NAARESTO ng pulisya ang dalawang hinihinalang karnaper kamakalawa sa Brgy. Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan. Sa ulat mula kay Supt. Reniel Valones, hepe ng Sta. Maria PNP, kinilala ang naarestong mga suspek na sina Jay-R Salvador, 33, at Joel Hernandez, 42, kapwa residente sa naturang barangay. Unang sinalakay ng pulisya ang bahay ni Salvador sa Garden Village Subdivision at natagpuan …
Read More »2 pa itinumba sa Bulacan
NADAGDAGAN pa ang kaso nang pagpatay ng nakilalang mga salarin sa sinasabing mga sangkot sa ilegal na droga sa City of San Jose del Monte, Bulacan at karatig-bayan. Dakong 9:30 pm nang pagbabarilin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo si alyas Michael sa CSJD, Bulacan. Habang natagpuan ang bangkay ng isang Renato Nicolas, 32, sa madamong bahagi ng Garden Village, …
Read More »EJKs sa CSJDM itinanggi ng Bulacan PNP
MARIING itinanggi ni PNP Bulacan Provincial Director, Senior Superintendent Romeo Caramat na may kinalaman ang mga pulis sa sunod-sunod na pagdukot at pamamaslang sa mga residente ng City of San Jose Del Monte (CSJDM). Ayon kay Caramat, inatasan niya ang mga tauhan na patindihin pa ang pagbabantay at pagmamanman upang mahuli ang nasa likod ng mga pagpatay sa mga taong …
Read More »2 dalagita niluray ng pastor na guro
NADAKIP ng mga awtoridad ang isang pastor na guro makaraan ireklamo ng panggagahasa ng dalawang menor de edad sa Guiguinto, Bulacan. Ayon sa ulat ng pulisya, paulit-ulit na ginahasa ng suspek na si Moses Alano ang dalawang biktimang nakatira sa paaralan na pinagtuturuan ng pastor. Sa imbestigasyon ng Guiguinto police, lumilitaw na si Alano ang tumatayong guardian ng mga biktima …
Read More »2 TULAK TIGBAK SA POLICE ENCOUNTER
PATAY ang dalawang hinihinalang mga tulak makaraan makipagbarilan sa mga pulis sa mga bayan ng San Miguel at Norzagaray sa lalawigan ng Bulacan kamakalawa. Kinilala ni Senior Supt. Romeo Camat, Acting Bulacan police director, ang isa sa dalawang napatay na si Mark Anthony Reyes, residente ng San Miguel. Nabatid sa ulat, tumanggi si Reyes na huminto sa itinalagang police checkpoint, …
Read More »7 dinukot natagpuang patay (Sa CSJDM, Bulacan)
NATAGPUAN ng mga awtoridad ang pitong bangkay ng pinaniniwalaang mga biktima ng summary executions sa iba’t ibang barangay sa San Jose del Monte, Bulacan. Sinasabing kamakalawa ng gabi pinatay ang mga biktima na kinabibilangan ng anim lalake at isang babae. Paawang nakatali ng packaging tape ang mga biktima at may karatulang nagsasabing sangkot sila sa illegal na droga. Inihayag ng …
Read More »Binatilyo pinugutan ng adik na tiyuhin
PINUGUTAN ng adik na tiyuhin ang isang 14-anyos binatilyo kamakalawa sa Brgy. Minuyan Proper, San Jose del Monte City, Bulacan. Sa ulat mula kay Supt. Wilson Magpili, hepe ng Jose del Monte City Police, kinilala ang biktimang si Jeric Boyoc, residente ng Brgy. Minuyan Proper. Habang agad naresto sa follow-up operation ng mga awtoridad ang suspek na si Romelito Arroyo, …
Read More »Tulak na driver todas sa buybust
NAPATAY sa buy-bust operation ang isang jeepney driver na sinasabing nagbebenta ng illegal na droga sa apat na bayan sa Bulacan. Batay sa ulat, lulan ng kanyang jeep, napatay ang suspek na si Jimmy Boy Gruta sa bayan ng Sta. Maria, nang mahalatang pulis ang katransaksiyon at lumaban sa mga awtoridad. Ayon sa pulisya, naglalako ng droga ang suspek habang …
Read More »Utol ni Tesdaman proklamadong mayor sa Bocaue sa toss coin
NAIPROKLAMA na ang mayoralty candidate sa Bocaue, Bulacan na nanalo sa pamamagitan ng toss coin. Ito’y makaraang magtabla ang dalawa sa tatlong kandidato roon na sina Jim Valerio at Joni Villanueva na nakakuha ng tablang boto na 16,694. Bunsod nito, nagdesisyon ang Comelec officer na idaan na lamang ang laban sa toss coin para maideklara na ang nanalong kandidato. Sa …
Read More »6 tiklo sa sinalakay na drug den sa Obando
ARESTADO ang anim katao makaraan salakayin ng mga awtoridad ang hinihinalang drug den na minamantine ng binansagang ‘Oca drug group’ kamakalawa sa Obando, Bulacan. Sa ulat mula kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 3 Office Director Gladys F. Rosales, kinilala ang naarestong mga suspek na sina Ronquillo R. San Diego alyas Oca, 52, itinuturong lider ng grupo; Erwin Sotto, …
Read More »Magkapatid niluray ng kapitbahay (Kapalit ng P150)
MAAGANG napariwara ang buhay ng magkapatid na batang babae makaraan halinhinang gahasain ng hayok sa laman na kapitbahay sa Marilao, Bulacan. Sa ulat mula sa tanggapan ni Senior Supt. Romeo Caramat, officer-in-charge ng Bulacan PNP, ang magkapatid na biktima ay itinago sa pangalang Amy, 8-anyos, at Lucille, 16-anyos, kapwa residente sa Brgy. Sta. Rosa 1, sa naturang bayan. Habang agad …
Read More »Killer ng parak sa Bulacan tiklo
NAARESTO ng pulisya ang isang hinihinalang hired killer makaraan ang dalawang taon pagtatago sa isang lugar sa San Miguel, Bulacan kahapon ng umaga. Sa ulat mula sa San Miguel PNP na pinamumunuan ni Supt. Joel Estaris, ang suspek ay kinilalang si Rogelio ‘Itching’ Orteza Saycon, nasukol sa kanyang pinaglulunggaan sa Brgy. Labane sa naturang bayan. Nabatid sa ulat, si …
Read More »Traffic enforcer niratrat sa palengke (Nanakit ng binatilyo)
PATAY ang isang traffic enforcer makaraan resbakan ng pamilya ng binatilyong sinaktan niya sa harap ng Sampol Market sa Sapang Palay, City of San Jose del Monte, Bulacan kahapon. Sa ulat mula kay Supt. Renier Valones, hepe ng SJDM City PNP, ang biktima ay kinilalang si Luis Benita, hindi na umabot nang buhay sa pagamutan. Habang naaresto ang isang miyembro …
Read More »Kongresistang anak ni Gov. Alvarado kritikal (Anak ni Pagdanganan noong 2007)
ISINUGOD sa UST General Hospital ang anak ni Gov. Willy Sy Alvarado na si congressional candidate Jonathan Alvarado. Ito’y makaraang masangkot ang nakababatang Alvarado sa isang vehicular accident kahapon ng madaling araw. Una siyang dinala sa Bulacan Medical Center ngunit kalaunan ay inilipat sa mas malaking ospital. Sa inisyal na impormasyon, binangga ng kotse ang sasakyan ng local politician. Wala …
Read More »Senglot pinatay ng napikon na katagay
BINAWIAN ng buhay ang isang lalaki makaraang mapatay ng lasing niyang kainoman nang magkapikonan sa San Jose del Monte City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktimang si Mark Selovia, residente ng Colinas Verdes Subd., Brgy. Tungkong Mangga, sa naturang siyudad, habang ang suspek ay Wilmer Bangalisan, ng Harmony Hills 3, Brgy. Loma de Gato, Marilao, sa lalawigang ito. Ayon sa …
Read More »Shabu queen tiklo sa Kalye Demonyo (Paslit pa tulak na)
HINDI nakapalag nang pagsalikopan hanggang maaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinaguriang “shabu queen” ng Bulacan sa isinagawang entrapment operation kamakalawa. Sa ulat mula sa tanggapan ni PDEA Director General Arturo G. Cacdac Jr., kinilala ang suspek na si Sharry J. Bartolome, residente ng Brgy. Minuyan Proper, San Jose Del Monte City, Bulacan. Ayon sa …
Read More »Ilegal na pagawaan ng paputok sinalakay
SAKO-SAKONG ilegal na paputok ang nakompiska ng mga awtoridad sa pagsalakay sa isang pabrika sa Bocaue, Bulacan kamakalawa. Sa ulat mula sa tanggapan ni Senior Supt. Ferdinand Divina, Bulacan police director, nakompiska sa pagsalakay ang mga ilegal na paputok tulad ng pla-pla, kabasi, Goodbye Philippines at Super Lolo. Malaki ang paniniwala ng mga awtoridad na natimbrehan ang may-ari at mga …
Read More »Pagkalunod ng 4 kabataan isinisi sa Angat Dam (Sa Bulacan)
KASALUKUYANG nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga kinauukulan kung dapat panagutin ang pamunua ng Angat Dam sa pagkalunod ng apat na kabataan sa Norzagaray, Bulacan. Sa ulat mula kay Supt. Joel Estaris, hepe ng Norzagaray Police, kinilala ang mga nalunod na sina Lovely Lacaba, 18; Nelson Godi, 18; Butch Harold, 16; at Christian Palen, pawang mga residente ng Brgy. Citrus, San …
Read More »Raymond Dominguez itinurong utak sa Nieves ambush
INILAGAY ng Bureau of Corrections (BuCor) ang convicted car theft syndicate leader na si Raymond Dominguez sa ilalim nang masusing pagbabantay makaraang ituro ng isang naarestong gunman na siya ang mastermind sa pag-ambush sa isang hukom sa Malolos City, Bulacan. Ikinumpisal nang napaslang na hitman na si Arnel Janoras, kinuha ni Dominguez ang serbisyo ng kanilang grupo upang tambangan si …
Read More »Bigtime lady shabu dealer sa Bulacan arestado (P.7-M droga kompiskado)
TINATAYANG aabot sa P700,000 halaga ng shabu ang nakompiska ng mga awtoridad mula sa isang bigtime drug dealer sa isinagawang buy-bust operation sa San Jose del Monte City, Bulacan kamakalawa. Kinilala ni Director General Usec. Arturo Cacdac, Jr., chairman ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang nadakip na si Mona Salanggi, 27, ng Brgy. Muzon, sa naturang lungsod. Ayon sa ulat, …
Read More »Utang sa shabu ‘di binayaran, tulak itinumba
BINARIL hanggang mapatay ang isang tulak ng shabu ng kapwa niya drug pusher kahapon ng madaling-araw sa Meycauayan City, Bulacan. Isang tama ng bala sa noo na tumagos sa likod ang tumapos sa buhay ni Zend Rick Calma, 29, habang pinaghahanap ng mga pulis ang tumakas na suspek na si Parah ‘Bukol’ Pangkuga Ajinoor, kapwa residente ng Northville 3, Brgy. Bayugo …
Read More »16 patay sa dengue sa Bulacan
UMABOT na sa 16 katao ang namatay sa sakit na dengue sa lalawigan ng Bulacan nang isang batang lalaki ang nadagdag sa listahan ng mga biktima bunsod ng sakit na dengue sa lalawigang ito. Sa ulat mula sa Epidemiology and Surveillance Unit ng Bulacan Health Office, kinilala ang huling namatay na si Chloeyjade Banquin, 2-anyos, ng Sta. Rita, Guiguinto, sa naturang …
Read More »2 estudyante nag-away sa classroom 1 patay
PATAY ang isang binatilyong estudyante nang mabagok ang ulo sa baldosa sa loob ng classroom habang nakikipag-away sa kanyang kaklase sa isang paaralan sa Sta. Maria, Bulacan kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Rioben Santor Jr., 14-anyos, estudyante ng Sta. Maria National High School sa naturang bayan. Ayon kay Larry Lagman, school principal, nagpambuno sina Rioben at ang hindi pinangalanang kaklase …
Read More »Bulacan towns binaha kay Kabayan (Angat, Ipo dam umapaw)
BUNSOD ng bagyong Kabayan, binaha ang ilang pangunahing lansangan sa Bulacan partkular sa kahabaan ng McArthur Highway simula sa siyudad ng Meycauayan hanggang bayan ng Bocaue. Hanggang kahapon ay pahirapan sa pagdaan ang maliliit na sasakyan sa naturang lansangan dahil may mga bahagi na umabot hanggang baywang ang tubig-baha. Nabatid na umapaw ang tubig sa Bocaue at Sta. Maria River na …
Read More »Plaridel Budol-budol queen timbog
NALUTAS na ng pulisya ang serye ng mga panggagantso sa Bulacan makaraang maaresto ang isang ginang na tumatayong lider ng sindikato sa Brgy. Bañga 1st, Plaridel, sa naturang lalawigan kamakalawa ng hapon. Makaraang maaresto ay agad na kinasuhan ang suspek na si Evelyn De Guzman, 44, ang tinaguriang ‘Budol-Budol queen’ ng Bulacan, at residente ng Brgy. Makinabang sa Baliwag. Sa …
Read More »