Mag-ingat sa bad apples mula California, USA

applesNAGBABALA si Dr. Willie Ong ng Philippine Heart Association na mag-ingat sa pagkain ng mansanas (apple) lalo na kung hindi nila alam kung saan ito nanggaling.

Ang babala ay kaugnay ng ipinababawing 375,000 kahon ng mansanas na produksiyon ng Gala and Granny Smith noong 2014 na sinabi ng US FDA na maaaring makasama sa kalusugan dahil sa listeria outbreak.

Ang Listeria ay isang uri ng bacteria na pinagmumulan ng food poisoning.

Ang isa pang delikado rito, kung nailagay ninyo sa inyong refrigerator ang prutas na ito, maaaringΒ  mahawa ng bacteria ang iba pa ninyong pagkain, kaya kinakailangan din linisin ang kabuuan nito.

Pero ang higit na nakapagtataka, bakit hanggang ngayon ay wala pang babala sa publiko ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan?!

β€˜E alam n’yo naman ang mga Pinoy, mas gusto pa ang mansanas kaysa saging.

Kailan na naman aaksiyon ang mga kinauukulan, kapag marami na ang nalason dahil sa mga mansanas na hindi natin alam na kontaminado na pala ng Listerine?!

Aba, DOH, FDA kumilos kayo!!!