Friday , November 22 2024

Bulabugin

Fallen 44 SAF ipinanghihingi ng abuloy ni Pnoy at ng DSWD?

WALA pa bang balak magtago sa ilalim ng palda ni Department of Social Work and Development (DSWD) Secretary Donkey ‘este Dinky Soliman si Pangulong Benigno Aquino III?! Supposedly, isa sa mga trabaho ng pamahalaan sa pangunguna ni PNoy at Secretary Donkey, este mali na naman, Dinky, ay itaas ang kamalayan ng mga kababayan na indigent o ‘yung walang ibang maasahan …

Read More »

SILG Mar Roxas at PNP OIC Gen. Leonardo Espina ginawang flower vase

UNTI-UNTI nang lumilinaw ang tawas… Sa tandem na NOYNOY at PURING, ginawa nilang kamote sina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas at  PNP-OIC Gen. Leonardo Espina sa ginawa nilang pagsalakay at tangkang pagdakip umano sa Malaysian bomb maker na sina Marwan at Usman. Ang resulta: Fallen 44 sa hanay ng PNP SAF. Kung naging successful …

Read More »

Tsinutsubibo ba ni Pnoy ang publiko?

HANGAL at uto-uto ba ang tingin ni Pangulong Benigno Aquino III sa sambayanan? Sa kanyang ‘speech’ apat na araw matapos ang Maguindanao Massacre II, binigyang katuwiran ni PNoy na magsasalita siya kahit hindi natatapos ang imbestigasyon ng board of inquiry hindi para pangunahan ito kundi para ipaalam sa publiko kung ano ang kanyang nalalaman. Ang haba  ng speech ni PNoy, …

Read More »

Mag-ingat sa bad apples mula California, USA

NAGBABALA si Dr. Willie Ong ng Philippine Heart Association na mag-ingat sa pagkain ng mansanas (apple) lalo na kung hindi nila alam kung saan ito nanggaling. Ang babala ay kaugnay ng ipinababawing 375,000 kahon ng mansanas na produksiyon ng Gala and Granny Smith noong 2014 na sinabi ng US FDA na maaaring makasama sa kalusugan dahil sa listeria outbreak. Ang …

Read More »

Human trafficking rumaragasa sa Iloilo Airport (Paging: SOJ Leila de Lima)

TALAMAK ngayon ang salyahan at palusutan diyan sa Iloilo airport. Ayon sa ating Bulabog boy, dito raw ngayon dumaraan ang mga pasahero na kadalasan ay na-o-offload sa tatlong terminal ng NAIA. Tinatayang Bente hanggang trenta pasahero ang dumaraan araw-araw sa nasabing airport kaya kung susumahin sa benteng pasahero na lang na handang magbayad ng 30K makalabas lang ng bansa, maliwanag …

Read More »

Imbestigasyon i-push mo na agad Sen. Grace Poe! (Sa ‘kinatkong’ na allowance ng mga pulis sa Papal visit)

BILANG chairperson ng Senate Committee on Public Order and Safety, maraming pulis ang humihiling kay Senator Grace Poe na imbestigahan sa Senado ang naganap na iregularidad sa allowance na nakalaan sa 25,000 kagawad ng Philippine National Police (PNP) na nasa tour of duty nitong nakaraang Papal visit. Ang alam ng mga pulis, nakatakda silang tumanggap ng P2,400 allowance sa kabuuan …

Read More »

PAL balasubas ba talaga!?

KUNG maluwag sa loob ng ibang mga foreign airline company na magbayad ng kanilang utang na overtime (OT) pay sa mga empleyado ng tatlong ahensiya ng pamahalaan na naka-duty sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at malaki ang naitutulong sa kanilang daily operations, ibahin ninyo ang Philippine Airlines (PAL). E kakaiba talaga ang kabalasubasan ng PAL. Ang PAL ang Flag …

Read More »

Baseco PCP jackpot sa mga ilegalista! (Bukol ka raw Kernel Macapaz!?)

KOPONG-KOPO ngayon ng isang MPD Police Community Precinct (PCP) sa Maynila ang TONGPATS mula sa lahat ng mga ilegalista sa kanilang nasasakupan lugar. Araw-araw ay tila-Pasko umano ang mga pulis matulis ‘este pulisya sa MPD BASECO PCP na pinamumunuan ng isang Major SANTOS dahil tanging ito raw ang presinto na namumutiktik at walang-tulugan ang latag ng 1602. Every day happy …

Read More »

EVM Self-Sustainable Resettlement Community serbisyong tunay ng Iglesia ni Cristo

UNANG-UNA gusto nating papurihan at pasalamatan ang Iglesia Ni Cristo (INC) sa pakikituwang nila sa pamahalaan para sagipin at tulungang makabawi ang mga kababayan natin na sinalanta ng daluyong na Yolanda sa lalawigan ng Leyte noong Nobyembre 8, 2013. Pagkatapos nang halos isang taon, naitayo ng INC ang isang self-sustainable community na kinabibilangan ng 500 kongkretong bahay na puwede nang …

Read More »

Sino ba ang dapat managot sa pagkamatay ng halos 50 miyembro ng PNP-SAF?

NANINIWALA tayo na dapat paghusayin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pag-iimbestiga sa huling insidente ng ‘masaker’ sa mga miyembro ng Special Action Force –  Philippine National Police (SAF-PNP) sa Mamapasano, Maguindanao. Nagtungo ang mga miyembro ng SAF-PNP sa nasabing lugar para umano dakpin sina Zulkifli Bin Hir alyas Marwan at Kumander Basit Usman ng Jemaah …

Read More »

Mahina ang intel ni Mison vs Korean Syndicate

Kung mayroon man daw dapat pagtuunan ng pansin o imbestigahan si Immigration Commissioner FRED MISON (kaysa pag-isipan ang maarte at maluhong  Christmas presentation) ay kaso ng sinasabing miyembro ng Korean syndicate na si CHOUNG HUN JUNG o mas kilala sa pangalang PATRICK JUNG. Si Choung Hun Jung o Patrick Jung ang sinasabing protector ng ilang Korean fugitives sa ating bansa. …

Read More »

Informal settlers hindi na tatanggapin ng City of San Jose Del Monte, Bulacan

ISANG resolusyon ang inaakda ngayon ng City of San Jose del Monte (CSJDM), Bulacan para sa 10-taon moratorium sa pagtanggap ng informal settlers sa lungsod. Ayon kay CSJDM Mayor Rey San Pedro, matapos nilang tanggapin ang 750,000 informal settlers mula sa mga danger zones sa Metro Manila ay isasara muna ang lungsod sa programang ito ng pambansang pamahalaan. Ang rason: …

Read More »

Maraming desmayado sa latest promotion ni Mison!

DESMAYADO na naman ang maraming empleyado at opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa ginawang promosyon ni Commissioner Siegfred Mison. Dahil hindi deserving (umano) ang ilan sa mga nabiyayaang ma-promote, lumikha ng dibisyon ang hakbang na ito ni Mison sa hanay ng mga empleyado at iba pang opisyal. Noong una umano ay inakala nilang “a man of reasons” si Mison …

Read More »

MPD PS-4 bagman sikat na sikat sa Sampaloc!

SIKAT na sikat ngayon ang isang nagpakilalang bagman ni MPD PS-4 commander P/Supt. MUARIP. Parang popcorn na putok na putok ang isang alyas TATA LEX KARYASO dahil lahat ng 1602 operators na may latag sa teritoryo ng MPD Pre-sinto Quatro ‘e pasok na pasok sa kanila?! Kaya naman nitong nakaraang Disyembre ay nakapaglatag ang mga perya-sugalan sa Bustillos, Dapitan at …

Read More »

Video karera ni Nognog humahataw sa Caloocan

NAKAKAGULAT ang latag ngayon ng video karera sa lungsod ng Caloocan. Halos 80 porsiyento ng mga barangay dito ay nalatagan na raw ni NOGNOG ng VK demonyo machines. Caloocan PNP Chief S/Supt. BARTOLOME BUSTAMANTE, mahusay ho bang ‘magparating’ si Nognog a.k.a. Caloocan VK King!? Nagtatanong lang ho. 

Read More »

Pakilinis ang estero, Yorme Erap! 

GOOD am po sir. Meron lang ako gus2 iparating sa ating kinauukulan dito sa Maynila. Tungkol ito sa mga estero or kanal d’yan sa Recto malapit sa Mendiola at sa Tondo estero/kanal katabi ng riles ng tren. Napuno na ng basura sana maaksyonan matanggal ang mga basura para malinis ang estero kanal. Maraming salamat po. +63909337 – – – –

Read More »

It’s payback time na ba ni Sixto kay De Lima?!

HINDI na tayo nagulat nang sabihin ni retarded ‘este retiring Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes Jr., na si Justice Secretary Leila De Lima ang gusto niyang humalili sa kanya. Nagtataka naman tayo kay retirable Chairman Sixtong ‘este Sixto, kung bakit kailangan pa niyang magrekomenda ng galing sa ibang departamento gayong mayroon namang ibang Commissioner (insider) na pwede niyang …

Read More »

Ang Pagibig Office sa Mandaluyong ‘Erap’ Building

TALAGANG naniniwala tayo na hindi mauubos ang ‘suwerte’ at kadatungan ni Erap Estrada.  At isa nga raw sa pinagkakakitaan ni Erap ‘e ‘yung building niya sa Mandaluyong City kung saan umuupa ng kanilang opisina ang Pag-IBIG Fund. Kaya nga gusto namin itanong kay Pag-IBIG chief, Atty. Darlene Marie Berberabe kung kailan nagsimula at hanggang kailan ang kontrata ng Pag-IBIG sa …

Read More »

Too late my hero pero sana ay makalusot ang Perpetual Disqualification Bill ni Sen. Miriam

 PARA hindi na raw makatakbo sa ano mang posisyon sa gobyerno ang sino mang nasentensiyahan sa kasong pandarambong (plunder), naghain ng Senate Bill 2568 si Senator Miriam Santiago. Inihain ito ni Sen. Miriam nitong Enero 13, bago pa man katigan ng Korte Suprema ang argumento ng kampo ni Erap Estrada. Gayon man, masasabi pa rin nating “too late” na ang …

Read More »

 Mga mangingikil gamit ang Hataw pakibugbog at pakibatukan!

MARAMI tayong natatanggap na tawag at text messages mula sa ilang pulis-Maynila na mayroong mga umo-orbit sa kanilang presinto gamit ang pangalan ng inyong lingkod at ng HATAW. Ilan daw sa mga umiikot na ‘yan ay isang alyas ERIK, alyas IKE at alyas DENZ na nagpapakilalang taga-HATAW. Ang mga iniikutan ‘e yung mga perya-sugalan sa Tondo District 1 & 2, …

Read More »

The “Boy Sikwat” of the Philippines  

NOONG una, gusto nating maniwala na biktima ng ‘spin doctors’ ng administrasyon si Vice President Jejomar Binay. ‘Yan ay dahil siya ang number one contender sa hanay ng mga pwedeng maging Pangulo ng bansa. Noong una nga ‘e iniisip pa natin na ang operation ay gaya ng ginawa kay dating Senate President Manny Villar na nadale naman dahil sa C-5 …

Read More »

Eskandalo ng DSWD paulit-ulit

ILANG araw pagkaalis ni Pope Francis, nabuyangyang sa publiko ang ginawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para maitago ang mga street people sa mata ng pinakamataas na opisyal ng Simbahang Katolika. Ayon sa ulat ng isang documentary show, umabot sa 100 pamilya ang dinala ng DSWD sa isang resort sa Batangas sa loob ng panahon na nasa …

Read More »