Thursday , June 1 2023
BGC Makati Taguig

Korte Suprema sa land dispute:
FORT BONIFACIO SA TAGUIG CITY 

INILABAS ng Korte Suprema ang pinal na desisyon sa pinag-aagawang 729 ektaryang lupain ng Fort Bonifacio Military Reservation na kinaroroonan ng Bonifacio Global City (BGC) at ilan pang barangay na nasa Makati City, ay malinaw na nasa hurisdiksiyon ng Taguig City.

Sa desisyon ng Kataastaasang Hukuman, sinabi nitong ang Taguig ang nakasasakop sa kinukuwestiyong teritoryo base sa historical, documentary, at testimonial evidence.

Binigyang punto ng Korte Suprema sa kanilang ginawang pagdinig sa land dispute, ang Taguig City ang nakapagsumite ng mga ebidensiya, surveys at iba pang dokumento na magpapatunay na sila ang may sakop sa kinukuwestiyong teritoryo.

“We find that Taguig presented evidence that is more convincing and worthier of belief than those proffered by Makati,” saad ng Korte Suprema sa kanilang desisyon.

Halos tatlong dekada ang itinagal ng legal battle sa pagitan ng Makati at Taguig na unang dininig ang kaso sa Regional Trial Court, Court of Appeals, hanggang umakyat sa Korte Suprema na pinagtibay ang desisyong nagtatakda na ang Taguig City ang nagwagi sa asunto.

Sa pagtatapos ng legal battle, maraming mga residenteng nasa gitna ng dalawang nag-uumpugang local governments (LGUs),  ang umaasa na kikilos ang mga opisyal ng dalawang lungsod para isaayos ang sitwasyon.

Magugunitang umapela si dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado sa kanyang inilabas na statement bilang direktang mensahe sa lokal na pamahalaan ng Makati at Taguig na nagsabing, “ang pakiusap ko lang bilang dating opisyal at pribadong mamamayan ay respetohin ang desisyon ng Korte Suprema bilang “final arbiter of the law” at magtulungan ang local government officials para sa “smooth transition” sa paglilipat ng mga residente na dati ay Makati citizen na ngayon ay magiging lehitimong Taguigeño.”

         Kung pagbabatayan ang desisyon ng Korte Suprema, malinaw na sakop na ngayon ng Taguig City ang Fort Bonifacio kabilang dito ang Barangay Pembo, Comembo, Cembo, South Cembo, West Rembo, East Rembo, at Pitogo gayondin ang Philippine Army headquarters, Navy installation, Marines’ headquarters, Consular area, JUSMAG area, Heritage Park, Libingan ng mga Bayani, AFP Officers Village, at anim pang villages sa tabi nito.  (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …

Perjury

Testimonya, binawi ng saksi
MAS MABIGAT NA PARUSA SA PERJURY NAPAPANAHON NA — SENADOR

NANAWAGAN si Senador Alan Peter “Compañero” S. Cayetano nang mas mabigat na parusa laban sa perjury, …

Money Bagman

Maharlika Investment Fund   MIF SENATE VERSION ‘DI SUPORTADO NI SUPER ATE, 2 PA

HINDI suportado ng isang daang porsyento nina  Super Ate ng Pangulo na si Senadora Imee Marcos, …

Bato dela Rosa AFAD

Dela Rosa nanawagan para sa responsableng pagmamay-ari ng baril

ANG paglago at pag-unlad ng industriya ng paggawa ng  baril ay nakasalalay sa paglaki ng …