This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
Sa tandem na NOYNOY at PURING, ginawa nilang kamote sina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas at PNP-OIC Gen. Leonardo Espina sa ginawa nilang pagsalakay at tangkang pagdakip umano sa Malaysian bomb maker na sina Marwan at Usman.
Ang resulta: Fallen 44 sa hanay ng PNP SAF.
Kung naging successful ang operation hindi sila kasama sa kredito, pero ngayon bulilyaso sila ang namomroblema at binabatikos.
Sabi nga, hindi na maibabalik ang buhay kahit ano pang paninisi pero ang sigurado dapat matuto ang buong bansa sa karanasang ito.
Pero dapat na mayroong managot, lalo na’t lumilinaw na may kinalaman ang gobyernong Kano sa usaping ito.
Kay SILG Mar Roxas, kung talagang buo ang loob niyang maging Pangulo ng bansa, ARAL ito na hindi niya dapat malimutan.
Mas mahirap matsubibo, kung siya na ang Pa-ngulo ng bansa.