Wednesday , September 11 2024

Paslit patay, 5 naospital sa kamoteng kahoy (Sa North Cotabato)

KIDAPAWAN CITY – Binawian ng buhay ang 4-anyos batang lalaki habang limang iba pa ang naospital makaraan kumain ng kamoteng kahoy sa lalawigan ng Cotabato kamakalawa.

Kinilala ang biktimang namatay na si Mama Payag habang naospital ang kanyang mga magulang na sina Edris Payag at Tingga Payag, gayondin ang iba pang mga anak ng mag-asawa na sina Alibai, 3; Asarapia, 6, at Ali, 8, pawang mga residente ng Sitio Humalon, Brgy. Gli-Gli, Pikit, North Cotabato.

Ayon sa kapitbahay ng mga biktima na si Muslima La, isang midwife sa Cruzado Hospital, nakabili ng kamoteng kahoy ang ama ng mga biktima sa pamilihang bayan ng Midsayap, Cotabato.

Niluto ng pamilya ang nabiling kamoteng kahoy at kinain sa kanilang hapunan.

Makalipas ang isang oras ay nakaranas ng sobrang sakit ng tiyan, nagsuka, nag-LBM at nahilo ang mga biktima.

Agad binawian ng buhay si Mama dahil hindi nakayanan ang sobrang sakit ng kanyang tiyan at LBM.

Habang ang ibang mga biktima ay isinugod sa Cruzado Medical Hospital sa bayan ng Pikit at patuloy na inoobserbahan ng mga doktor.

Nakatakdang isailalim sa laboratory test ang kinain ng mga biktima na posibleng nahaluan ng wild kamoteng kahoy.

About Hataw

Check Also

Cebu

Cebu mayor Rama pumalag vs pagpapakalat ng maling info ng isang opisyal ng lungsod

MARIING kinondena ng kampo ni Cebu Mayor Michael Rama ang ipinapakalat na balita ng isang …

Quiboloy sumuko

Sa 24-oras ultimatum ng PNP
QUIBOLOY, 4 PA SUMUKO

IMBES arestohin, binigyan ng pagkakataong sumuko ng mga awtoridad ang puganteng pastor na si Apollo …

Dragon Lady Amor Virata

Alice Guo feeling artista

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMI ang nakapuna nang matagpuan ang kinaroroonan ng sinibak …

Arrest Posas Handcuff

Sa Bacolod
Lalaki nang-hostage ng sariling pamilya, sinakote ng pulisya

ARESTADO ang isang 38-anyos lalaki matapos bihagin ang kaniyang sariling pamilya sa bahay ng kaniyang …

SSS Cellphone

SSS nangakong magbibigay ng social security protection sa mga barangay official

ITINULAK ni Social Security System (SSS) President at Chief Executive Officer Rolando Macasaet ang pagiging …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *