Friday , September 30 2022
Daniel Fernando

Mining, quarrying, dredging, iba pang destructive ops bawal sa Bulacan – Gov. Fernando

PINANGUNAHAN ni Governor Daniel Fernando ang isinagawang “Dialogue with the Mining Stakeholders” para talakayin sa harap ng 300 indibidwal mula sa mining at hauling sectors ang inilabas na Executive Order No. 21 na nag-uutos na pansamantalang suspendehin ang permit sa mining, quarrying, dredging at iba pang uri ng mineral destructive operation sa lalawigan ng Bulacan na ginanap sa Red Arc Events Place sa bayan ng Balagtas nitong Miyerkoles, 24 Agosto.

Ipinag-utos, batay sa E0 21, ang pansamantalang suspensiyon sa lahat ng permit sa pagmimina, quarrying, dredging, desilting at iba pang uri ng mineral extractive operations sa loob ng Bulacan.

Pinangunahan ang nasabing dialogo ng Bulacan Environmental and Natural Resources Office (BENRO), na tinalakay ni Fernando ang nilalaman ng Executive Order kasunod ng patuloy na pagkasira ng mga kalsada dulot ng overloading ng mga sasakyang pang-transportasyon gayondin ang labis na volume ng land minerals at iba pang commodities.

Kasamang dumalo mula sa mga tanggapan ng ahensiya ng gobyerno para sa pagpaplano at mahigpit na implementasyon ng Executive Order ang Bulacan PPO sa pangunguna ni P/Col. Charlie Cabradilla; District Engineer Henry Alcantara ng Bulacan 1st District Engineering Office, kinatawan ng DPWH; Engr. Reynaldo Cruz mula sa Mines and Geosciences Bureau-Region 3 bilang kinatawan ng Provincial Mining Regulatory Board; at Carina Macapagal, hepe ng LTO Malolos District Office bilang kinatawan ng LTO.

Ayon kay Fernando, ang DPWH, LTO, PNP-HPG kasama ang local government unit ay kailangan nang umaksiyon at tumulong sa pagtugon sa lumalalang problema sa mga sira-sirang kalsada dulot ng mga overloaded trucks.

“Nasisira na po ang mga kalsada natin, ang mga bridges. I want your cooperation in this matter. I need your help, nakikiusap po ako sa inyo. Ang kamay ko ay iniaabot ko sa inyo alang-alang sa ating bayan. Sayang ang pera ng gobyerno sa taon-taong pagpapagawa kung paulit-ulit lang rin na masisira ang mga kalsada natin lalo na kung ang ilan sa ating kapwa na nasa mining sector ay hindi sumusunod sa itinalagang policy,” sabi ng gobernador.

Ayon kay Fernando, ang pagsisikap ng provincial government na maresolba ang usaping ito ay bilang tugon at suporta sa kasalukuyang administrasyon sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., tungo sa progreso at pag-unlad ng bansa.

Samantala, sinabi ni BENRO head Atty. Julius Victor Degala na ang lalawigan ay ipinapatupad na ang “no excessive volume policy” sa ilalim ng Provincial Ordinance C-005 o ang Environmental Code of the Province of Bulacan na nagtatakda ng mga limitasyon ng ikakarga sa bawat truck.

Inatasan ni Fernando si Degala na higpitan ang surveillance at checkpoints na magtatakda ng tiyak na pamamaraan alinsunod sa patakran.

“Tapos na ang sistemang bulok lalo sa mga tinaguriang “the untouchables” kaya humanda kayo. The governor has given me orders and I will obey him. Sa lahat po ng mga nasa checkpoint na ito, ililipat ko po sila at papalitan ko po ang mga tao,” ani Degala.

Samantala, ipinahayag ni District Engr. Alcantara na base sa kanilang datos, umaabot sa 8,770 overloaded trucks per month ang dumaraan sa national roads partikular sa Manila North Road o dating MacArthur Highway.

“Ang kailangan lang po disiplina, sumunod po tayo sa regulasyon. Bakit po ang Pampanga at Iloilo province can do it? If they can do it, why we cannot? Tulungan po natin ang gobernador sa kampanyang ito dahil hindi lamang truckers ang gumagamit ng kalsada,” wika ni Alcanatara.

Ang mga lalabag sa naturang Executive Order ay pagmumultahin ng halagang P5,000 kada violation; pagkakakulong ng hindi bababa sa anim na buwan at hindi lalagpas ng isang taon at pag-revoke sa kanilang mga permit. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan Police PNP

Bulacan police umiskor
MAHIGIT 765K HALAGA NG DROGA NAKUMPISKA, 15 DRUG SUSPEK NALAMBAT AT 6 NA LAW OFFENDERS NAI-HOYO

TINATAYANG aabot sa mahigit 765K halaga ng iligal na droga ang nakumpiska habang 15 drug …

Dagdag na benepisyo hiling ng pamilya ng mga nasawing rescuers sa Bulacan

Dagdag na benepisyo hiling ng pamilya ng mga nasawing rescuers sa Bulacan

NANAWAGAN ang mga kamag-anak ng ilan sa mga nasawing rescuer sa Bulacan ng dagdag na …

shabu

3 tulak sa Gapo nasabat
MAHIGIT P1-M HALAGA NG SHABU, NAKUMPISKA

 MAHIGIT  P1-M halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad habang tatlong tulak …

FRIENDSHIP route sticker las pinas

Sa Las Piñas
72-ORAS TRO PABOR SA ‘FRIENDSHIP ROUTE’ PINALAWIG NG KORTE

ISA PANG DAGOK sa bagong administrasyon ng BF Resort Village Homeowners Association, Inc. (BFRVHAI) ang …

Zasa Aliman Stone Hope Company Diesel

Oil importer dudulog sa Malacañang dahil sa pagbasura ng DOE sa kanilang aplikasyon

DUDULOG sa Office the President (OP) ang isang oil importer kaugnay sa hinalang pagbasura ng …