Monday , December 23 2024

Micka Bautista

“Lingkod na Totoo,” pagkakaisa, kababaang-loob, prinsipyong bitbit para sa serbisyo publiko

Cris Castro, Lingkod na Totoo, PDP Laban,Pandi, Micka Bautista

PORMAL nang naghain ng certificate of candidacy (COC) ang mga kandidato ng PDP Laban sa bayan ng Pandi, sa lalawigan ng Bulacan noong Huwebes, 7 Oktubre. Pinangunahan ito ni Pandi Municipal Councilor Cris Castro, kakandidatong alkalde, at ng kanyang running mate na si dating Municipal Councilor Sonny Antonio bilang bise alkalde, kasama ang walong kakanditong konsehal. May temang “Lingkod na …

Read More »

7 tirador ng kawad ng koryente, timbog

electric wires

NABULGAR ang pagnanakaw ng mga kawad ng koryente sa linya ng isang major electric company nang masakote ang pito kataong may kagagawan nito sa operasyong isinagawa ng pulisya sa bayan ng San Miguel, lalawigan ng Bulacan, noong Miyerkoles ng hapon, 6 Oktubre. Kinilala ang mga naarestong suspek, pawang subcontractor ng electric company, na sina Isidro Parcon, Alexander Cruz, Jeffrey Dionisio, …

Read More »

Fernando vs Alvarado sa Bulacan gubernatorial race, tuloy na (Dating magka-alyado)

Daniel Fernando, Willy Alvarado, Bulacan

KASABIK-SABIK ang magiging tunggalian ng dalawang respetadong politiko sa lalawigan ng Bulacan makaraang kapwa maghain ng kandidatura sa pinakamataas na posisyon sa kapitolyo ang dating magkasangga sa politika. Nauna nang nagpahayag ang premyadong aktor na si re-electionist Governor Daniel Fernando na mananatiling gobernador ang tatakbuhin para sa nalalapit na 2022 national and local elections sa ilalim ng National Unity Party …

Read More »

Sa 24-oras PNP ops 12 law violators tiklo (Sa Bulacan)

MULING nagsagawa ng ibayong kampanya laban sa kriminalidad ang pulisya sa lalawigan ng Bulacan, na nagresulta sa pagkakadakip sa 12 pasaway ang naaresto sa iba’t ibang bayan hanggang nitong Martes ng umaga, 5 Oktubre. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, sangkot sa ilegal na droga ang anim sa nadakip na mga suspek. Nadakip …

Read More »

CoVid-19 patients, nasa house quarantine (Sa Nueva Ecija)

HINIMOK ng lokal na Inter-Agency Task Force sa Nueva Ecija ang mga alkalde nito na paigtingin ang kanilang quarantine facilities para maiwasan ang pagdami ng bilang ng mga residente na may CoVid-19 at naka-home quarantine. “‘Yung mayors, I believe they are doing their best. Mahirap lang talagang i-manage nang basta-basta dahil parang sampal sa atin itong CoVid na ito na …

Read More »

Bilang ng Dengue casualties tumaas (Sa Subic, Zambales)

Dengue, Mosquito, Lamok

MAS marami ngayon ang bilang ng mga namamatay sa dengue sa bayan ng Subic, sa lalawigan ng Zambales kompara sa nakalipas na taon. Batay sa datos ng Municipal Health Office, mula nitong Enero hanggang Setyembre ay umabot sa 13 ang namamatay sa nasabing sakit na mas mataas kompara sa walo noong 2019. Sinabi ni Municipal Health Officer, Dr. Nadjimin Ngilay, …

Read More »

P32-M pekeng sigarilyo nasamsam (Bodega sinalakay Sa Bulacan)

Fake Cigarette, yosi, sigarilyo

NAKOMPISKA ang higit sa P32-milyong halaga ng pekeng mga sigarilyo nang salakayin ng mga awtoridad ang isang bodega sa bayan ng Balagtas, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo ng gabi, 3 Oktubre. Ikinasa ang raid ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group 3 (PNP-CIDG 3) sa bodegang matatagpuan sa Zone 6, By-pass Road, Brgy. Borol 2nd, sa nabanggit na bayan dakong …

Read More »

3-anyos bata ginahasa, ex-brgy. Chair timbog

Zambales PPO, PNP PRO3, San Marcelino Zambales

ARESTADO ang isang dating kapitan ng barangay na kabilang sa listahan ng top most wanted persons ng Zambales sa isinagawang manhunt operation ng mga awtoridad sa naturang lalawigan, nitong Linggo, 3 Oktubre. Sa ulat mula kay P/Col. Romano Cardiño, acting provincial director ng Zambales PPO, kinilala ang suspek na si Angel Cabbab, 74 anyos, dating kapitan ng barangay at residente …

Read More »

MWP ng Gapan tiklo sa loob ng Batangas jail

Nueva Ecija PPO, PNP PRO3, Prison

NASUKOL ang top 13 most wanted person ng lungsod ng Gapan, lalawigan ng Nueva Ecija, nang isilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest laban sa akusado sa loob ng pasilidad ng BJMP sa lungsod ng Lipa, lalawigan ng Batangas, nitong Linggo ng umaga, 3 Oktubre. Ayon kay P/Col. Rhoderick Campo, OIC provincial director ng Nueva Ecija PPO, inihain ng …

Read More »

13 Chinese nationals kalaboso (Sa ilegal na online modus)

thief card

INARESTO ng mga awtoridad ang 13 Chinese nationals na nagpapatakbo ng ilegal na online activities sa operasyong ikinasa sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga, nitong Linggo, 3 Oktubre. Sa ulat mula kay P/Col. Rommel Batangan, direktor ng Angeles City Police Office, inihain ng mga operatiba ng CIDG CFU Angeles at CIDG PFU Pampanga dakong 4:30 pm kamakalawa, ang warrant …

Read More »

‘Mother and son tandem’ tiklo sa droga (Sa Zambales)

shabu drug arrest

NABUWAG ang operasyon ng mag-inang pinanini­walaang kapwa high-profile personalities at nasa klasipikasyon na Regional Level Drug Watch List nang maaresto ng mga awtoridad sa anti-illegal drug operation sa Subic, lalawigan ng Zambales, nitong Sabado, 3 Oktubre. Batay sa ulat mula kay P/Col. Romano Cardiño, acting provincial director ng Zambales PPO, dakong 1:45 am kamakalawa nang magkasa ang mga operatiba ng …

Read More »

Anomalya ‘di politika dapat tutukan ng Task Force LAG (Sa Pandi, Bulacan)

Pandi Bulacan

NARARAPAT tutukan ng Task Force LAG ni Pandi Mayor Rico Roque ang pagpapalutang ng kato­tohanan kung may naga­nap ngang anomalya sa likod ng reklamo tungkol sa  pagbabawas ng P5,000 hanggang P10,000 sa Livelihood Assistance Grant (LAG) imbes na palutangin ang usapin ng politika. Ito ang pahayag ni Pandi Councilor Cris Castro kasunod ng pagkakadawit ng kanyang pangalan sa imbestigasyon ng …

Read More »

Konsehal ng Pandi, Bulacan, nagpasoklolo kay LMP President Ambrosio Cruz

Konsehal ng Pandi, Bulacan, nagpasoklolo Micka Bautista

MAGKASAMANG humarap sa media sina LMP President Mayor Ambrosio Cruz at Pandi Councilor Cris Castro upang magpaliwanag tungkol sa sinasabing usapin ng anomalya sa Livelihood Assistance Grant (LAG) sa Pandi, Bulacan. (MICKA BAUTISTA) UMAPELA ng tulong kay League of Municipalities in the Philippines (LMP) President Mayor Ambrosio Cruz si Konsehal Cris Castro ng Pandi, Bulacan kaugnay sa mapanirang paratang laban …

Read More »

70-anyos tulak, ‘Boss’ timbog sa Marikina; 11 ‘suki’ timbog sa pot session

70-anyos tulak, ‘Boss’ timbog sa Marikina 11 ‘suki’ timbog sa pot session, Edwin Moreno

NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang 70-anyos lolo, hinihinalang tulak, ang kanyang kasabwat, at 11 nilang ‘parokyanong’ huli sa aktong sumisinghot ng droga sa lungsod ng Marikina, nitong Sabado, 25 Setyembre. Kinilala ni P/Col. Benliner Capili, hepe ng Marikina PNP, ang mga nadakip na sina Exequiel Bautista, 70 anyos; Jeffrey Moquite, 30 anyos, alyas Boss, hinihinalang mga tulak; at Brandon …

Read More »

1K manggagawa sa konstruksiyon at manupaktura binakunahan (Sa Bulacan)

Daniel Fernando, Bulacan, Covid-19 vaccine

NAUNA nang binakunahan ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan ang 1,000 mangga­gawa sa industriya ng konstruk­siyon at manupaktura ng Sinovac vaccine bilang bahagi ng 10,000 target mabakunahan kaugnay ng pangako ng National Employment Recovery Strategy (NERS) Task Force na mapadali para sa mga manggagawa sa ilalim ng proyektong Reform. Rebound. Recover: 1 Million Jobs for 2021. Sa ginanap na paglulunsad ng …

Read More »

Pugante, 9 taon nagtago, nasukol sa Zambales

Botolan, Sta Cruz, Zambales

NADAKIP ng mga awtoridad nitong Sabado, 25 Setyembre, ang itinuturing na most wanted person ng Botolan, Zambales, sinabing siyam na taon nagtago sa batas. Ayon kay P/Col. Romano Cardiño, acting provincial director ng  Zambales PPO, nagsagawa ng manhunt operation ang magkatuwang na puwersa ng Botolan MPS, Sta. Cruz MPS, 1st PMFC ZPPO, at 305th MC, RMFB3 sa Shang Fil Port na matatagpuan …

Read More »

Bulacan, DOLE sanib-puwersa para sa ayuda (Para sa higit 400 benepisaryo)

DoLE, Bulacan

SA PANGUNGUNA ng Department of Labor and Employment (DOLE) at sa pakikipagtulungan ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office (PYSPESO), nabigyan ang 497 Bulakenyo ng ayuda at tulong pangkabahuhayan. Sa idinaos na Singkaban Festival kamakailan, nakapaloob rito ang mga programa ng DOLE at PYSPESO na 227 ang napagkalooban ng Tulong Panghanapbuhay …

Read More »

Miyembro ng Ramat Drug Group timbog (Sa Zambales)

Castillejos Zambales

NASAKOTE ng mga awrtoridad sa inilatag na manhunt operation ang isang pinaniniwalaang miyembro ng notoryus na drug group sa bayan ng Castillejos, lalawigan ng Zambales, nitong Martes, 21 Setyembre. Sa ulat mula kay P/Col. Romano Cardiño, acting provincial director ng Zambales PPO, kinilala ang naarestong akusadong si Jimmy Aglibot, alyas Jim, 55 anyos at residente sa Purok 4, Brgy. San …

Read More »

6 lineman, 4 pa arestado sa nawawalang telephone wires (Sa Marilao, Bulacan)

Telephone Wires

NALUTAS ng mga awtoridad ang talamak na nakawan ng mga kable ng telepono sa lalawigan ng Bulacan nang madakip ang anim kataong may pakana nito sa bayan ng Marilao. Sa ulat na ipinadala ni P/Lt. Col. Rolando Gutierrez, hepe ng Marilao Municipal Police Station (MPS) kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang mga naarestong suspek na …

Read More »

NPA finance officer timbog sa Bulacan

Ma Lorena Sigua, NPA finance officer

IPINAHAYAG ni PRO3 Regional Director P/BGen. Valeriano De Leon na nadakip ng mga awtoridad ang top 1 most wanted person sa talaan ng PNP-PRO13 sa lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 19 Setyembre. Kinilala ang suspek na si Ma. Lorena Sigua, 44 anyos, iniulat na finance officer ng New People’s Army (NPA), kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Muzon, lungsod ng San Jose …

Read More »

2 timbog sa illegal logging sa Ipo Dam gate sa Bulacan

2 timbog sa illegal logging sa Ipo Dam gate sa Bulacan Micka Bautista

NASAKOTE ang dalawa kataong hinihinalang sangkot sa illegal logging sa ikinasang buy bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Norzagaray, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 19 Setyembre. Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PPO, ang mga suspek na sina Jennifer Sarandona at Renato Patulot, kapwa residente sa Ipo Rd., Brgy. San Mateo, sa naturang bayan. Batay …

Read More »

Cessna 125 plane bumagsak sa Bulacan (Imbestigasyon ipinag-utos ng PRO3-PNP)

CESSNA 125 PLANE BUMAGSAK SA BULACAN Micka Bautista

INIIMBESTIGAHAN ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng pagbagsak ng isang Cessna 152 plane sa bayan ng Plaridel, lalawigan ng Bulacan nitong Biyernes ng umaga, 17 Setyembre. Ayon kay P/BGen. Valeriano De Leon, regional director ng PRO3-PNP, lumipad sa direksiyon ng timog ang two-seater plane mula sa Plaridel Airstrip runway lulan ang pilotong si Paul Jemuel Gayanes at pasaherong …

Read More »

Kawatan sa Nueva Ecija todas sa enkuwentro

Dead Thief

NAPASLANG ang isang lalaking hinihinalang magnanakaw sa isang hot pursuit operation na isinagawa ng pulisya na nauwi sa enkuwentro sa lungsod ng San Jose, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Biyernes ng gabi, 17 Setyembre. Batay sa ulat ni P/Col. Rhoderick Campo, OIC provincial director ng Nueva Ecija PPO, nagkasa ang mga operatiba ng San Jose City Police Station ng pagpapatrolya …

Read More »

28 arestado sa Bulacan (Sa patuloy na anti-crime drive)

Prison Bulacan

HALOS mapuno ang mga kulungan sa Bulacan nang sunod-sunod na maaresto ang 28 kataong pawang lumabag sa batas sa anti-crime drive ng pulisya sa lalawigan hanggang nitong Linggo ng umaga, 19 Setyembre. Batay sa ulat na ipina­dala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nadakip ang walong suspek sa ikinasang anti-illegal drug operations ng mga operatiba ng Station …

Read More »

Mga Bulakenyo, may 11 araw pa para magparehistro

Comelec Bulacan

MAY nalalabi pang 11 araw upang magparehistro ang mga Bulakenyo bago ang huling araw ng pagpaparehistro sa 30 Setyembre. Nanawagan si Gob. Daniel Fernando sa lahat ng mga Bulakenyong hindi pa rehistrado na kunin ang pagkakataong gamitin ang kanilang karapatang pumili ng mga susunod na mamumuno sa lalawigan ng Bulacan at sa bansa. “Sa mga hindi pa nakapagpaparehistro, magparehistro na …

Read More »