Monday , September 9 2024

Duterte sa kuko ni Banayo

EDITORIAL logoKUNG tunay ang programang isinusulong ni Davao City Mayor Rodrigo   Duterte laban sa katiwalian, bakit nasa kampo niya ngayon ang isang taong may kinalaman sa rice smuggling at may kasong graft sa Ombudsman?

Ang tinutukoy natin ay si dating National Food Authority administrator Lito Banayo na kasalukuyang  political strategist ni Duterte. Si Banayo ay kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Ombusdman ng graft dahil sa kaugnayan umano sa kuwestiyonableng rice importation program ng NFA noong siya ay nakaupo pa rito.

Sinasabing si Banayo ang nagbigay sa mga piling rice importer,  kabilang na si David Bangayan, isang big-time smuggler, ng legal cover para sa importasyon ng bigas gamit bilang front ang mga koopera-tiba ng mga magasasaka.

Mukhang nabobola ni Banayo si Duterte.  Alam kaya ni Duterte na nag-aalaga siya ng buwaya sa loob ng kanyang grupo?  Sino pa ang maniniwala kay Duterte sa kanyang programang isinusulong tulad ng  peace and order at paglaban sa katiwalian kung mismong si Banayo na nahaharap sa kasong graft ay hindi niya kayang sibakin?

Nasaan na ang kamay na bakal ni Duterte?  Nasaan na ang sinasabing lalaba-nan niya ang rice smuggling sa bansa?

Yawa, way kamo upay!

About Hataw

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *