal Police Station (MPS).

Gayundin, pito pang indibiduwal na mayroon ding warrants of arrest ang arestado sa iba’t-ibang paglabag na isinagawa ng San Ildefonso, Meycauayan, Pandi, Pulilan, at San Miguel C/MPS.

Samantala, ang Station Drug Enforcement Units mula Malolos, Meycauayan, Pandi, Bustos, Bocaue at Angat C/MPS ay inaresto ang 12 indibiduwal para sa paglabag ng sections 5 at 11 ng RA 9165 at nakumpiska ang kabuuang 43 pakete ng shabu.(Micka Bautista)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …