Monday , October 25 2021
Rodrigo Dutete Bong Go
Rodrigo Dutete Bong Go

Digong pursigido sa Senate bid ni SAP Bong

PURSIGIDO si Pangu­long Rodrigo Duterte na suportahan ang pagtakbo ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa 2019 sena­torial election.

Sinabi ni Go, kahit tiyak ang ayuda ni Pa­ngu­long Duterte ay tinitimbang pa niya ang situwasyon kung itutuloy ang politikal na karera sa Senado.

Ipinauubaya ni Go kay Pangulong Duterte kung sino ang itatalagang kapalit niya sakaling maghahain nga siya ng kandidatura.

Ani Go, marami na­mang magagaling at mahuhusay na maaaring italagang kapalit niya sa puwesto ngunit nasa pangulo pa rin ang desisyon.

Mas mataas aniya ang posibilidad na mag­hain siya ng kandidatura sa pagka-senador kaysa mga nakalipas na linggo.

Sinabi ni Go, maaa­ring sa huling araw ng paghahain ng COC ay malalaman ang kanyang desisyon.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

arrest, posas, fingerprints

Top 1 MWP ng Pasig, arestado sa CamSur

NADAKIP ng mga tauhan ng Eastern Police District (EPD) sa lalawigan ng Camarines Sur ang …

Sekyu natagpuang patay sa tabi ng sariling boga

INIIMBESTIGAHAN ng mga elemento ng Taguig City Police ang pagkamatay ng isang guwardiyang natag­puang duguan …

shabu drug arrest

P3.4-M shabu kompiskado
DELIVERY DRIVER TIMBOG

AABOT sa P3.4 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa isang delivery …

Gun Spikes Tactical Apopka FL USA

Chinese national, Pinoy arestado sa gun-running

NATIMBOG ng mga awtoridad ang isang Chinese national at kasabwat nitong Pinoy sa pagbebenta ng …

DoJ, NUPL

DoJ drug killings review, mapanlito, mapanlinlang — NUPL

MAPANLITO at mapan­linlang ang isinagawang imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) sa 52 insidente ng …

Leave a Reply