Friday , June 14 2024

Sugatang pulis sinabitan ng medalya ng CL Top Cop (Dinalaw sa ospital)

PERSONAL na dinalaw sa pagamutan, sinabitan ng medalya ng Sugatang Magiting (PNP Wounded Medal) at pinagkalooban ng tulong pinansiyal ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano “Val” de Leon ang sugatang si P/Cpl. Mark Joseph Tangonan, intel operative ng San Jose City Municipal Police Station sa lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Linggo ng gabi, 6 Disyembre.

Pinapurihan ni De Leon ang tapang at tatag na ipinakita ni Tangonan sa kanyang pagganap sa tungkulin bilang parte ng anti-narcotics operative sa isinagawang entrapment operation sa Sto. Niño 1st, umaga ng 6 Disyembre sa nasabing lugar.

Nauwi ito sa shootout at nagresulta sa pagkamatay ng mga suspek na sina Bryan Leonile Dris, top 3 sa most wanted drug personalities sa regional level ng Procor; at Hymer Leung, top listed drug personality ng lungsod ng Baguio, habang nakatakas ang isa pang kasamahan ng mga suspek na tinutugis sa follow-up operation. (RAUL SUSCANO)

 

 

About Raul Suscano

Check Also

DOST assists Damugu sudsud weavers in Talakag, Bukidnon

DOST assists Damugu sudsud weavers in Talakag, Bukidnon

The Department of Science and Technology Regional Office X recently made strides in its mission …

Eye Mo Moist ken chan

Eye Mo Moist: A must-have item during Silent Outbreak Dry Eye Disease (DED)

Dry eyes disease (DED) is currently emerging as a rapidly spreading but unnoticed epidemic. It …

Puregold CinePanalo

Sa pagbabalik ng Puregold CinePanalo:
7 FULL-LENGTH TATANGGAP NG P3-M GRANT

ITINODO pa ng supermarket chain na Puregold ang adbokasiyang kampanya nito–ang Puregold CinePanalo Film Festival, sa pamamagitan ng paghahandog …

Komisyon sa Wikang Filipino nakiisa sa Mental Health Awareness Month

Komisyon sa Wikang Filipino, Nakiisa sa Mental Health Awareness Month

Bilang pakikiisa ng Komisyon sa Wikang Filipino sa Mental Health Awareness Month, isinagawa ang Mental …

Philippines-China award, a flagship of friendship

Philippines-China award, a flagship of friendship

SIX outstanding Filipinos were honored Friday night as the 2024 laureates of the Awards for …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *