Dalawang lalaki na nakatala bilang Most Wanted Persons (MWPs) ang arestado ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nakabase sa Pampanga sa inilatag na manhunt operation sa pamamagitan ng pagsisilbi ng warrants of arrest sa Brgy. Dulong Ilog, Candaba, Pampanga kamakalawa.
Kinilala ang mga arestadong akusado na sina Joshua Sagum Pedro, na nakatala bilang No. 5 Regional Most Wanted Person (MWP) ng PRO3, at Kris John San Gabriel Paguio, a.k.a. Jon Jon, na nasa ranggo naman bilang No. 6 Regional MWP ng PRO3.
Si Paguio ay dinakip para sa 2 two counts of Rape ng mga elemento mula sa naturang CIDG unit at local police dakong alas-2:00 ng hapon sa Sitio 5, Brgy. Dulong Ilog, Candaba, Pampanga, samantalang si Pedro ay arestado para sa 2 counts of Rape ng nasabi ring CIDG operating unit dakong alas-5:30 ng hapon.
Ang dalawang suspek ay pansamantalang nasa kustodiya ng CIDG Pampanga Provincial Field Unit para sa dokumentasyon at nararapat na disposisyon bago i-turn turn-over sa kanilang courts of origin.(Micka Bautista)
