HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma upang maging mas epektibo at makatao ang proseso ng pagboto, lalo para sa mga guro na nagsisilbing poll workers. “‘I-simplify’ lang talaga: more schools, more teachers, more machines, and less hours,” pahayag ni Cayetano sa isang interview matapos bumoto nitong 12 Mayo sa Bagumbayan, City …
Read More »
Sa utos ni PBBM
DBM SEC. PANGANDAMAN APRUB SA MAS MATAAS NA HONORARIA PARA SA MGA GURO, POLL OFFICERS
MASAYANG ibinalita ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman, batay sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., inaprobahan ng kanilang ahensiya ang P2,000 across the board increase sa honoraria ng mga teacher at iba pang poll workers na magsisilbi ngayong 12 Mayo 2025 national and local elections (NLE). “As directed by our beloved President …
Read More »Bagong Henerasyon (BH) pasok sa winning cricle ng SWS survey
HALOS nakatitiyak na ang Bagong Henerasyon (BH) Partylist ng isang puwesto sa Kongreso base sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), nagpapakita ng patuloy na pagdami ng nakukuhang suporta sa mga botante ilang araw bago ang eleksiyon. Nakakuha ang grupo ng voter preference rating na 0.80 percent para mapabilang sa mga nangungunang partylist groups na halos nakatitiyak na ng …
Read More »INC inendoso si Bong Revilla
NAGPASALAMAT si Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., nitong Huwebes, 8 Mayo, sa Iglesia Ni Cristo (INC) at sa kanilamg Executive Minister Eduardo V. Manalo sa pag-endoso sa kanyang kandidatura sa Senado. Sa kanyang Facebook Live post, nagpasalamat nang marami si Bong Revilla sa INC habang nangangako na ipagpapatuloy ang pagsisilbi sa mamamayan nang higit na may alab. “Maraming salamat po …
Read More »
Mga sangkot sa road rage
‘KAMOTE’ DRIVERS BAWIAN NG LISENSIYA — ESCUDERO
INIREKOMENDA ni Senate President Francis “Chiz” Escudero sa pamahalaan partikular sa Land Transportation Office (LTO) na bawiin ang mga lisensiya imbes suspendehin ang mga iresponsableng driver na nasasangkot sa mga road rage at iba pang vehicular crashes bilang disiplina. Ipinunto ni Escudero, naging usong content sa social media ang video ng mga ‘kamote’ drivers pero sa totoo lang ay hindi …
Read More »
EMBO gov’t owned facilities muling iginawad sa Taguig LGU
TRO laban sa Makati LGU desisyon ng RTC
NAGLABAS ang Taguig Regional Trial Court (RTC) ng temporary restraining order (TRO) na nag-uutos sa pamahalaang lungsod ng Makati na agarang payagan ang lungsod ng Taguig na magamit at makontrol ang mga government-owned facilities sa lahat ng EMBO barangays. Ang TRO ay inilabas nitong 5 Mayo batay sa utos ni Executive Judge Loralie Cruz Datahan ng RTC-Taguig, para ipatupad ang …
Read More »Gatchalian: DILG hinimok bumuo ng local literacy councils para sa mas epektibong literacy programs
NANAWAGAN si Senador Win Gatchalian sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na atasan ang local government units (LGUs) na magtatag ng mga lokal na literacy coordinating councils para sa pagpapatupad ng mga epektibong programa sa literacy o kakayahang magbasa, sumulat, at magbilang. Binigyang-diin ng mambabatas ang mahalagang papel ng mga LGU sa paglaban sa illiteracy, tulad aniya …
Read More »Taguig ‘di tinanggihan naudlot na P200-B Makati subway project — Cayetano
BINIGYANG-LINAW ni Senador Alan Peter Cayetano na kailanman ay hindi tinanggihan ng pamunuan ng Taguig City ang iniatras na P200 bilyong pisong Makati City subway project. Ayon kay Cayetano, sa kanyang pagtatanong sa lungsod sa ilalim ng liderato ng kanyang asawang si Taguig Mayor Lani Cayetano, kailanman ay hindi kinunsulta ang lungsod sa nabanggit na proyekto. “To clarify, I checked …
Read More »
PAMILYA KO PARTYLIST TANGGAP MAGIGING RESULTA NG HALALAN
Pananatiling pasok sa survey ipinagpasalamat
HANDA ang Pamilya ko Partylist sa magiging resulta ng halalan sa 12 Mayo 2025. Ito ang tahasang sinabi ni Atty. Anel Diaz, 1st nominee ng partylist, sa pananatiling pasok sila sa survey pero noong simula ay wala sila sa winning circle. Ayon kay Diaz, lubha silang nagpapasalamat sa grupo dahil nakikita ng tao ang kanilang pagsisikap at nauunawaan ng taong …
Read More »
Swak sa Article 7
SARA ‘SIRA’ — KAPUNAN
NANINIWALA si Atty. Lorna Kapunan, seguradong mako-convict si Vice President Sara Duterte sa isinampang impeachment complaint laban sa kanya dahil sa pagiging ‘lutang’ sa kanyang mga sinasabi at ginagawi. Ayon kay Kapunan, malabong malusutan ni VP Sara ang nakapaloob sa Article 7 ng impeachment complaint — “The totality of respondent’s conduct as Vice President…” — na aniya’y mistulang laging lutang …
Read More »3-araw ‘Graffiti Mural Arts Festival’ tagumpay sa Taguig
MATAGUMPAY na nairaos ng lungsod ng Taguig ang ikatlong taon ng Meeting of Styles (MOS) sa loob ng tatlong araw sa TLC Park C6 na nagpakita ng pinakamalaking pagdaraos ng ‘graffiti mural arts festival’ sa layuning mapaunlad ang ugnayan ng mga alagad ng sining sa buong mundo. Malugod na binati nina Mayor Lani Cayetano at kabiyak na si Senator Alan …
Read More »Bong Revilla nakipamuhay sa Mindanao panalo tiniyak sa makasaysayang baluwarte
SA LOOB ng dalawang linggo bago ang midterm elections ngayong Mayo 2025, muling pinatunayan ni re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., kung bakit nananatiling matibay na baluwarte niya ang Mindanao habang nilibot niya ang ilang lalawigan sa iba’t ibang rehiyon nitong 28-29 Abril. Sa kanyang pagbisita sa Lanao del Norte, Sarangani, Bukidnon, at Davao del Sur, sinalubong si Revilla ng …
Read More »“Labor Commission” isinusulong sa senado
IMINUNGKAHI ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkoles ang pagbuo ng isang national labor commission na magsasama-sama sa kongreso, ehekutibo, at labor stakeholders para isulong ang pangmatagalang reporma upang mapabuti ang buhay ng mga manggagawang Filipino. Sa panayam ng mga mamamahayag sa Senado kahapon, 30 abril 2025, binigyang diin ni Cayetano ang pangangailangan ng mas malawak at koordinadong tugon sa …
Read More »P1-M pabuya alok ng ABP Partylist laban sa gunman, utak sa pagpaslang kay Bacud
NAG-ALOK ng halagang P1 milyon ang Ang Bumbero ng PIlipinas (ABP) Partylist sa makapagbibigay ng impormasyon ukol sa utak ng pagpatay kay Chairman Lenin Bacud, 3rd nominee ng partido. Ayon kay Dr. Jose Antonio “Ka Pep” Ejercito Goitia himihingi sila ng katarungan sa sinapit ng kanilang kasama na siyang tunay na founder ng partido at tunay na isang bombero. Hindi …
Read More »
Kapag hindi nakalusot sa Comelec
Deskalipikasyon vs Sandoval posible
NANGANGANIB na madeskalipika o malagay sa bingit ng alanganin ang kandidatura ni Malabon re-electionist Jeannie Sandoval kung mabibigong malusutan ang inilabas na show cause order ng Commission on Elections (Comelec) matapos mapabiliang ang kanyang pangalan sa inilabas na listahan ng mga dapat magpaliwanag kaugnay ng vote buying. Batay sa inilabas na dokumento ng Comelec, si Sandoval ay inakusahan ng vote …
Read More »
Anak ng Mahirap at Batang Maynila
Manny Pacquiao at Isko Moreno nagsanib-puwersa sa kampanya
BASECO, MAYNILA — Nagsanib-puwersa si senatorial candidate Manny Pacquiao, na kilala bilang “Anak ng Mahirap” at si dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ang “Batang Maynila” sa kampanya sa Baseco at Sta. Ana, Maynila. Ipinahayag ni Moreno, tumakbo bilang pangulo noong 2022, ang kanyang buong suporta sa pagbabalik ni Pacquiao sa Senado. Ito na ang ikalawang pagkakataon na isang …
Read More »
Ebidensiyang hawak malakas — Colmenares
PROSEKUSYON KOMPIYANSA, VP SARA TALSIK SA PUWESTO
TIWALA si dating Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares na mapatatalsik sa puwesto si Vice President Sara Duterte kaugnay ng kasong impeachment complaint na isinampa laban sa ikalawang mataas na opisyal ng bansa. Inihayag ni Colmenares sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay, sa Café Adriatico, malate, Maynila, malakas ang kasong isinampa at inihain nila laban sa bise presidente kung …
Read More »
Cayetano sa mga SK leader
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago
HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) sa Taguig na yakapin ang kanilang papel bilang mga ahente ng pagbabago sa kanilang mga komunidad, hindi lamang mga tagapagpatupad ng proyekto. Binigyang-diin ng senador, ang tunay na pagbabago ay nangangailangan ng higit pa sa mga patakaran, gantimpala, o parusa. “Bilang mga chairperson ng SK, …
Read More »DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa
NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) upang ikumpuni ang ilang kalye sa Metro Manila ngayong darating na Semana Santa (Holy Week). Magsisimula ang pagkukumpuni ng DPWH, 11:00 ng gabi ng 16 Abril magtutuloy hanggang 5:00 ng umga sa 21 Abril 2025. Kabilang sa mga lugar …
Read More »Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch
IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng Commission on Higher Education (CHED) at ng Professional Regulation Commission (PRC), na itinatakda sa Setyembre ngayong taon ang pagpapatupad ng mga specialized licensure examinations batay sa mga teacher education programs. Para kay Gatchalian, mahalagang hakbang ito upang matiyak na sinasalamin ng proseso ng licensure ang …
Read More »Imee desmayado sa ‘di paglagda ni SP Chiz sa contempt order vs special envoy
DESMAYADO si Senadora Imee Marcos, chairman ng Senate committee on foreign relations, nang hindi lagdaan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang contempt order laban kay Special Envoy on Transnational Crimes Ambassador Markus Lacanilao. Hindi lang desmayado kundi mapanganib, ayon sa Senadora, ang pagpapabayang makalaya si Lacanilao. Nauna rito, si Lacanilao ay pinatawan ng cited for contempt sa ginaganap …
Read More »
Ngayong Semana Santa
Ligtas at maginhawang paglalakbay tiniyak ng DOTR
TINIYAK ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon sa publiko ang maayos at ligtas na paglalakbay ngayong panahon ng Semana Santa. Sa isang pulong balitaan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, sinabi ni Dizon na nagtutulong-tulong ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno upang matugunan ang tumataas na demand ng pasahero sa mga paliparan sa bansa ngayong holiday …
Read More »Bangkay ng scavenger natagpuan sa hukay ng DPWH sa Pasay City
WALANG BUHAY nang matagpuan ang isang lalaki sa isang hukay ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na bahagi ng flood control project sa kanto ng Andrews Avenue at Domestic Road sa Pasay City kamakalawa. Positibong kinilala ang biktima na si Dante Alvarez y Villamor, 50 anyos, kilalang scavenger ngunit walang permanenteng address. Batay sa inisyal na impormasyon, habang …
Read More »
Sa P28-M drug bust sa Parañaque
Drug suspect todas 4 PDEA agents sugatan
NAPATAY ang sinabing high value drug suspect sa pakikipag-enkuwentro sa mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ngunit apat na tauhan ng ahensiya ang sugatan sa buybust operation na inilunsad sa Goodwill 3 Village, Brgy. San Antonio, Parañaque City Miyerkoles ng gabi, 9 Abril. Batay sa ulat, dakong 5:30 ng hapon, 9 Abril, ikinasa ng Operating Unit ng PDEA …
Read More »
Sa bentahan ng kanilang propriedad
Pasay mayoral candidate, 1 pang kandidato hinahabol ng BIR
HINAHABOL ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sina Pasay mayoral candidate, councilor Editha Manguerra at kandidatong konsehal Yok Tin Tan So, na sinabing nabigong magbayad ng tamang buwis sa naganap na bentahan ng isa sa mga propriedad sa ilalim ng kanilang real estate company. Batay sa dokumentong nakuha, nagpadala ng liham (notice to reply) ang BIR Region No. 88 – …
Read More »