Thursday , June 13 2024

PNP naglunsad ng CARE BHW Infodemic, inilarga vs CoVid-19 (Sa Pampanga)

SINUYOD ng mga kagawad ng pulisya ang kanilang mga kinaka­sakupang barangay upang bigyan ng tamang kaalaman ang health workers (BHW) hinggil sa Coronavirus Awareness Response and Empowerment (CARE) infodemic upang maiwasan ang pagkalat ng CoVid-19 sa lalawigan ng Pampanga.

Nagsagawa ng pana­yam ang mga kagawad ng Mexico PNP sa pangunguna ni P/Lt. Marlon Imperial at pamumuno ni P/Lt. Col. Angel Bondoc sa mga barangay ng Parian at San Vicente dakong 9:00 am nitong Martes, 19 Enero.

Sumabay rin ang Guagua municipal police station sa pamumuno ni P/Lt. Col. Julius Javier na sinadya ang Brgy. San Rafael samantala nagtu­ngo sa Sto. Tomas ang Sasmuan PNP sa pangu­nguna nina P/SSgt. Michelle Parian at Pat. Jeric Maron, sa pamu­muno ni P/Maj. Jimmy Malonzo.

Sama-samang tinipon ang barangay council, Barangay Peace Keeping Action Team (BPATs), Force Multipliers at miyembro ng mga Kabataang Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) bilang kalahok sa nasabing aktibidad.

Kamakailan ay isina­ilalim sa CARE Infodemic seminar ang mga pulis sa Central Luzon upang mabigyan ng wastong imporma­syon sa CoVid-19 at maipalaganap sa kani­lang area of responsibility (AOR).

Namigay rin ang pulisya ng facemasks, face shield, alkohol at mga pagkain sa mga dumalo sa pagpu­pulong.

(RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

DOST assists Damugu sudsud weavers in Talakag, Bukidnon

DOST assists Damugu sudsud weavers in Talakag, Bukidnon

The Department of Science and Technology Regional Office X recently made strides in its mission …

Eye Mo Moist ken chan

Eye Mo Moist: A must-have item during Silent Outbreak Dry Eye Disease (DED)

Dry eyes disease (DED) is currently emerging as a rapidly spreading but unnoticed epidemic. It …

Puregold CinePanalo

Sa pagbabalik ng Puregold CinePanalo:
7 FULL-LENGTH TATANGGAP NG P3-M GRANT

ITINODO pa ng supermarket chain na Puregold ang adbokasiyang kampanya nito–ang Puregold CinePanalo Film Festival, sa pamamagitan ng paghahandog …

Komisyon sa Wikang Filipino nakiisa sa Mental Health Awareness Month

Komisyon sa Wikang Filipino, Nakiisa sa Mental Health Awareness Month

Bilang pakikiisa ng Komisyon sa Wikang Filipino sa Mental Health Awareness Month, isinagawa ang Mental …

Philippines-China award, a flagship of friendship

Philippines-China award, a flagship of friendship

SIX outstanding Filipinos were honored Friday night as the 2024 laureates of the Awards for …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *