UMAABOT sa 206 ang mga nakanselang flight kahapon dahil sa bagyong si Ruby. Ayon sa ulat ng Manila International Airport Authority (MIAA), 96 sa mga ito ay domestic flights na paalis, 98 ang parating, habang 10 patungo sa ibang bansa, at 11 parating, ang hindi na rin pinayagang makalipad. Kabilang sa mga naapektuhang lokal na byahe ay patungo at galing …
Read More »Klase sa M.M. karatig lalawigan suspendido
SINUSPINDE ang klase sa ilang lugar sa Metro Manila at karatig lalawigan ngayong Martes, Disyembre 9 dahil sa inaasahang pananalasa ng Bagyong Ruby. Kabilang sa mga lokal na pamahalaang nagkansela ng pasok sa lahat ng antas, ang Quezon City, Parañaque, Marikina, Valenzuela, Navotas, Pateros, Malabon, Mandaluyong, Muntinlupa, Rizal, Batangas, Cavite, at Calapan, Oriental Mindoro.
Read More »TF Ruby itinatag sa Maynila
NAGTATAG ng Task Force Ruby ang Maynila para sa inaasahang pananalasa ng Bagyong Ruby sa lungsod. Ayon kay Manila Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) chief Johnny Yu, 24 oras na handa ang task force sa coastal areas partikular sa Manila Bay, Baseco Compound, Parola at Happy Land, gayondin sa mga tabing-ilog gaya ng Sta. Ana at Sta. Mesa. Tiniyak …
Read More »‘Wag kampante kay Ruby (Malacañang nanawagan)
NANAWAGAN ang Malacañang sa publiko lalo ang mga taga-Metro Manila, na huwag munang pakampante sa bagyong Ruby. Ito ay sa kabila ng pag-downgrade ng Pagasa sa bagyo at walang masyadong naiulat na malaking pinsala. Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, dapat samantalahin ang suspensyon ng klase at trabaho sa paghahanda sa paparating na bagyo. Ayon kay Valte, maging sila …
Read More »Dagdag relief supplies ibibiyahe ni Gazmin (Tiniyak ni PNoy)
INATASAN ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III si Defense Secretary Voltaire Gazmin na bumiyahe para magdala ng karagdagang supplies at equipment sa Borongan, Eastern Samar katuwang ang National Government Frontline Team. Samantala, ang Frontline Team na pinangungunahan ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ay nakarating na sa Dolores, kung saan unang nag-landfall ang bagyong Ruby. Sinabi ni Presidential …
Read More »MM alertado kay Ruby
ISINAILALIM sa heightened alert status ang 11 lugar sa Metro Manila kaugnay sa paghagupit ng Bagyong Ruby. Inaasahang dakong 8 p.m. hanggang 9 p.m. kagabi mararamdaman ang epekto ng bagyo. Kabilang sa naka-heightened alert ay ang mga lugar ng Las Pinas, Manila, Makati, Malabon, Mandaluyong, Marikina, Muntinlupa, Pasay, San Juan City , Pasig City, Navotas City, Paranaque, Quezon City, Taguig, …
Read More »Jodi, aalagaan muna ang anak, next year na muling magtatrabaho
NAMAALAM na sa ere kamakailan ang kilig seryeng Be Careful with My Heart na pinagbidahan nina Jodi Sta Maria at Richard Yap. Ano nga ba ang pakiramdam ng dalawa na nagtapos na ang kanilang serye na tumagal ng dalawa at kalahating taon? “It’s just natural. Ano kasi naging kasama namin sila (fans ng ‘BCWMH’) ng two years and a half so marami na …
Read More »3 tepok sa kotse vs motorsiklo
PATAY ang driver at dalawang angkas nang salpukin ng isang kotseng nag-overtake ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Manila-Cavite Road, Brgy. 8, Dalahican, Cavite City, kahapon ng umaga. Kinilala ni Cavite Provincial Director, Sr. Supt. Jonnel Estomo, ang mga biktimang namatay na sina Norman Gavilla, ng Sitio Maguyam, Silang, Cavite; Albert Bobadilla, 36, ng Brgy. 7, Amaya, Tanza; at ang driver …
Read More »22 patay kay Ruby — PRC
MABOT na sa 22 katao ang patay sa pananalasa ng bagyong Ruby sa Eastern Visayas at sa Western Visayas region. Ito ang iniulat sa ni Philippine Red Cross (PRC) Chairman Richard Gordon. Aniya, sa naturang bilang, 17 ang namatay sa Eastern Samar, isa sa Western Samar, isa rin sa Northern Samar, at tatlo sa lalawigan ng Iloilo. Una na rito, sinabi …
Read More »Mall nasunog habang bumabagyo, 3 sugatan (Sa Roxas City)
ROXAS CITY – Sugatan ang tatlong mga bombero sa nasunog na engine room sa ika-apat na palapag ng Gaisano City Mall sa Arnaldo Boulevard, Roxas City kahapon. Dumanas ng mga paso sa kamay at leeg sina FO1 James Agarrado, FO1 Philamer Distura at FO3 Alexander Aninacion, ng Roxas City fire station, kabilang sa unang nagresponde sa loob ng engine room …
Read More »Globe naghandog ng libreng tawag pabor sa OFWs
NAGKALOOB ng Libreng Tawag ang Globe Telecom sa overseas Filipino workers (OFWs) na nagtatrabaho mula sa walong (8) bansa sa Asia, Europe, Middle East at North America upang alamin ang kalagayan ng kanilang mga pamilya na naninirahan sa mga lugar na apektado ng pananalasa ng bagyong Ruby. Ayon kay Gil Genio, Globe Chief Operating Officer for Business and International Markets, …
Read More »Mas paboloso si Kuya compared kay Ate!
Hahahahahahahahahaha! Sa isang showbiz event, impressed talaga ang entertainment press sa pagkapaboloso ng isang male showbiz personality na all-out talaga sa mga ipina-raffle niyang items na kamiha’y mamahalin tulad ng kanyang sosyal na personalidad. Talaga namang tulo-laway (tulo-laway raw talaga, o! Hakhakhakhak!) ang working press sa raffled items (and with money, to boot! Hahahahahahaha!) ng papable na aktor na mga …
Read More »E. Samar umapela ng rasyong pagkain
UMAPELA ng tulong ang ilang lokal na pamahalaan sa Eastern Samar makaraan salantain ng Bagyong Ruby. Bukod sa walang suplay ng koryente at may mga nasirang impraestruktura, paubos na ang suplay ng pagkain para sa libo-libong residente na naapektohan ng bagyo. “Sobrang laki po ng damage rito, halos lahat ng kabahayan namin ay apektado,” pahayag ni Mayor Marian June Libanan …
Read More »P3-M cash, alahas ni Agot Isidro natangay ng dugo-dugo gang
WALA pang pahayag ang singer-actress na si Agot Isidro kaugnay sa report na nawalan siya ng tinatayang P3 million cash at jewelry makaraan mabiktima ng “dugo-dugo gang” sa Quezon City nitong weekend. Inihayag ni PO2 Marlon dela Vega ng QC Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, naloko ang kasambahay ni Isidro na si Maenelyn Omapas nang makatanggap ng phone call …
Read More »Parak utas sa ratrat, 1 pa sugatan
PATAY ang isang pulis habang sugatan ang isang mekaniko nang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa tapat ng motor shop kamakalawa ng hapon sa Navotas City. Hindi na umabot nang buhay sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si PO1 Ronnie Dela Cruz, 30, nakatalaga sa Northern Police District Office (NPDO), at residente ng 122 E. Mariano St., Brgy. Tangos, ng lungsod. Habang …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com



















