Mga mangingikil gamit ang Hataw pakibugbog at pakibatukan!

extortionistMARAMI tayong natatanggap na tawag at text messages mula sa ilang pulis-Maynila na mayroong mga umo-orbit sa kanilang presinto gamit ang pangalan ng inyong lingkod at ng HATAW.

Ilan daw sa mga umiikot na ‘yan ay isang alyas ERIK, alyas IKE at alyas DENZ na nagpapakilalang taga-HATAW.

Ang mga iniikutan ‘e yung mga perya-sugalan sa Tondo District 1 & 2, saklang patay, video karera at maging ang mga pulis ay kinokotongan.

Gusto ko lang pong linawin sa inyo, hindi namin mga tao ‘yan.

At wala tayong inuutusan para mangotong gamit ang pangalan ng inyong lingkod at ng Hataw.

Kung muling iikot sa inyo at ginagamit ang pangalan namin d’yan sa mga perya-sugalan, video karera, bookies at saklang patay, ‘e pakibugbog n’yo lang.

Sa mga pulis naman, pakibatukan at pakiposasan n’yo na rin ‘yang mga kamoteng ‘yan!