Sunday , May 25 2025

P.8-B jackpot sa lotto gusto rin masungkit nina Digong, SAP Go

KINOMPIRMA ni  Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na gaya ng pangkaraniwang Filipino ay tumaya rin silang dalawa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Ultra Lotto na mahigit P800 milyon ang jackpot.

Ayon kay Go, 18 combination ang pina­tayaan nila ni Pangulong Duterte para sa 6/58 jackpot draw mamayang gabi.

Sa pinakahuling lucky pot ng 6/58, naitala ito sa P849 milyon at maa­aring umabot pa ito sa halos P900 milyon bukas ng gabi.

Sa isang lotto outlet  sa Metro Manila, ani Go, sila nagpataya na kung sakali’t palarin ay ilalaan nila ang mapapanalunan para sa kanilang Mala­sakit Center program.

Binigyang diin ni SAP Go, hindi na bago ang pagtaya sa Lotto nila ni Pangulong Duterte dahil ginagawa na nila ito sa nakalipas na limang taon.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Lyceo Martinez BoC Customs Zamboanga

Korte Suprema, Pinayagan ang Pagbabalik sa Serbisyo ng Dating BOC Zamboanga Collector; Buong Back Pay, Ibinigay

MANILA, Pilipinas — Pinagtibay ng Korte Suprema ang pagbabalik sa serbisyo ng dating District Collector …

Dead body, feet

Sa San Rafael, Bulacan
Pugot na ulo ng lalaki sa ilog natagpuan na

NATUNTON na ng mga awtoridad ang pugot na ulo ng katawan ng lalaking unang natagpuan …

Fire

MAG-ASAWA, 2 ANAK PATAY SA SUNOG
15-anyos binatilyong anak nakaligtas

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang isang guro, ang kaniyang asawa, at dalawa nilang anak sa …

70-anyos retiradong sundalo katalong kapitbahay binoga

70-anyos retiradong sundalo katalong kapitbahay binoga

TINAPOS ng isang retiradong sundalo ang matagal nang alitan sa kapitbahay nang barilin niya ito …

Daniel Fernando Bustos Dam

Fernando hiniling agarang palitan nasirang gate ng Bustos Dam, kontraktor nais mapanagot

MATAPOS masira ng ikatlong gate ng Bustos Dam noong 1 Mayo,– mariing hiniling nina Provincial …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *