Sunday , April 21 2024
Bulacan Police PNP

17 law breakers nasakote sa Bulacan

DERETSO sa selda makaraang madakip ang 17 kataong pawang mga lumabag ng batas sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan nitong Linggo, 21 Agosto.

Ayon kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, unang dinampot ang apat na suspek na kinilalang sina  Jerby Lumabas, alyas Miyo, Lovely Sarmiento, Marco Balatbat, at Ranny Sarmiento, pawang mga residente sa Brgy. Poblacion, Norzagaray.

Inaresto ang mga suspek sa anti-illegal drug operations na isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Norzagaray MPS, nasamsaman ng pitong pakete ng hinihinalang shabu, elf truck, motorsiklo, at buy bust money.

Kasunod nito, dinakip ang walong indibidwal sa inilatag na anti-illegal gambling operations ng mga operatiba ng San Jose del Monte CPS at Sta. Maria MPS na naaktohan ang lima sa tupada habang nahuling nagsusugal ang tatlo gamit ang baraha.

Nakompiska sa mga suspek ang tari, manok na panabong, mga baraha at perang taya.

Gayondin, dinakip ang apat na iba pa, pawang may kasong kriminal sa pagresponde ng mga elemento ng Guiguinto, Meycauayan, at Sta. Maria MPS sa mga insidente ng krimen.

Kinilala ang mga suspek na sina Mark Steven Perez at Jhonjhon Barrameda ng Bgry. Saluysoy, Meycauayan, na inaresto sa mga kasong Direct Assault, Alarm and Scandal at Resistance and Disobedience to an Agent of Person in Authority; Rico Mar Birad ng Brgy. Sta. Clara, Sta. Maria sa kasong Rape; at Jerome Dela Cruz ng Bgry. Tabang, Guiguinto sa kasong Robbery.

Nasukol rin ang isang wanted person na kinilalang si Paulina Lumanga ng Brgy. Guijo, San Jose del Monte sa ikinasang manhunt operation ng pinagsanib na puwersa ng San Jose del Monte CPS, 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), 301st MC RMFB3, 3rd SOU Maritime Group, at PHPT Bulacan sa krimeng Falsification of Public Document.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang arresting units ang mga mga nadakip na akusado at para sa naaangkop na disposisyon. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …