PATAY angapat na Chinese nationals sa itinuturing na pinakamalaking ‘biyahe’ ng ilegal na droga, sa ikinasang buy bust operation sa bayan ng Candelaria, lalawigan ng Zambales, iniulat kahapon. Nasabat ng anti-narcotics operatives nitong Martes, 7 Setyembre, ang aabot sa 500 kilo ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy bust operation laban sa apat na Chinese nationals na pinaniniwalaang pawang kasapi ng …
Read More »Isko sa Duterte admin: Gamot muna kaysa plastik na face shield
“GAMOT muna kaysa plastic, ‘yun ang bilhin natin.” Panawagan ito ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa administrasyong Duterte kaugnay sa pagtugon sa pandemyang dulot ng CoVid-19. Iginiit ng alkalde ang pangangailangan sa mga gamot para sa CoVid-19 gaya ng Remdesivir at Tocilizumab. “Ang daming naghahanap ng Tocilizumab…Itong gamot na ‘to nakatutulong sa tao,” sabi ng alkalde. Aabot aniya …
Read More »Digong, Sara ‘walang hiya’ kapag tumakbo sa may 2022 (Sa palpak na CoVid-19 response)
HATAW News Team WALA nang karapatang ipresenta nina Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte ang kanilang sarili sa harap ng publiko, wala na silang karapatan pang tumakbo sa 2022 national elections. Iginiit ito ng grupo ng healthworkers na nanindigang ibang administrasyon ang kailangan ng bansa para tuluyang makabangon sa pandemyang sa loob ng dalawang taon ay walang …
Read More »APOR ‘di Puwedeng Umuwi Sa ‘Pakulong’ Granular Lockdowns (Eksperto nabahala)
WALANG taong papayagang maglabas-pasok sa mga lugar na isasailalim sa granular lockdown kahit klasipikadong authorized person outside their residence (APOR). Ito ang ‘bagong pakulo’ at umano’y mas mahigpit na patakarang ipatutupad ng lokal na pamahalaan sa mga piling lugar na isasailalim sa granular lockdown sa National Capital Region kasabay ng pagsasailalim sa Metro Manila sa mas maluwag na general community …
Read More »Negosyante pumalag vs korupsiyon sa pandemya
DESMAYADO ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) sa mga naglabasang isyu ng katiwalian sa pagbili ng medical supplies ng administrasyong Duterte para labanan ang pandemyang dulot ng CoVid-19. “It is disheartening to learn of the integrity issues over the procurement of certain equipment and supplies needed to combat CoVid-19 and other related issues,” ayon kay Amb. Benedicto Yujuico, …
Read More »VM Honey can lead Manila, kung ‘aakyat’ si Yorme Isko — Bagatsing
“KUNG sakaling ‘aakyat’ o papalaot pa sa karera ng politika si Yorme Isko, kayang-kayang igiya at pamunuan ni Vice Mayor Honey Lacuna ang Lungsod ng Maynila.” Ito ang inihayag ng negosyante at dating konsehal ng Maynila na si Don Ramon Bagatsing. “Walang nakaalam kung ano ba talaga ang plano ni Yorme sa susunod na eleksiyon kundi siya at ang kanyang destiny. …
Read More »Palpak na Covid-19 response, dagok sa Duterte admin 2022 elections — Casiple
HATAW News Team NANINIWALA ang batikang political analyst na si Mon Casiple na ang naging pandemic response ng national at local leaders ang magiging sukatan ng mga botante sa 2022 elections. Ipinaliwanag ni Casiple, ang kultura ng mga Filipino ay hindi madaling nakalilimot, sa pinagdaanan ng bawat isa sa panahon ng pandemic, kung sino ang nakatulong at nakita nilang may …
Read More »TUCP, MAG, umalma sa palpak na gov’t (Suporta sa mag-amang Duterte bokya)
HATAW News Team RAMDAM sa buong mundo ang hagupit ng CoVid-19 pandemic, ngunit hindi ito dapat gawing palusot ng adminsitrasyong Duterte sa nararanasang virus surge sa Filipinas resulta ng kahinaan ng gobyerno. Kapwa inihayag ng labor group na Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) at health group na Medical Action Group (MAG), mayroong pondo para sa ayuda at pambili …
Read More »Pharmally kompanyang fly by night (Tax clearance kinuwestiyon)
ni ROSE NOVENARIO LUMALABAS na hindi rehistrado sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Pharmally Pharmaceutical Corporation base sa pahayag ni Sen. Franklin Drilon na wala itong tax clearance pero nakasungkit ng kontratang P10-B halaga ng medical supplies sa administrasyong Duterte. Giit ni Drilon, para makasali sa government bidding ang isang kompanya ay kailangan makakuha ng tax clearance mula sa …
Read More »Pharmally ‘middleman’ ng Duterte admin
KINUWESTIYON ni Sen. Franklin Drilon ang papel ng Pharmally bilang middleman sa pagbili ng PS-DBM ng medical supplies sa panahon ng pandemya gayong nakipag-usap naman sa gobyerno ng China ang mga opisyal ng administrasyong Duterte. Ang pahayag ay tugon ni Drilon sa pag-amin ni vaccine czar Carlito Galvez na matapos ideklara ni Pangulong Duterte ang unang lockdown ay nakipag-ugnayan sila …
Read More »1,000 benepisaryo ng DOLE TUPAD ‘kinotongan’ ng lady solon
NAGKAGULO at sumugod sa barangay upang magreklamo ang mahigit 1,000 benepisaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program ng Department of Labor and Employment (DOLE) dahil sa sinabing ‘pangongotong’ ng isang lady solon sa Quezon City. Ayon sa mga benepisaryo, biktima umano sila ng korupsiyon ng isang halal na kongresista, imbes P7,518 ang kanilang makukuhang suweldo sa TUPAD …
Read More »Digong, Sara ‘binuhat’ ng misinfo (Kaya nangunguna sa survey)
HATAW News Team ‘MISINFORMATION’ ang nakaaapekto sa mga isinasagawang political surveys kaya hindi maaaring pagbatayan ito na totoong sentimyento ng taongbayan. Ito ang iginiit ni dating Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) Secretary General Bro Clifford Sorita, sa harap ng lumalabas na surveys na nagpapakitang nangunguna ang mag-amang Davao City Mayor Sara at Pangulong Rodrigo Duterte sa presidentiable at …
Read More »Quarantine officials nagpa-‘SOS’ kay PDU30 (Sa sinabing overcharging ng PisoPay)
HATAW News Team HUMIHINGI ng ‘saklolo’ kay Pangulong Rodrigo Duterte ang nagkakaisang paksiyon ng mga opisyal sa Bureau of Quarantine (BOQ) kaugnay sa sobrang taas ng singil sa Electronic Payment and Collection System (EPCS) na ipinatutupad ng kanilang ahensiya. Ayon sa grupo, ang PisoPay.com, isang financial technology company ang nakakuha sa multi-bilyong pisong kontrata kamakailan sa BOQ. Ibinunyag ng grupo …
Read More »Impeachment ‘nakatutok’ vs Duterte (Sa P8.7-B Pharmally anomaly)
ni ROSE NOVENARIO MAARING mapatalsik o ma-impeach si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagbabawal sa mga opisyal na sangkot sa P8.7-bilyong overpriced medical supplies na binili ng administrasyon sa Pharmally Pharmaceutical Corporation para dumalo sa imbestigasyon sa Senado. Nagbabala si Senate Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon na isang impeachable offense kapag pinigil ni Pangulong Duterte ang mga opisyal …
Read More »Mas maraming healthcare workers sama-samang nagprotesta vs DOH (National Day of Protest inilunsad)
INILUNSAD ng mga healthcare workers ang kanilang kilos protesta kahapon at tinawag itong National Day of Protest, sa labas ng Department of Health (DOH) Central Office sa Sta. Cruz, Maynila upang kalampagin ang kagawaran na ibigay sa kanila ang mga benepisyong matagal nang nakabinbin. Suot ang kanilang mga PPE (personal protective equipment) habang bitbit ang mga plakard at mga latang …
Read More »338 Pinoys sinundo ng Cebu Pac sa UAE (Sa pamamagitan ng Bayanihan flight)
INIUWI sa bansa ng Cebu Pacific nitong Miyerkoles, 1 Setyembre ang 338 Pinoys mula Dubai, bilang pagtugon sa panawagan ng pamahalaan na mapauwi ang mga stranded na overseas Filipino workers (OFWs) sa Gitnang Silangan habang umiiral ang travel ban. Isinagawa ang ika-anim na special commercial flight o Bayanihan flight katuwang ang special working group ng pamahalaan. Matatandaang itinaas ng pamahalaan …
Read More »Cybersex ops timbog sa Vale, at Batangas
UMABOT sa 41 indibidwal na sinabing pawang sangkot sa cybersex ang inaresto sa sabay-sabay na anti-cybercrime operations ng mga awtoridad sa tatlong magkakaibang lugar sa Valenzuela City at lalawigan ng Batangas nitong nakaraang araw ng Martes, 31 Agosto. Sa pahayag ni Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Guillermo Eleazar kahapon, sinabi niyang ang operasyon ay isinagawa ng Anti-Cybercrime Group (ACG) …
Read More »HDO vs Lao inihirit ng senado (Planong tumakas)
NAIS ng Senado na maglabas ng hold departure order (HDO) laban kay dating Budget Undersecretary Christopher Lloyd Lao matapos makatanggap ng ulat na nagtangkang lumabas ng bansa sa gitna ng imbestigasyon sa overpriced medical supplies na kanyang kinasasangkutan. Sa panayam sa Dobol B TV, sinabi ni Sen. Richard Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, na inabisohan siya ni Sen. …
Read More »Sara gaya ni Digong ‘pag naging ph prexy —1Sambayan
HATAW News Team UPANG matiyak na matututukan at masosolusyonan ang CoVid-19 pandemic sa Filipinas na kabilang sa pinakamasamang lagay sa buong Asya, hindi na dapat ang administrasyong Duterte o sinomang kandidato nila ang maupo sa Malacañang. Ayon kay 1Sambayan convenor Neri Colmenares, nakita na ng publiko kung paano ang naging CoVid response ng administarsyong Duterte kaya kung ayaw nang maulit …
Read More »Bilyones na Covid-19 funds ‘bayad-utang’ ng Duterte admin sa ‘criminal ring’
ni ROSE NOVENARIO NAPUNTA sa kamay ng sindikatong kriminal at mga pugante sa batas ang bilyon-bilyong pisong pondo ng Filipinas para sa pagtugon sa CoVid-19 pandemic. Isiniwalat kahapon ni Sen. Risa Hontiveros na tinutugis ng Taiwan government ang mga opisyal ng Pharmally International Holding Co Ltd na sina Huang Wen Lie, Huang Tzu Yen, at business partner ni Michael Yang, …
Read More »DFA Consular Office NCR East branch isinara
SUSPENDIDO simula kahapon, 31 Agosto hanggang 3 Setyembre ang operasyon ang isang sangay ng consular office ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Metro Manila bunsod ng close contact ng ilang empleyado sa ilang indibidwal na nagpositibo sa CoVid-19. Ang DFA Consular Office (CO) NCR East branch, matatagpuan sa SM Megamall sa Mandaluyong City ay pansamantalang nagsara para sa kaligtasan …
Read More »138 Pinoys na stranded sa Bahrain nakauwi na
DUMATING kahapon ang 138 Pinoy na stranded sa Bahrain sa pamamagitan ng Repatriation Program ng pamahalaan. Ang repatriates ay pawang mga sanggol, bata, pardoned detainees, medical patients, at mga buntis. Halos ilang linggo at buwang stranded ang mga nasabing Pinoy sa naturang bansa bunsod ng limitadong biyahe ng eroplano mula Bahrain papuntang Filipinas. Nagsagawa ng ayuda ang embahada ng Filipinas …
Read More »Vlogger/s na mahilig ‘magmura’ dapat i-ban sa social media
BULABUGINni Jerry Yap KAPAG nakapanonood ang inyong lingkod ng mga vloggers sa YouTube o sa ibang porma ng social media, naaaliw tayo sa kanila, lalo na ‘yung magaling magpatawa — malinis na pagpapatawa. Mayroong mga vlogger, na parang segment na sa telebisyon dahil nag-i-interview sila ng mga interesanteng tao, nakapagbabahagi sila ng kanilang mga karanasan na kapupulutan ng mga …
Read More »Duterte-Go ‘joint’ bank account sinilip (Ping nanggigil)
IPINAHIWATIG ni Sen. Panfilo Lacson na may minamantinang ‘joint bank account’ sina Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Christopher “Bong” Go. Buwelta ito ng senador matapos batikusin ni Pangulong Duterte ang mga senador na nag-iimbestiga sa Commission on Audit (COA) report sa pagbibigay ng Department of Health (DOH) ng P42-bilyon sa Procurement Service – Department of Budget and Management (PS-DBM) at …
Read More »Pagtaboy ni Sara sa ama camuflaje, zarzuela — Ex PPCRV chief
HATAW News Team ZARZUELA o romcom lamang ang ginagawang pagdistansiya o pagtataboy kay Pangulong Rodrigo Duterte ng anak na si Davao City Mayor Sara Duterte hinggil sa isyu ng 2022 Presidential election. O isang camouflage para ipakita sa publiko na magkaiba ang mag-ama sa pamamahala ngunit ang katotohanan ay magkapareho lamang sila ng ‘estilong aayaw-ayaw pero gustong-gusto pala’ kaya hindi …
Read More »