Monday , December 23 2024

Rose Novenario

‘Mayor’ utak sa Batocabe slay — Duterte (Naulila ng napaslang na pulis sagot ni Digong)

NAKIISA si Pangulong Rodrigo Duterte sa paniniwala ng biyuda ni AKO Bicol Party-list Representative Rodel Batocabe, na isang alkalde ang nasa likod nang pagpatay sa kongresista. Sinabi ng Pangulo sa kanyang pagbisita sa burol ni Batocabe sa Daraga, Albay kamaka­lawa ng gabi, na tiyak na tatalunin ang mayor ng hahaliling kandidato kay Batocabe sa mayoralty election sa susunod na taon. …

Read More »

Deliryo ni Joma matindi — Palasyo

NASA matinding deliryo na si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison. Ito ang reaksiyon ng Palasyo sa pahayag ni Sison na si Pangulong Rodrigo Duterte ang numero unong recruiter ng CPP-NPA. Sinabi ni Sison, dahil sa mga polisiya ni Pangu­long Duterte at sa mga utos niya sa militar na nagdudulot ng ibayong pagkagalit sa mga …

Read More »

Homestay program hikayat ng Palasyo sa Eastern Samar

HINIKAYAT ng Palasyo ang mga residente sa Eastern Samar na ayusin at pagandahin ang kani­lang mga tahanan para palakasin ang tinatawag na homestay program. Ito ay pagbubukas ng mga tahanan sa mga turista para kanilang matuluyan habang nasa probinsiya. Sinabi ni Communi­cations Secretary Martin Andanar, wala kasing mga hotel sa Eastern Samar kaya karaniwan sa mga ganitong uri ng probinsiya …

Read More »

Tiniyak ng Palasyo: Diokno sisibakin kung sabit sa P75-B budget

TINIYAK ng Palasyo na masisibak si Budget Secretary Benjamin Diok­no kapag napa­tunayan ang alegasyon na sangkot siya sa P75-B insertion sa 2019 national budget. “Of course we will go to the bottom of this,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo. Ang pahayag ni Panelo ay kaugnay sa isiniwalat ni Camarines Sur Rep. Rolando Anda­ya na si Diokno umano ang nasa …

Read More »

Sa ML extension Palasyo nagpasalamat

mindanao

PINASALAMATAN ng Malacañang ang mga mambabatas sa pagbi­bigay ng go signal sa hiling ni Pangulong Ro­drigo Duterte na mapa­lawig pa nang isang taon ang martial law sa Min­danao. Sa kalatas ni Pre­sidential spokesman Sal­vador Panelo, sinabi ni­yang makaaasa ang pu­bliko nang malaking progreso upang masugpo ang nagpapatuloy na rebelyon at patuloy na maitaguyod ang pang­kalahatang seguridad sa rehiyon. Tiniyak ng …

Read More »

Balangiga Bells nasa PH na (Eastern Samar nagalak)

HINDI kailanman papa­ya­­gan ng lahing Filipino na magapi ng mga dayu­han at sa tuwina’y ipag­ta­tanggol ang soberanya ng bansa laban sa mga manlulupig. Ito ang mensahe nang pagbabalik kahapon sa Filipinas ng tatlong Ba­langiga Bells na ninakaw ng mga Amerikano bilang war booty noong Fil-Am War kasabay nang pag­babalik-tanaw sa madi­lim na kabanata ng ating kasaysayan, ayon sa Palasyo. Ipinagmalaki …

Read More »

Paliwanag ni Andaya ikinatuwa ng Palasyo (Sa isyu ng pork sa 2019 budget)

Rolando Andaya Jr

NASIYAHAN ang Pala­syo sa naging paliwanag ni House Majority Lead­er at Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr., hinggil sa akusasyon na mga kaalyado ni dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang mabibigyan ng malaking alokasyon sa 2019 national budget. “We appreciate the gesture of House of Representatives Majority Floor Leader Represen­tative Rolando G. Anda­ya, Jr., for immediately addressing the issue …

Read More »

Digong ‘di sisiport sa Balangiga Bells handover ceremony

HINDI pupunta  si Pa­ngu­long Rodrigo Duterte sa handover ceremony ng Balangiga bells sa Vil­lamor Air Base sa Pasay City ngayong araw. Sa halip, ayon kay Presdiential Spokesman Salvador Panelo, magtu­tungo ang Pangulo sa 15 Disyembre para sa turn-over ceremony sa St. Law­rence The Martyr Church sa Balangiga, Eastern Samar, ang orihi­nal na kinalalagyan ng mga kampana bago ninakaw ng mga …

Read More »

Babala ni Duterte: Sundalo at pulis ‘wag kumiling sa kandidato

MAHIGPIT ang bilin ni Pangulong Rodrigo Du­ter­te sa mga sundalo at pulis na huwag kumiling sinoman sa mga kan­di­dato para sa eleksiyon sa 2019. Sinabi  ito ng pangulo sa kaniyang pagdalo sa pamamahagi ng inisyal na 500 housing units para sa mga sundalo at pulis sa San Miguel, Bulacan ka­ha­­pon. Ayon sa pangulo, ini­endoso man niyang kandi­dato o hindi, hindi dapat …

Read More »

Himok ng Palasyo kay Sison: Long distance propaganda war itigil na

KAHABAG-HABAG at kalunos-lunos ang pagba­tikos ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison sa patakaran ni Pangulong Rodrigo Du­terte sa West Philippine Sea (WPS) gamit ang dalawang taon nang artikulo ng isang taong nagtatrabaho sa mga proyekto ng US military. Ito ang pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kasunod ng kalatas ni Sison kamakalawa hinggil sa …

Read More »

Balangiga Bells uuwi na — Palasyo (Closure sa malagim na kabanata ng PH-US history)

ITINUTURING ng Palasyo na pagtuldok sa malagim na kabanata sa kasaysayan ng Filipinas at US ang pagsasauli ng Amerika sa Balangiga bells. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang okasyon nang pagbabalik ng Balangiga bells sa bansa ay patunay sa matatag na relasyon ng Filipinas sa kaalyadong US at pagwawakas sa malagim na kasaysayan ng dalawang bansa. Pangungunahan bukas ni …

Read More »

TRAIN 2 ‘raragasa’ sa Enero

WALA nang makapipigil sa pagpapatupad ng ikalawang yugto ng The Tax Reform for Accele­ration and Inclusion (TRAIN) Act sa susunod na taon. Nagbigay ng go signal si Pangulong Rodrigo Duterte sa implemen­tasyon ng ikalawang yugto ng TRAIN Law makaraan ilatag sa kaniya ng economic man­agers ang mga dahilan. Sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diok­no, nakita ng Pangulo ang malaking halagang ibinagsak …

Read More »

Mass lay-off sa Federalism (Pangamba ng gov’t workers)

KABADO ang mga empleyado ng gobyerno na mawalan ng trabaho kapag umiral ang federalismo sa bansa. Ito ang inihayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Assistant Secretary Jonathan Malaya sa press briefing sa Palasyo kahapon, kaugnay sa isinagawang town hall meetings ng kagawaran para ilako ang federalismo. “Yung ibang empleyado ng gobyerno may agam-agam, kinakabahan sila na mawawalan …

Read More »

Lizada ng LTFRB inilipat sa CSC

Aileen Lizada LTFRB CSC

INILIPAT ng puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating LTFRB spokesperson Aileen Lizada. Sa inilabas na ap­point­ment paper ng Pa­lasyo, itinalaga ni Pangu­long Duterte si Lizada bilang commis­sioner ng Civil Service Commission (CSC). Si Lizada ay mag­sisilbing commissioner ng CSC, na may terminong magtatagal hanggang 2 Pebrero 2025, kapalit ni Robert Martinez. Matatandaan, nag­bitiw bilang tagapag­salita ng LTFRB si Lizada dahil sa …

Read More »

Dagdag-buwis sa petrolyo tuloy sa Enero (Suspensiyon binawi)

BINAWI ng administrasyong Duterte ang naunang  pahayag na suspen­dehin ang dagdag na buwis sa langis sa susunod na taon. Sa ipinatawag na press briefing ng Depart­ment of Finance, inia­nunsiyo ni Finance Secretary Carlos Domi­nguez na itutuloy na ang pagpapataw ng dagdag na dalawang piso sa kada litro ng langis simula Enero 2019. Katuwiran ni Domi­nguez, hindi nakikita ng Development Budget …

Read More »

Usec pa sisipain ni Duterte

ISA pang undersecretary ang sisibakin ni Pangu­long Rodrigo Duterte, pagbalik niya sa Maynila. Sa kaniyang talum­pati sa Davao City bulk water supply project construction sa Brgy. Gumalang sa Davao City kahapon, sinabi ng Pa­ngulo na isang under­secretary ang tatanggalin niya sa puwesto pagbalik niya sa Maynila. Galit na sinabi ng Pangulo na dapat ma­pag­tanto ng mga opisyal ng gobyerno na …

Read More »

HUDCC sec-gen sinibak ni Digong

Falconi Millar HUDCC Duterte

SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte si Hou­sing and Urban Develop­ment Coor­dinating Coun­cil (HUDCC) Secretary General Falconi Millar dahil sa korup­siyon. “There are no sacred cows in the Admi­nistration, especially in its drive against cor­ruption. As the President said, he will not tolerate even a whiff of corruption in the Executive Branch of Government. The Palace is announcing the ter­mina­tion of …

Read More »

State visit ni Xi Jinping turning point sa PH-China relations

xi jinping duterte

TURNING point sa Fili­pi­nas at China ang dala­wang araw na pagbisita sa bansa ni Chinese Pre­sident Xi Jinping. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Pane­lo, ito ang magla­lagay ng selyo sa magan­da nang relasyon ngayon ng dalawang bansa. Ayon kay Panelo, ang kauna-unahang state visit ng  isang Chinese leader mula noong 2005 o maka­lipas ang 13 taon ay tanda ng special …

Read More »

Palawan ‘di magiging lunsaran ng US-China war

SINGAPORE – Hindi maka­papayag si Pangulong Ro­drigo Duterte na maging lun­saran ng armadong tung­galian ng US at China ang West Philippine Sea. Ito ang pangunahing dahilan kaya walang pina­yagan na bansa si Pangu­long Duterte na gamiting imbakan ng kanilang armas ang Palawan, ayon kay Pre­sidential Spokesman Salva­dor Panelo. Naniniwala aniya ang Pangulo na mas makabubuti na pairalin ang diplomasya sa …

Read More »

PH nakahanda bilang country coordinator ng ASEAN-China Dialogue Relations

SINGAPORE -Nakahanda ang Filipinas na gampanan ang papel bilang country coordinator ng ASEAN-China Dialogue Relations hanggang 2021. Sa kanyang ‘intervention’ sa working dinner kamakalawa ng gabi ng ASEAN Leaders, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na “committed” ang Filipinas na makipagtrabaho sa lahat ng sangkot na partido tungo sa makabuluhang negosasyon at maagang konklusiyon ng Code of Conduct sa South China …

Read More »

Suporta sa ASEAN tiniyak ni Duterte (Sa ayuda sa Rakhine state)

SINGAPORE –  Ginarantiyahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong suporta sa mga ginagawang hakbangin ng ASEAN sa pagbibigay ng humanitarian assistance para sa mga apektadong komunidad ng Rakhine state. Sa ‘intervention’ ng Pangulo sa isinagawang working dinner kasama ang iba pang ASEAN leaders, hinikayat ng Pangulo ang kanyang mga kapwa lider na, magtulungan upang ugatin ang pinagmulan ng karahasan sa …

Read More »

Panalo ng Pinay autism advocate karangalan ng PH — Duterte (Sa ASEAN Prize 2018)

Duterte Erlinda Uy Koe ASEAN Autism Network

SINGAPORE – Malaking karangalan para sa Filipi­nas ang pagkaka­panalo ng Filipina na si Ms. Erlinda Uy Koe ng ASEAN Society Philip­pines at ng ASEAN Autism Network (AAN), sa ASEAN Prize 2018, ayon kay Pangulong Ro­drigo Duterte. Si Ms. Koe ay gina­waran ng premier award sa Opening Ceremony ng 33rd ASEAN Summit and Related Summits sa Singapore kahapon. Mismong si ASEAN …

Read More »

Bonus, cash gift ng gov’t workers kasado na

MATATANGGAP na ng mga kawani  ng gobyerno sa buong bansa simula ngayon, ang kanilang 14th month pay o year-end bonus, maging ang kanilang cash gift. Ang year-end bonus ay katumbas ng isang buong suweldo ng mga kawani habang ang cash gift ay P5,000. Sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diok­no, ang year-end bonus at cash gift alinsunod sa budget circular no. …

Read More »

Excise tax suspendido sa 2019 (Aprub kay Digong)

Duterte Oil Excise Tax Suspended

PASADO kay Pangulong Rodrigo Duterte ang reko­men­dasyon ng kaniyang economic managers na suspendehin ang pag­papataw ng dagdag na dalawang piso sa excise tax ng produktong pe­trolyo sa susunod na taon. Ito ang nakasaad sa memorandum ni Exe­cutive Secretary Salvador Medialdea kay Finance Secretary Carlos Do­minguez. Ayon kay Budget Secre­tary Benjamin Dok­no, magandang ba­lita ito dahil maka­tu­tulong para maiwasang sumirit pa …

Read More »

Kabataan Kontra Droga at Terorismo inilunsad (Sa Davao City)

Bong Go KKDAT Kabataan Kontra Droga at Terorismo

PINANGUNAHAN ni dating Special Assistant to the People SAP Christopher “Bong” Go ang paglulunsad ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDT) sa Davao City, kamakalawa. Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Go ang mga mag-aaral sa high school mula sa pribado at pampublikong paaralan na iwasan ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot dahil walang kabutihang maidudulot ito sa buhay at sisirain lamang …

Read More »