Sunday , November 27 2022

Too late my hero pero sana ay makalusot ang Perpetual Disqualification Bill ni Sen. Miriam

 MiriamPARA hindi na raw makatakbo sa ano mang posisyon sa gobyerno ang sino mang nasentensiyahan sa kasong pandarambong (plunder), naghain ng Senate Bill 2568 si Senator Miriam Santiago.

Inihain ito ni Sen. Miriam nitong Enero 13, bago pa man katigan ng Korte Suprema ang argumento ng kampo ni Erap Estrada.

Gayon man, masasabi pa rin nating “too late” na ang panukalang batas dahil dalawang beses nang tumakbo sa halalan ang sentensiyadong mandarambong na si Erap Estrada.

Pero gusto pa rin nating matuloy at makalusot ang panukalang batas ni Senator Miriam dahil makatutulong ito para tuldukan ang walang pangalawang pang-aabuso ng ilang politiko na hindi nagsasawa sa ‘paglilingkod’ kuno sa bayan?!

Hanggang uugod-ugod na ‘e gusto pa rin kuno magserbisyo sa sambayanan.

Grabe di ba!?

Alam nating maraming politiko ang ngayo’y nasasangkot sa kasong plunder, kabilang na nga riyan ang dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, at ang mga senador na sina Jinggoy Estrada, Bong Revilla at Juan Ponce Enrile.

S’yempre, numbers game na naman ito pagdating sa botohan sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Sana lang ay huwag sumuko si Madam Miriam Santiago kapag isinusulong na ang panukalang batas.

Suportado ka namin at ng taumbayan d’yan Senadora Miriam.

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply