Thursday , December 26 2024

Hataw

Duterte sa kuko ni Banayo

KUNG tunay ang programang isinusulong ni Davao City Mayor Rodrigo   Duterte laban sa katiwalian, bakit nasa kampo niya ngayon ang isang taong may kinalaman sa rice smuggling at may kasong graft sa Ombudsman? Ang tinutukoy natin ay si dating National Food Authority administrator Lito Banayo na kasalukuyang  political strategist ni Duterte. Si Banayo ay kinasuhan ng National Bureau of …

Read More »

Roxas, PNP kumilos para sa biktima ni Ineng

HINDI nagpapatinag si DILG Secretary Mar Roxas sa patuloy niyang pagtatrabaho kahit naendorso na ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III para maging kandidato ng administrasyon para sa pampanguluhan sa 2016. Kahapon ay namataan sa headquarters ng NDRRMC sa Camp Aguinaldo ang kalihim kasama ang iba pang miyembro ng Gabinete na sina Defense Secretary Voltaire Gazmin, Social Welfare Secretary Dinky Soliman …

Read More »

14 patay kay Ineng

UMAKYAT na sa 14 ang namatay sa pagbayo ng bagyong “Ineng” sa Hilagang Luzon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Sinabi ni NDRRMC Executive Director Alexander Pama, pinakahuling nadagdag sa tala ang tatlong nerekober mula sa landslide sa Mankaya, Benguet, at isang nalunod sa Bontoc, Mountain Province. Kabilang sa death toll ang siyam biktima ng landslide …

Read More »

Tuso si Erap

HINDI dapat umasa at magpabola ang mga presidentiables na sina Vice President Jojo Binay, Interior Sec. Mar Roxas at Sen. Grace Poe na may malaking boto silang makukuha sakaling sila ang mapiling iendorso ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada sa darating na halalan. Alam ni Erap na umaasa ang tatlong presidential aspirant na isa sa kanila ang kanyang babasbasan sa …

Read More »

2 patay, 3 sugatan sa motorsiklo vs tricycle sa La Union

LA UNION – Idineklarang dead on arrival sa La Union Medical Center sa bayan ng Agoo ang dalawang biktimang magkakaangkas sa motorsiklo makaraan makasalpukan ang isang tricycle sa Brgy. Damortis, bayan ng Sto. Tomas kamakalawa. Kinilala ang mga biktimang namatay na si Allan Marquez, 35, residente ng Brgy. Bael, Sto. Tomas, at ang backride niyang si Degracias. Samantala, sugatan ang …

Read More »

2 Pinoy nurses nahawa sa MERS sa Saudi – DFA

KINOMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dalawang Filipino nurses ang kabilang sa panibagong positibo sa sakit na Middle East Respiratory Syndrome (MERS) sa Saudi Arabia. Ayon kay DFA spokesman Charles Jose, kasalukuyang nasa intensive care ng isang ospital sa Saudi ang dalawang kababayan. Tiniyak ng hospital management sa Philippine embassy na tinutugunan ang pangangailangang medikal ng dalawang Filipino. …

Read More »

8 Heavy equipments sinunog ng rebels sa Davao de Sur

DAVAO CITY – Walong heavy equipments ang sinunog ng hinihinalang mga kasapi ng New People’s Army (NPA) dakong 7 p.m. kamakalawa. Dalawa sa heavy equipments ang sinunog sa Coronon, Sta. Cruz, Davao del Sur na kinabibilangan ng isang backhoe at isang grader. Samantala, sa Tagabuli, sa bayan pa rin ng Sta. Cruz, Davao del Sur, isang crane na may jack …

Read More »

4 bilanggo sa SoCot jail bigong pumuga

KORONADAL CITY- Apat bilanggo sa South Cotabato Provincial Jail sa Brgy. GPS, lungsod ng Koronadal ang nagtangkang tumakas sa pamamagitan ng pagtalon sa mataas na bakod ng nasabing piitan pasado 10 a.m. kahapon ngunit nabigo sila. Dalawa sa nagtangkang tumakas ay kinilalang sina Jeffrey Cabrera, residente ng bayan ng Polomolok, may kasong robbery, at Jonathan Camdong, residente ng Maguindanao, nakompiskahan …

Read More »

Konsehal, 13 pa sugatan sa truck vs van

CAGAYAN DE ORO CITY – Umabot sa 14 katao ang sugatan, kabilang ang isang municipal councilor makaraan salpukin ng Bongo truck ang isang Toyota Hi-Lux sa national highway ng Gitagum, Misamis Oriental kamakalawa. Inihayag ni Gitagum Police Station commander, Senior Insp. Nerfie Daganato, mula Lanao del Norte at papuntang Bukidnon ang cargo truck na minamaneho ng isang Robesper Udar nang …

Read More »

2 bata, tiyahin 1 pa nilapa ng asong ulol (Sa Aklan)

KALIBO, Aklan – Apat katao kabilang ang dalawang batang magkapatid ang magkakasunod na nilapa ng isang naulol na aso sa Brgy. Agmailig, Libacao, Aklan kamakalawa. Ang mga biktima ay kinilalang sina Renz Valencia, 12, at Mary Joy Valencia, 10, gayondin ang kanilang tiyahin na si Mylene Villorente, 38, at Danny Zoleta, 48, isang magsasaka, pawang mga residente sa naturang lugar. …

Read More »

2 frat member habambuhay sa hazing

WALA nang lusot sa habambuhay na pagkabilanggo ang dalawang brod ni Vice President Jejomar Binay sa Alpha Phi Omega (APO) fraternity na hinatulan ng mababang hukuman dahil sa pagkamatay ng isang estudyante ng University of the Philippines Los Baños, na si Marlon Villanueva sa hazing noong 2006. Ito ay makaraan pagtibayin ng Kataas-taasang Hukuman ang hatol na ipinataw ng Calamba Laguna …

Read More »

Aktibistang brodkaster patay sa ambush

LEGAZPI CITY – Iniimbestigahan ng mga awtoridad kung may kinalaman ba sa trabaho ang motibo sa pagpatay sa isang human rights activist at radio broadcaster sa Sorsogon kamakalawa. Ang biktima ay kinilalang si Teodoro “Tio Todoy” Escanilla ng Brgy. Tagdon, Barcelona, at tagapagsalita ng grupong Karapatan Sorsogon Chapter. Ayon kay Senior Supt. Ronaldo Cabral, director ng Sorsogon Police Provincial Office, base …

Read More »

Kris bad vibes kay Chiz

TILA nabasag na ang katahimikan ni presidential sister at “Queen of All Media” Kris Aquino sa isyu ng pulitika sa nalalapit na 2016. Mapapansing tahimik lang si Kris mula inendorso ng kanyang kapatid na si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III si Interior Secretary Mar Roxas para maging kandidato ng administrasyon. Marami ang nagsasabing pro-Grace Poe si Kris, na ikinampanya niya noong …

Read More »

Binay mumultuhin ng ‘ghost senior citizens’

HABANG tumatagal ay lalong nalulubog  ang presidential frontrunner na si Vice President Jojo Binay dahil sa walang humpay na mga kontrobersiya na kanyang kinasasadlakan. Kahapon, lumutang ang panibahong pasabog laban sa bise president sa ginanap na public hearing ng Senate blue ribbon subcommittee. Ang isyu naman ngayon sa kanya ay hinggil sa “ghost senior citizens” na patuloy na tumatanggap ng …

Read More »

4 rape suspects sa Lanao itinumba?

INIIMBESTIGAHAN ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang pagkamatay ng apat na mga suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang dalagita sa Marawi City, Lanao del Sur.  Agosto 14 nang matagpuan ang bangkay ng 15-anyos Maranao sa loob ng kanilang nasunog na bahay sa Brgy. Maito Basak.  Isang araw makaraan ang krimen, inabisohan ng ilang sibilyan ang pulisya …

Read More »

Paslit patay, 5 naospital sa kamoteng kahoy (Sa North Cotabato)

KIDAPAWAN CITY – Binawian ng buhay ang 4-anyos batang lalaki habang limang iba pa ang naospital makaraan kumain ng kamoteng kahoy sa lalawigan ng Cotabato kamakalawa. Kinilala ang biktimang namatay na si Mama Payag habang naospital ang kanyang mga magulang na sina Edris Payag at Tingga Payag, gayondin ang iba pang mga anak ng mag-asawa na sina Alibai, 3; Asarapia, 6, …

Read More »

Erice: Sino makikinabang kung matanggal si Poe?

NAGBIDA si Senador Francis ‘Chiz’ Escudero na aalamin niya kung sino ang nasa likod ng natalong senatoriable na si Rizalito David, na nagsampa ng kaso sa Senate Electoral Tribunal (SET) laban sa pagkapanalo ni Sen. Grace Poe nung 2013. Sinasabi ni David na hindi dapat nakaupo sa Senado si Poe dahil diskwalipikado sa isyu ng citizenship.  “Sino ba ang nagtulak …

Read More »

Isyu ng Torre de Manila haharapin ko — Lim

TINIYAK ni dating Manila Mayor Alfredo Lim na haharapin niya ang mga kaso kaugnay sa ibinigay na permit kaya naitayo ang kontrobersiyal na Torre de Manila condominium na tinaguriang ‘pambansang photobomber.’ Sa ginanap na ika-apat na oral argument sa petisyon ng Knights of Rizal laban sa konstruksiyon ng Torre de Manila, nagpahiwatig si Supreme Court Associate Justice Francis Jardeleza na …

Read More »

14-anyos totoy nagbigti (Nakipag-away sa utol dahil sa bigas)

TUGUEGARAO CITY – Nagbigti ang isang 14-anyos binatilyo makaraan makipagtalo sa nakatatandang kapatid dahil sa bigas na kinuha ng biktima sa kanilang tiyuhin sa Sta. Ana, Cagayan kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Ian Jay Benavidez, residente ng Brgy. Centro sa naturang lugar, at trabahador sa farm ng kanilang tiyuhin. Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon nang mainitang pagtatalo ang biktima …

Read More »

Bad spirits sa pinutol na puno sumanib sa 11 teens

CAGAYAN DE ORO CITY – Naalarma ang Department of Education (DepEd) Schools Division ng Misamis Oriental hinggil sa ilang mag-aaral ng sekondarya na sinasabing sinanipian masamang espiritu. Ayon sa ulat, sinapian ang 11 mag-aaral na pawang babae, ng bad spirits makaraan putulin ang mag-aapat dekada nang malaking punongkahoy ng Talisay sa loob ng Baliwagan National High School ng Balingasag sa …

Read More »

Ineng signal no. 2 sa Batanes at Cagayan

NAPANATILI ng Bagyong Ineng ang kanyang lakas habang papalapit sa pinakataas na bahagi ng Hilagang Luzon.  Batay sa pinakahuling weather bulletin na inilabas ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong11 a.m. nitong Miyerkoles, itinaas ang Signal No. 2 sa Batanes Group of Islands at Cagayan kasama ang Calayan at Babuyan Group of Islands.  Habang nakataas ang Signal …

Read More »

Enrile babalik bilang Senate minority leader

KINOMPIRMA ni Senate President Franklin Dirlon na babalik bilang minority leader si Sen. Juan Ponce Enrile sa oras na bumalik sa kanyang trabaho sa Senado makaraan payagan ng Korte Suprema na makapagpiyansa sa kanyang kasong plunder sa Sandiganbayan. Ayon kay Drilon, naging acting minority leader lamang si Sen. Tito Sotto nang makulong si Enrile kaya’t babalik siya bilang minority leader. …

Read More »

PH eagle Pamana utas sa boga

PATAY makaraan barilin ang Philippine eagle na si Pamana sa Davao Oriental. Kinompirma ito ni Dennis Salvador ng Philippine Eagle Foundation. Natagpuang patay si Pamana noong Agosto 16, isang kilometro mula sa Brgy. San Isidro sa nasabing probinsya, kung saan ito pinalaya noong Hunyo 12, Independence Day. Base sa necropsy, ang 3-anyos agila ay may tama ng bala sa kanang …

Read More »

9 opisyal ng state university sinibak (Sa Bulacan Madlum river tragedy)

SINIBAK sa puwesto ang siyam matataas na opisyal ng Bulacan State University (BSU) makaraan ibaba ng Office of the Ombudsman ang hatol na guilty sa kasong administratibo kaugnay sa pagkamatay ng pitong tourism students sa Madlum River sa San Miguel, Bulacan noong Agosto 19, nakaraang taon. Batay sa 12 pahinang desisyon ng Ombudsman, guilty sa kasong grave misconduct at gross …

Read More »

Enrile pinayagan mag-piyansa

PINAYAGAN si Senador Juan Ponce-Enrile ng Korte Suprema na makapaghain ng piyansa para sa kinakaharap na kasong plunder kaugnay sa multi-bilyong pork barrel scam.  Sa botong 8-4, pinaboran ng mayorya ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang P1 milyong piyansa kapalit ng pansamantalang kalayaan ng senador.  Bukod sa argumentong mahina ang mga ebidensya laban sa kanya, iginiit ng batikang politiko …

Read More »