Wednesday , November 20 2024

Raul Suscano

Premyadong sharpshooter timbog sa baril at bala (PRO3 PNP vs loose firearms)

gun ban

NALAMBAT sa police operations ang isang premyadong sharpshooter sa pag-iingat ng bultong iba’t ibang mga bala at baril sa isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad nitong Huwebes, 18 Pebrero, sa kanyang tahanan sa bayan ng Lubao, lalawigan ng Pampanga sa pinaiigting na kampanya kontra loose firearms ng PRO3-PNP. Ayon kay P/BGen. Valeriano de Leon, isinilbi ang search warrant (SW) ng mga …

Read More »

Prostitution den sinalakay sa Pampanga 52 kababaihan nailigtas, 5 bugaw timbog

prostitution

NAILIGTAS ang aabot sa 52 kababaihan habang arestado ang limang mga bugaw sa isinagawang pagsalakay sa isang prostitution den ng mga kagawad ng Special Concern Unit (SCU), Anti- Trafficking Task Group RATG), at Mabalacat City Police Station ng PRO3-PNP at DSWD 3 nitong Biyernes, 12 Pebrero, sa Fontana Leisure Park, Clark Free Port Zone, lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga. …

Read More »

Bar sa Angeles City sinalakay 35 dancers nasagip, Koreano, 4 empleyado tiklo

Club bar Prosti GRO

HINDI nadatnan ng mga awtoridad ang operator ngunit arestado ang manager na isang Korean national at apat niyang kasamahan, habang nasagip ang 35 dancers sa ikinasang pagsalakay sa Sensation Gogo Bar sa entertainment district ng Fields Ave., Balibago, sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga. Kinilala ni P/Col. Rommel Batangan ang mga suspek na sina Taekwong Byun, alyas Kevin, Korean …

Read More »

1 patay, courier timbog sa CL sa P6.6-M kush (Kampanyang kontra-krimen)

TINATAYANG P6,600,000 halaga ng bloke-blokeng “kush” ang nakompiska mula sa isang Igorot sa inilunsad na malakihang entrapment operations ng mga awtoridad nitong Huwebes ng madaling araw, 11 Pebrero, sa lungsod ng San Jose, lalawigan ng Nueva Ecija, sa pinaiigting na kam­panya kontra krimi­ni­ladad ng Philippine National Police (PNP) Central Luzon. Ayon sa pahayag ni P/Col. Jaime Santos kay P/BGen. Valeriaro …

Read More »

560-ektaryang lupain sa Clark gagawing protected forest park at watershed

HINIMOK ni Angeles City Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr., ang mga kinatawan ng Clark Water Corporation hinggil sa waste water treatment ng mga investors sa Clark sa kanyang pakipagtalastasan kasama si Governor Dennis “Delta” Pineda, nitong Martes, 9 Pebrero sa Clark Free Port Zone, sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga. Layunin nitong palaguin ang greening campaign ng siyudad upang …

Read More »

12 sugarol tiklo sa NE

NADAKIP ang 12 sugarol kabilang ang walong sabungero sa magkahiwalay na pagsalakay nitong Linggo, 7 Pebrero, sa lungsod ng Gapan at Science City of Muñoz, sa lalawigan ng Nueva Ecija. Ayon sa ulat ni P/Col. Jaime Santos, naaktohan ng mga operatiba ng Gapan city police station ang walong sabungero sa tupada na kinilalang sina Jefferson Velasco, financier; Joselito Catacutan, Rolando …

Read More »

Notoryus na tulak 4 timbog sa drug den (Nasa drugs watchlist ng PDEA 3 at PRO3)

NASUKOL ang limang drug suspects sa ginawang paglusob ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bilang lead unit, Nueva Ecija Police Provincial Police Office, at Cabanatuan Station Drug Enforcement Unit sa minamantinang drug den ng mga suspek sa Villa  Benita Subd., Concepcion, sa lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Lunes ng umaga, 1 Pebrero. Arestado ng …

Read More »

Tulak dedbol, 12 arestado, sa PRO3 manhunt ops

PATAY ang isang hinihinalang tulak habang 12 ang nadakip ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na police operations noong nakaraang Biyernes, 29 Enero, sa lalawigan ng Nueva Ecija. Base sa ulat ni P/Col. Marvin Joe Saro, direktor ng Nueva Ecija Provincial Police Office, kay PRO3 Director P/BGen. Valeriano de Leon, kinilala ang napatay na si alyas Ipe, residente sa lungsod ng …

Read More »

RHB todas sa enkuwentro (Sa PRO3 anti-criminality campaign)

PATAY ang isang hinihinalang miyembro ng Rebolusyunaryog Hukbong Bayan (RHB) sa patuloy na pagpapaigting ng Anti-Criminality Campaign ng PRO3 PNP nitong Biyernes ng gabi, 29 Enero, sa Brgy. Pulong Masle, bayan ng Guagua, lalawigan ng Pampanga. Sa ulat ni P/Col. Thomas Arnold Ibay, Provincial Director ng Pampanga, kinilala ni P/BGen. Valeriano De Leon, PRO3 Director, ang suspek na si Rogelio …

Read More »

Opisyal ng Clark Eco Zone namahagi ng PPE sa PRO3-PNP

MATIKAS na ipinamalas sa ‘trooping the line’ sa iginawad na arrival honor para sa retiradong opisyal na si P/BGen. Manuel Gaerlan (Ret.), President at CEO ng Clark Development Corporation, kasama ang mga opisyal ng PRO3 sa pamumuno ni P/BGen. Valeriano De Leon, sa kanyang unang pagdalaw nitong Lunes, 25 Enero, bilang panauhing pandangal sa traditional flag raising sa Camp Olivas, …

Read More »

PNP naglunsad ng CARE BHW Infodemic, inilarga vs CoVid-19 (Sa Pampanga)

SINUYOD ng mga kagawad ng pulisya ang kanilang mga kinaka­sakupang barangay upang bigyan ng tamang kaalaman ang health workers (BHW) hinggil sa Coronavirus Awareness Response and Empowerment (CARE) infodemic upang maiwasan ang pagkalat ng CoVid-19 sa lalawigan ng Pampanga. Nagsagawa ng pana­yam ang mga kagawad ng Mexico PNP sa pangunguna ni P/Lt. Marlon Imperial at pamumuno ni P/Lt. Col. Angel …

Read More »

4 pulis-gapo, asset timbog sa 300 kg shabu (Shabu lab sa SBMA nabuking)

NASAKOTE ng mga awtoridad ang apat na pulis ng Olongapo City PNP kasama ang kanilang asset na hinihinalang nagbebenta ng ilegal na droga nitong Biyernes ng madaling araw, 15 Enero, na nagresulta sa pagkakabisto ng shabu laboratory sa loob ng Subic Free Port. Sa pahayag ni SBMA Chairman at Administrator Wilma Eisma, naglunsad ng anti-narcotics operation ang pinagsanib na puwersa …

Read More »

3 vendor nahawa ng CoVid-19 Apalit market ini-lockdown

NAKATAKDANG muling buksan ngayong Huwebes, 14 Enero, ang 14 stalls sa Apalit public market, sa lalawigan ng Pampanga, na pansamantalang ipinasara sa loob ng 10 araw simula noong 5 Enero. Ayon kay Glenn Danting, municipal secretary, inilagay sa 10 araw partial lockdown ang pamilihang bayan sanhi ng pagkakaroon ng CoVid-19 ng tatlo kataong nagtitinda sa mga nasabing puwesto. Nilimitahan rin …

Read More »

Magdyowang tulak sa Pampanga nasakote sa buy bust ops

HINDI nakapalag ang magkasintahang hini­hinalang mga tulak na kinilalang sina Danilo Darieles, alyas Dada, 39 anyos; at Rastly Joyce Alfonso, 34 anyos, kapwa residente sa Sta. Lucia, sa bayan ng Sasmuan, lalawigan ng Pampanga. Nasukol ang dalawa nang ma-flat ang gulong ng kanilang getaway car na Mitsubishi Mirage G4, may conduction sticker number B5-P798 dahil sa tama ng bala. Nakompiska …

Read More »

Sa internal cleansing, adik na pulis sibak

BAWAL ang adik na pulis, at sisibakin palabas ng Philippine National Police (PNP) kapag nagpositibo sa drug testing na gumugulong ngayon sa buong puwersa ng Police Regional Office 3. Sinabi ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano De Leon, ito ay bilang pagtalima sa direktiba ng pamunuan ng PNP na magsagawa ng simultaneous random drug testing sa buong kinasasakupan upang matiyak na …

Read More »

Van sumalpok sa trailer truck, titser patay

BINAWIAN ng buhay ang isang guro nang sumalpok ang mina­maneho niyang van sa kasalubong na trailer truck kamakalawa ng gabi, 6 Enero, sa kahabaan ng Jasa Road, San Nicolas, sa bayan ng Lubao, lalawigan ng Pampanga. Sa ulat na isinumite ni P/Lt. Col. Michael John Riego, hepe ng Lubao municipal police station kay Provincial Director P/Col. Arnold Thomas Ibay, kinilala …

Read More »

Police brutality imbestigahan — PNP PRO3 (Sa viral video ng anti-narcotic ops)

PINAIIMBESTIGAHAN ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano De Leon ang sinasabing police brutality na naging viral sa social media hinggil sa naganap na anti-narcotics operation sa New Cabalan, sa lungsod ng Olongapo, noong Linggo, 3 Enero. Inilagay sa floating status ang station commander ng Police Station 4 ng Olongapo City Police Office habang isinailalim sa pagsisiyasat ang naturang kaso dahil sa …

Read More »

Tanod patay sa riding-in-tandem (Health protocols mahigpit na ipinatupad)

dead gun police

PATAY ang isang barangay tanod nang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang mahigpit na nagpapatupad ng safety health protocols sa Brgy. Del Carmen, sa bayan ng Floridablanca, lalawigan ng Pampanga. Sa viral video, makikitang nagmamando ng quarantine checkpoint ang biktimang kinilalang si Joseph Labonera sa nasabing lugar at isa pang kasamang tanod dala ang isang megaphone upang paalalahanan ang mga nagdaraan na …

Read More »

Kawatan timbog, mag-asawa pinagpapalo sa ulo

NAARESTO ang isang magnanakaw ng mga nagrespondeng police patrollers habang itinakbo sa pagamutan ang mag-asawang kanyang pinagpapalo sa ulo nang nakawan ang kanilang tindahan at computer shop noong Sabado ng gabi, 2 Enero, sa bayan ng Sta. Rita, lalawigan ng Pampanga. Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano de Leon ang suspek na si Joven Basera, 24 anyos, walang trabaho, residente …

Read More »

3 bigtime pusher timbog sa P5.4-M shabu sa Pampanga

KALABOSO sa rehas na bakal ang tatlong bigtime pusher matapos malambat sa pinaigting na kampanya kontra droga ng PRO3-PNP nitong Sabado ng gabi, 26 Disyembre, sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga. Sa ulat ni P/Col. Rommel Batangan kay P/BGen. Valeriano de Leon, kinilala ang mga suspek na sina Noraden Ariray, alyas Conan, 18 anyos; Roberto Carbungco, 51 anyos, parehong …

Read More »

2 todas, 5 arestado (Sa buy bust ops sa Nueva Ecija)

PATAY ang dalawa habang lima ang nadakip sa magkahiwalay na anti-narcotics operation sa lalawigan ng Nueva Ecija nitong hanggang nitong Sabado, 12 Disyembre. Ayon kay Central Luzon PNP Director Valeriano “Val” De Leon, nanlaban ang dalawang suspek na kinilalang si alyas Visaya at isang tinutukoy pa ang pagkakakilanlan, sa ikinasang entrapment operation ng San Isidro drug enforcement unit sa pamumuno …

Read More »

DA, mga katutubo sa Morong, Bataan pumirma ng kasunduan

LUMAGDA sa kasunduan ang Department of Agriculture (DA) at Kanawan Magbukon Aeta Community sa bayan ng Morong, sa lalawigan ng Bataan nitong 5 Disyembre na may layuning paunlarin ang bahagi ng kanilang ancestral land upang pasiglahin ang agrikultura. Nilagdaan ang kasunduan nina Agriculture Secretary William Dar; at Chieftain Belinda Restum, at Vice Chieftain Joseph Salonga, kapwa kinatawan ng Kanawan Magbukun …

Read More »

Sugatang pulis sinabitan ng medalya ng CL Top Cop (Dinalaw sa ospital)

PERSONAL na dinalaw sa pagamutan, sinabitan ng medalya ng Sugatang Magiting (PNP Wounded Medal) at pinagkalooban ng tulong pinansiyal ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano “Val” de Leon ang sugatang si P/Cpl. Mark Joseph Tangonan, intel operative ng San Jose City Municipal Police Station sa lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Linggo ng gabi, 6 Disyembre. Pinapurihan ni De Leon ang tapang …

Read More »

Big time pusher tiklo sa buybust P3.4-M shabu kompiskado

TIMBOG sa entrapment operation ang suspek na kinilalang si Jayson Crisostomo, 27 anyos, residente sa lungsod ng Navotas, sa buy bust operation na ikinasa ng pinagsanib na puwersa ng PDEA 3, PDEA 4-A, at PDEA 1 sa kahabaan ng McArthur Highway, Balibago, sa lungsod ng Angeles, sa lalawigan ng Pampanga, nitong Miyerkoles ng gabi, 2 Disyembre. Ayon kay PDEA Director …

Read More »