Saturday , September 28 2024

Blog List Layout

PH Customs nanguna sa CPTFWG

NAGSAGAWA ng 15th Customs Procedure and Trade Facilitation Working Group (CPTFWG) na kinabibilangan ng 10 Asean member nation ay sinimulan ang tatlong araw na conference ng mga customs commissioner at directors general noong Nobyembre 5, 2013 sa Traders Hotel, Manila, kung saan ang PH Bureau of Customs ang nag-host sa naturang event. Inaasahan ni Customs Commissioner Ruffy Biazon na makatutulong …

Read More »

2 holdaper utas sa Pampanga

PAMPANGA – Dalawang holdaper ang namatay makaraang makipagpalitan ng putok ng baril sa mga awtoridad habang nakatakas naman ang lima pang kasamahan sa City of San Fernando kahapon ng madaling araw . Ayon sa ulat ng pulisya, dakong 4:40 a.m. lulan ang biktimang si Cora Sason, vegetable dealer, residente ng Sta. Rita ng nasabing  bayan, ng Isuzu elf na minamaneho …

Read More »

Bombay itinumba sa Baseco (Naningil ng pautang)

PATAY ang isang Indian national nang barilin  ng hindi nakilalang salarin habang naniningil ng pautang sa Baseco Compound, Tondo, Maynila kahapon ng umaga. Kinilala ang biktimang si Kumar Narinder, 38, ng Lamayan, Sta Ana, Maynila habang mabilis  na tumakas ang suspek. Ayon kay PO2 Abdon Aceveda ng Manila Police District Homicide Section, dakong 9:00 ng umaga, naniningil ng pautang  si …

Read More »

Napoles most hi-risk sa Senate (Probe tuloy sa Nob. 7)

PAIIGTINGIN ng Senado ang seguridad para kay pork barrel scam mastermind Janet Lim-Napoles na nakatakdang dumalo sa Senado para sa pagdinig sa nasabing isyu sa Huwebes. Sinabi ni Senate sergeant-at-arms Jose Balajadia, Jr., humiling na ang kanyang tanggapan ng 60 karagdagang mga pulis mula sa Pasay City Police upang tumulong sa pagbibigay ng seguridad sa bisinidad ng Senate building sa …

Read More »

Zapanta bibitayin na sa Saudi

 NAGKILOS-PROTESTA ang grupong Migrante International sa harap ng DFA upang kondenahin ang mabagal na aksyon ng gobyerno ukol sa problemang kinakaharap ng mga OFW sa bansang Saudi Arabia. (JERRY SABINO) NAGTAKDA na ng petsa ang ang Saudi government para sa execution ng death sentence sa overseas Filipino worker (OFW) na nahatulan sa kasong murder sa nasabing bansa. Iniulat ni Presidential …

Read More »

Esquivel dapat sibakin ni PNoy sa MWSS (Sa katiwalian at kasinungalingan)

Manila, Philippines—Kung seryoso si Pangulong Aquino sa paglilinis ng katiwalian sa pamahalaan, nararapat unahin sibakin ang kanyang kaibigang si Gerardo Esquivel, tagapangulo ngayon ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) matapos palabasing kumikita ang ahensya sa kabila ng katotohanang mayroon itong malaking pagkalugi. Ayon kay Silvestre Liwanag, tagapangulo ng Filipinos for Accountability and Reforms (FAR), naging kahiya-hiya si Aquino nang …

Read More »

Ochoa-Roxas rift tumitindi (Palasyo tumanggi)

ITINANGGI ng Malacañang ang lumalalang hidwaan nina Executive Sec. Jojo Ochoa at DILG Sec. Mar Roxas kaugnay sa naging televised statement ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III para linawin ang Disbursrment Acceleration Program (DAP). Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, walang katotohanan ang nasabing intriga sa hanay ng gabinete. Nauna rito, lumabas ang balitang itinago ni Roxas ang statement …

Read More »

Pinagtibay ng CA, Pichay sibak sa LWUA

PINAGTIBAY ng dibisyon ng Court of Appeals ang pagsibak kay dating Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay bilang chairman ng Local Water Utilities Administration (LWUA) noong Hulyo 2011. Sa 15-pahinang desisyon, ibinasura ng Special Fourth Division ng appeals court ang petition for review ni Pichay na tumututol sa kanyang July 2011 dismissal makaraang masangkot sa sinasabing maling paggamit ng LWUA …

Read More »

Granada itinanim sa LTFRB

ANG granada na natagpuan sa comfort room sa 3rd floor ng tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board National Capital Region sa East Avenue, Diliman, Quezon City, na nagdulot ng tensyon sa mga empleyado ng nasabing tanggapan makaraang makatanggap ng bomb threat sa telepono. (RAMON ESTABAYA) Nagulantang ang mga kawani ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), dahil …

Read More »

11% itinaas ng BoC collections

FAKE MARLBORO CIGARETTES. Iniinspeksyon nina Bureau of Customs Commissioner Ruffy Biazon at Risk Management Office chief, Lawyer Chris Bolastig ang kahon-kahong pekeng Marlboro cigarettes na nagkakahalaga ng P18 million mula China, matapos masabat sa Manila International Container Port Area, Maynila        (BONG SON) NAGING doble ang revenue collections ng Bureau of Customs (BoC) para sa ikatlong buwan kasabay ng pagsasagawa ng …

Read More »

Koreanong ukay-ukay trader dedo sa kustomer

PATAY ang isang Korean national matapos barilin ng nakasagutang kostumer nang hindi magkasundo sa presyo ng ibenibentang sapatos sa puwesto ng ukay-ukay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot nang buhay sa Dr. Jose N. Rodriguez Hospital ang biktimang si  Sungmo Hong, 4, ng Phase 3, Brgy. 176 Bagong Silang sanhi ng isang tama ng bala ng baril …

Read More »

Lalaki lasog mula sa 7/F ng PBCom tower

Nahulog ang isang lalaki mula sa ikapitong palapag ng gusali ng Philippine Bank of Communications o mas kilala sa tawag na PBCom Tower, kahapon ng umaga sa Makati City. Kinilala ni Joey Salgado, public information officer ng Makati City Hall ang biktimang si Christian Sanchez, 27-anyos, may-asawa. Ayon sa isang Dr. Modina ng Makati Medical Center, wala nang pulso at …

Read More »

PNoy iikot sa probinsya, DAP ipaliliwanag

INIHAYAG ng Malacañang na hindi pa natatapos ang paliwanag ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III hinggil sa Disbursement Accelaration Program (DAP) sa isinagawang televised statement. Katunayan, sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, balak ni Pangulong Aquino na mag-ikot din sa mga lalawigan para personal na ipaliwanag ang DAP. Ayon kay Coloma, layunin nitong lubusang maipaliwanag sa taong bayan ang kinakaharap …

Read More »

Hacktivist vs pork barrel hinikayat magprotesta nang legal

NANAWAGAN ang Palasyo sa hacktivists na idaan sa legal na pamamaraan ang pagtutol sa pork barrel scam. “Sapat ang mga legal na pamamaraan ng pagpapahayag ng saloobin ng mga mamamayan at hindi na kailangan pang lumabag sa batas sa pamamagitan ng hacking at defacing,” ani Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma Jr. Kamakalawa o dalawang araw bago ang …

Read More »

15 areas sa Viz-Min signal no.1 kay Wilma

  INALERTO ng Pagasa at MGB ang mga lugar na una nang tinamaan ng malakas na lindol noong nakaraang buwan dahil sa epekto ng bagyong Wilma. Inaasahang direkta itong magla-landfall o tatama sa Surigao del Sur, habang inaasahan ang hagupit nito hanggang sa Bohol at mga karatig na lugar. Huling namataan ang bagyo sa layong 75 kilometro sa hilaga hilagang …

Read More »

DILG sinugod ng Anakpawis

Sinugod ng mga residente ng Sitio San Roque, Barangay Pag-asa, Quezon City kasama ang grupong AnakPawis, ang tanggapan ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Agham Road. Ilang minutong nahiga sa kalsada ang mga raliyista bilang pagpapakita ng kanilang pagtutol sa anila’y paglalagay ng harang ng malalaking kompanya sa paligid ng kanilang tirahan. Ang naturang lugar ay dini-develop …

Read More »

‘Holdaper’ utas sa bugbog ng pasahero

PATAY ang hindi pa nakikilalang lalaki na pinaghinalaang holdaper matapos bugbugin ng  mga pasahero ng jeep na kanyang biniktima sa Pasay City kamakalawa ng madaling araw. Nadala pa sa Pasay City General Hospital ang biktimang nasa pagitan ng 30 hanggang 35 anyos, katamtaman ang katawan, mahaba ang buhok, nakasuot ng makulay na t-shirt at maong na pantalon, na namatay habang …

Read More »

MRT naparalisa

Maraming pasahero ang nagalit at naabala matapos panandaliang maparalisa ang biyahe ng mga tren dahil sa nakitang maliit na bitak sa Metro Rail Transit (MRT) kahapon ng umaga. Alas 6:10 ng umaga nang bulto ng mga pasahero ang hindi makasakay sa Quezon Ave., at sa iba pang  estasyon ng MRT dahil sa nasabing aberya. Walang masakyang tren sa mga estasyon …

Read More »

Ina ni Recto binangungot sa Cambodia

PUMANAW na ang ina ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto na si Carmen Gonzales Recto nitong Sabado sa Cambodia, ayon sa ulat na natanggap ng opisina ng senador. Si Mrs. Recto, 72, ay napag-alamang binawian ng buhay habang natutulog habang nasa bakasyon sa Cambodia. Ayon pa sa ulat, si Recto at ang kanyang pamilya ay nasa Japan nang pumanaw ang …

Read More »

P100-M danyos ni Vinta sa Cagayan (3 patay, 2 missing)

aabot sa P100 milyon ang halaga ng iniwang pinsala ng bagyong Vinta sa agrikultura at impraestruktura sa lalawigan ng Cagayan. Habang tatlo ang nalunod habang dalawa ang hindi pa natatagpuan dahil sa bagyong Vinta. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kinilala ang mga biktimang sina Wilson Lizardo, 72, ng Ballesteros, Cagayan; Jose Manuel, 52, ng Lasam, …

Read More »

Dalagita natusta sa Fairview FIRE (Gamit binalikan)

TODAS ang isang dalagita, makaraang masunog ang kanilang bahay sa Quezon City kahapon. Kinilala ang biktimang si April Rose dela Cruz,14, nakatira sa Republic Ave., Brgy. West Fairview sa nasabing lungsod. Base sa paunang ulat, naganap ang pangyayari dakong 2:00 ng madaling araw sa nabanggit na lugar. Nabatid na nakalabas na ng kanilang bahay ang biktima pero bumalik pa umano …

Read More »

38 websites ng gobyerno sinabotahe

Muling sinabotahe ang mga website ng pamahalaan ng grupong “Anonymous Philippines” sa harap ng kontrobersya ng korupsyon kaugnay ng pork barrel fund at Disbursement Acceleration Program (DAP). Batay sa Facebook account ng grupo, dose-dosenang websites ang kanilang ini-hack mula Sabado ng hatinggabi kabilang ang Tanggapan ng Ombudsman, Philippine National Railways, Optical Media Board (OMB) at mga lokal na pamahalaan. Ayon …

Read More »

Tuguegarao VM inagawan ng bag sa terminal ng bus

Wala nang pinangingilagan ang mga kawatan, matapos iulat na biniktima ng riding-in-tandem maging ang vice mayor sa bayan ng Sta. Ana, sa Tuguegarao. Sa report ng Sta. Ana Police, naghihintay ng sasakyan ang biktimang si Genevie  Rodriguez, 45 anyos, patungo sa terminal ng bus nang lapitan at hablutin ang bag ng magkaangkas na lalaking sakay ng motorsiklo sa Brgy. Palauig, …

Read More »

STL sa Quezon papalitan ng 2 gambling lord

Lucena,City—Nanganganib mapalitan ng dalawang gambling lord  ng operasyon ng  Small Town Lottery (STL) sa lalawigan ng Quezon, matapos mapag-alaman na hindi na nagpapakita sa mga politiko, PNP opisyal at ilang mamamahayag na malapit sa Jueteng Queen ng Southern Tagalog na si Rosario (Charing) Magbujos. Ayon sa nakalap na impormasyon, may mabigat na karamdaman ang Jueteng Queen Rosario Magbujos, kaya pansamantalang  …

Read More »

Talunang Tserman niratrat tigbak

AGAD binawian ng buhay sa Chinese General Hospital ang isang barangay chairman matapos pagbabarilin habang nasa labas ng kanyang bahay sa Tondo, Maynila kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Armando Ramos ng Brgy. 209, Zone 19 ng Severino Reyes St., Tondo, Maynila, habang patuloy ang pangangalap ng testigo para sa pagkakakilanlan sa tumakas na suspek. Ayon sa ulat ng pulisya dakong …

Read More »