Baseco PCP jackpot sa mga ilegalista! (Bukol ka raw Kernel Macapaz!?)

082514 manila gambling sugalKOPONG-KOPO ngayon ng isang MPD Police Community Precinct (PCP) sa Maynila ang TONGPATS mula sa lahat ng mga ilegalista sa kanilang nasasakupan lugar.

Araw-araw ay tila-Pasko umano ang mga pulis matulis ‘este pulisya sa MPD BASECO PCP na pinamumunuan ng isang Major SANTOS dahil tanging ito raw ang presinto na namumutiktik at walang-tulugan ang latag ng 1602.

Every day happy nga raw ang mga bataan ni Major Santos mula sa mga nagkalat sa AOR n’ya na BOOKIES ng KABAYO, LOTTENG, STL cum WETENG, DEMONYONG MAKINA  ng VIDEO KARERA (VK), SUGAL-LUPA at DROGA.

Sabi nga ng isang opisyal sa ERMITA Police Station SOLO-JACKPOT nga raw ng Baseco PCP ni Major Santos lalo’t kasangga raw nito ang isang barangay official!?

Dagdag pa ng police officer, BUKOL nga raw si MPD-PS-5 Chief Kernel MACAPAL ‘este MACAPAZ dahil naililigaw at nabubulag siya ng Baseco PCP!?

MPD DD S/Supt. Rolly Nana, bibilib na ako sa ‘yo kung kaya mong mapatigil ang 1602 at 9165 diyan sa AOR ng Baseco PCP!