Tuesday , December 3 2024

14 patay kay Ineng

UMAKYAT na sa 14 ang namatay sa pagbayo ng bagyong “Ineng” sa Hilagang Luzon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sinabi ni NDRRMC Executive Director Alexander Pama, pinakahuling nadagdag sa tala ang tatlong nerekober mula sa landslide sa Mankaya, Benguet, at isang nalunod sa Bontoc, Mountain Province.

Kabilang sa death toll ang siyam biktima ng landslide sa Mountain Province at Benguet at isang natumbahan ng puno sa Ilocos Norte.

Labing-isa ang nasugatan sa kalamidad habang tatlo pa ang nawawala.

Ilang barangay sa Ilocos Sur isolated sa baha

NAGING ‘isolated’ ang ilang lugar sa Ilocos Sur dahil sa pagbahang dulot ng bagyong Ineng.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), kabilang dito ang mga barangay ng Puro, Pantay-Tamurong at Villamar sa bayan ng Caoayan.

Sa bayan ng Santa, isolated din ang mga barangay ng Rancho, Casiber, Oribi, Dammay at Calungboyan dahil sa pagbaha nang umapaw ang Ilocos-Abra River.

Umaapela ng pagkain ang mga residente roon kaya binalak maghatid ng relief goods gamit ang helicopter ngunit naudlot dahil masungit pa rin ang panahon.

Tiniyak ni DSWD Secretary Dinky Soliman na patuloy na susubuking magpadala ng karadagang food packs sa lalawigan.

Sa ngayon, hindi na rin madaanan ang Narvacan Road patungong Abra dahil sa baha, gayondin ang kalsada sa Brgy. Banaoang, Santa dahil sa landslide.

Idineklara na ni Governor Ryan Singson ang suspensiyon ng klase sa lahat ng antas ngayong Lunes, Agosto 24.

Ilocos Norte nasa State of Calamity

LAOAG CITY – Pormal nang idineklara ang state of calamity sa buong lalawigan ng Ilocos Norte dahil marami ang nasira sa paghagupit ng bagyong Ineng.

Pumabor ang lahat ng mga kasapi ng Sangguniang Panlalawigan na dumalo sa kanilang special session kahapon na kinabibilangan ni Vice Gov. Angelo Marcos Barba.

Pangunahing layunin ng pagdeklara ng state of calamity ay upang magamit ang calamity fund dito sa lalawigan sa rehabilitasyon ng mga nasirang proyekto at para sa relief operations.

Ipinahayag ng bise gobernador na ipadadala nila ang nasabing resolusyon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong araw upang humingi ng karagdagang tulong pinansyal.

Samantala, inihayag ni Provincial Treasurer Josephine Calajate, masisimulan na sa mga darating na araw ang rehabilitasyon sa mga nasirang proyekto sa paghagupit ng bagyong Ineng sa Ilocos Norte gamit ang calamity fund.

Signal No. 3 sa North Luzon inalis na

SIGNAL number 1 at 2 na lamang ang umiral kahapon ng umaga sa Northern Luzon, at tinanggal na ng Pagasa ang signal number 3 dahil sa patuloy na paglayo ng bagyong Ineng.

Huling nakita ang sentro ng bagyo sa layong 265 km hilagang silangan ng Basco, Batanes.

 Taglay nito ang lakas ng hangin na 140 kph at may pagbugsong 170 kph.

Kumikilos na ang bagyo sa bilis na 17 kph patungo sa pahilaga-hilagang silangang direksyon.

Umiiral ang signal number 2 sa Batanes Group of Islands.

Habang nananatili ang signal number 1 sa Calayan at Babuyan Group of Islands.

Mag-utol tinangay ng alon, 1 nalunod

BATANGAS – Nalunod ang isang 32-anyos lalaki habang ang kanyang kapatid ay nasagip makaraan tangayin nang malakas na alon habang naliligo sa dagat sa Calatagan kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Chief Inspector Jose Badilla ang nalunod na si Hervyne Gerald Gaoile ng Malanday, Valenzuela City. Habang nasagip ang kapatid niyang si Hervyne Gil, 27-anyos.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang magkapatid ay nagpasyang maligo sa Burot Beach sa Brgy. Tanagan sa kabila nang masamang panahon.

Ngunit biglang tinangay nang malakas na alon ang magkapatid.

Si Hervyne Gil ay nasagip ng resort owner na si Ramon Veciral at ng mga security guards.

Gayonman, si Hervyne Gerald ay natagpuang wala nang buhay nitong Sabado ilang metro ang layo mula sa resort.

About Hataw

Check Also

P1.3-M ismagel na yosi nasabat sa checkpoint

P1.3-M ismagel na yosi nasabat sa checkpoint

SA PUSPUSAN at maigting na pagpapatupad ng 24/7 checkpoints sa lahat ng panig ng Gitnang …

Arvin Lulu Mommy Lerms Lerma Lulu skin care online sellers

Miyembro ng gun-for-hire
‘MIDDLEMAN’ SA PAGPASLANG SA MAG-ASAWANG ONLINE SELLER ARESTADO

NAARESTO ang isang miyembro ng gun-for-hire group at itinuturong ‘middlemen’ sa brutal na pagpatay sa …

Pandi Bulacan HISTORICAL TOURIST SITE TINANGKANG HUKAYIN 10 ILLEGAL MINERS ARESTADO

Sa Bulacan  
HISTORICAL TOURIST SITE TINANGKANG HUKAYIN 10 ‘ILLEGAL MINERS’ ARESTADO

SAMPUNG indibiduwal ang inaresto ng pulisya matapos maaktohan na tinatangkang hukayin ang bakod at concrete …

Rida Robes

Cong. Rida nanawagan para sa imbentaryo ng waterways, sagabal ipinatatanggal

NANAWAGAN si San Josedel Monte City Lone District Representative Rida Robes sa pambansang pamahalaan na …

Makati Police

Sa pagtaas ng kriminalidad sa Metro Manila
MAS MARAMING PULIS SA MAKATI PANAWAGAN NI SENATOR NANCY

NANAWAGAN si Senador Nancy Binay noong Biyernes kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *