Friday , December 5 2025

Micka Bautista

Most wanted estapadora ng Bulacan arestado

arrest posas

NAHULOG sa kamay ng mga awtoridad ang isang babaeng matagal nang pinaghahanap ng batas kaugnay ng mga kasong kinakaharap sa hukuman na kanyang pinagtataguan sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 19 Oktubre. Kinilala ni P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, na si Marichu Vivas, residente sa Brgy. San Pablo, Hagonoy, nakatalang most wanted person sa municipal …

Read More »

DTI-3, PhilExport R3, Likha ng Central Luzon 2022

DTI-3, PhilExport R3 Likha ng Central Luzon 2022

MAKIKITA sa larawan ang mga dumalo sa sa regional trade promotion activity para sa Likha ng Central Luzon 2022 na inorganisa ng DTI-3 at PhilExport R3 na sinuportahan ng Regional Development Council R3 at Central Luzon Growth Corridor Foundation, Inc. na kinabibilanagan ng ptiong gobernador sa rehiyon at DTI bilang miyembro. Nasa larawan sina Ma.Cristina Valenzuela, Division Chief ng BDO; …

Read More »

P10-M ‘damo’ nakumpiska  
3 TULAK TIMBOG SA BULACAN

marijuana

TINATAYANG P10.02-milyong halaga ng marijuana ang nasamsam mula sa mga nadakip na tatlong hinihinalang mga tulak sa pinatindi pang kampanya laban sa ilegal na droga ng Bulacan PPO sa mga bayan ng Guiguinto at Obando nitong Miyerkoles ng umaga, 19 Oktubre. Kinilala ni P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, ang mga naarestong suspek na sina Eliterio Pazon, Jr. alyas …

Read More »

TMRU ng Bulacan PPO muling binuhay

Bulacan Police PNP

MULING ibinalik ng Bulacan PPO ang Tactical Motorcycle Riding Unit (TMRU) sa ipinakitang puwersa sa kanilang pagparada sa loob ng Camp Gen. Alejo S. Santos, sa lungsod ng Malolos, nitong Lunes ng hapon, 17 Oktubre. Ayon kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, ang pagbuhay sa TMRU ay inilunsad ng Bulacan PPO upang hadlangan ang mga krimeng gaya ng …

Read More »

Ramon S. Ang, Gob. Daniel R. Fernando, Bulakenyong bayaning tagapagligtas

RSA Ramon S Ang Daniel Fernando Bulacan

PINAGKALOOBAN ni Ramon S. Ang (pang-apat mula sa kanan), pangulo at chief executive officer ng San Miguel Corporation, ng pinansiyal na tulong na tig-P2 milyon at livelihood assistance ang kada pamilya ng   mga Bulakenyong bayaning tagapagligtas na sina Marby Bartolome, George Agustin, Jerson Resurreccion, Troy Justin Agustin, at Narciso Calayag, Jr., sa ginanap na pulong sa SMC Head Office sa …

Read More »

Gob. Daniel Fernando, Civil Society Organizations sa PDC Full Council Meeting

Daniel Fernando Civil Society Organizations

PINANGUNAHAN ni Gob. Daniel Fernando ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong kinatawan ng Civil Society Organizations sa lalawigan sa isinagawang PDC Full Council Meeting kasama ang Provincial Planning and Development Office, mga alkalde ng mga bayan at lungsod, at iba pang mga ahensiya sa Balagtas Hall, Hiyas ng Bulacan Convention Center, Malolos, Bulacan. (MICKA BAUTISTA)

Read More »

Sa Bulacan
ILEGAL NA MINAHAN SINALAKAY, 9 TIMBOG

arrest, posas, fingerprints

KAUGNAY sa pinaigting na kampanya laban sa illegal quarrying at illegal mining sa Bulacan, nasakote ang siyam na indibiduwal sa isinagawang anti-illegal quarrying operations ng mga awtoridad sa lalawigan nitong Miyerkoles, 12 Oktubre. Ayon kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, inilunsad ang operasyon dakong 11:40 ng umaga kamakalawa ng mga tauhan ng Bulacan Environment and Natural Resources Office …

Read More »

Sa Bulacan
8 TULAK, 12 SUGAROL, GUN LAW OFFENDER NAIHOYO

Bulacan Police PNP

Matapos ang matagumpay na operasyon ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, sunod-sunod na nadakip ang walong hinihinalang tulak, isang illegal gun owner, at 12 sugarol nitong Martes, 11 Oktubre. Iniulat ni P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, nagresulta ang ikinasang anti-drug buybust operation ng San Jose del Monte CPS sa pagkakaaresto ng mga pagkaaresto suspek na kinilalang si Laurente …

Read More »

Pekeng yosi nasabat sa Oplan Megashopper

Fake Cigarette, yosi, sigarilyo

NAKUMPISKA ng mga awtoridad ang kahon-kahon ng mga pekeng sigarilyo na ikakalat sana sa lalawigan ng Pampanga at mga karatig-lalawigan sa isinagawang buybust operation ng pulisya. Ikinasa ang operasyon sa Brgy. San Jose, sa bayan ng San Simon, sa naturang lalawigan ng mga ahente ng CIDG Pampanga PFU bilang lead unit, RSOT RFU3, San Simon MPS, at PIU Pampanga. Nadakip …

Read More »

Sa Pandi, Bulacan
OUTPATIENT CLINIC NG PDH BUKAS NA

Pandi District Hospital Outpatient Clinic

MAS MABILIS nang matatamasa ang serbisyong medikal ng mga Pandieño sa opisyal na pagbubukas ng Outpatient Clinic ng Pandi District Hospital nitong Lunes, 10 Oktubre sa Brgy. Bunsuran 1st, sa naturang bayan. Pinangunahan nina Bulacan Gov. Daniel Fernando at Vice Gov. Alexis Castro ang pagbubukas ng 25-bed capacity out-patient clinic na paunang magkakaloob ng out-patient services kasama ang dalawang pansamantalang …

Read More »

P149-K shabu nasabat 2 tulak timbog, 10 pa naiselda

shabu drug arrest

TINATAYANG nasa 22 gramo ng hinihinalang shabu ang nasamsam mula sa dalawang pinaniniwalaang mga notoryus na tulak sa pagkilos laban sa krimen ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Miyerkoles ng umaga, 12 Oktubre. Sa ulat mula kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PNP, inaresto ang dalawang suspek sa buy-bust operation na ikinasa ng mga operatiba ng Calumpit …

Read More »

Sa Bulacan
7 PUGANTE TIKLO SA MANHUNT

Bulacan Police PNP

SUNOD-SUNOD na nadakip ng mga awtoridad ang pitong indibidwal na pawang nagtatago sa batas sa serye ng manhunt operations sa lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 11 Oktubre. Sa pinaigting na manhunt operation ng San Jose del Monte CPS katuwang ang 2nd PMFC, 301st RMFB3, 3rd SOU – Maritime Group at PHPT Bulacan, unang naaresto ang dalawang puganteng kinilalang sina Mark …

Read More »

P306-K shabu nasabat, mekaniko tiklo sa drug bust

shabu drug arrest

DINAKIP ang isang mekanikong hinihinalang drug peddler na nakompiskahan ng malaking halaga ng shabu sa isinagawang anti-illegal drug operation sa bayan ng Bocaue, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 9 Oktubre. Ikinasa ng mga operatiba ng RPDEU3 SCU3-RID ang buy-bust operation sa Gov. F. Halili Ave., Brgy. Binang 2nd, sa nabanggit na bayan kung saan naaresto ang suspek na kinilalang si …

Read More »

Hamong suntukan inayawan  
SIGA NANAKSAK TIKLO

knife, blood, prison

INARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaking nagtitigas-tigasan sa kanilang lugar matapos saksakin ang isang kabarangay at manlaban sa mga tanod sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 10 Oktubre. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, kinilala ang arestadong suspek na si Joselito De Dios, residente sa Brgy. Abangan Sur, sa nabanggit …

Read More »

Street vendor tinutukan ng baril, sekyung senglot arestado

arrest posas

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang security guard matapos ireklamo ng panunutok ng baril sa isang street vendor sa bayan ng Plaridel, lalawigan ng Bulacan nitong Linggo, 9 Oktubre. Sa ulat mula kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng Plaridel MPS makaarang makatanggap ng reklamo kung saan naaresto ang suspek na kinilalang …

Read More »

Driver, sekretarya sugatan
ALKALDE NG MARILAO, BULACAN PATAY SA AKSIDENTE

Driver, sekretarya sugatan ALKALDE NG MARILAO, BULACAN PATAY SA AKSIDENTE

NAGLULUKSA ngayon ang mga mamamayan ng Marilao, Bulacan makaraang bawian ng buhay dahil sa aksidente ang kanilang alkalde sa lalawigan ng Pampanga nitong Linggo ng hapon, 9 Oktubre. Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan si Marilao Mayor Ricky Silvestre matapos bumangga ang sinasakyan nilang SUV sa Prince Balagtas Ave., Clark Freefort Zone, sa naturang lalawigan. Sa panimulang imbestigasyon ng …

Read More »

Apela ni Fernando sa mga kontratista
RUBBER GATES NG BUSTOS DAM PALITAN NG MATAAS NA KALIDAD NG MATERYALES

RUBBER GATES BUSTOS DAM

MULING nakiusap si Bulacan Governor  Daniel Fernando sa mga kontratista ng Bustos Dam na huwag lamang kumpunihin ang nasirang rubber gates sa Bay 5 kundi palitan ito ng anim na bago at may mataas na kalidad ng materyales. Sa kanyang pulong kamakailan, muling sinabi ni Fernando ang kanyang hiling. “Dapat lamang palitan ang lahat ng rubber gate sapagkat hindi nasunod …

Read More »

Convenience store nilooban
KAWATAN TIGOK SA ENKUWENTRO KASABWAT NAKATAKAS

dead gun police

NAPATAY ang isang hindi kilalang suspek sa panloloob sa isang convenience store matapos makipagbarilan sa mga awtoridad habang nakatakas ang kanyang kasabwat sa bayan ng Baliwag, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo ng madaling araw, 9 Oktubre. Sa ulat mula kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, dakong 1:52 am kahapon nang mmagresponde ang mga tauhan ng Baliwag MPS matapos …

Read More »

Tirador ng Aspin nasakote sa Bulacan

Bulacan Police PNP

Nadakip ng mga awtoridad sa isinagawang entrapment operation ang isang lalaking pinaniniwalaang responsable sa pagkatay ng mga aso upang ibenta at ipulutan sa bayan ng San Ildefonso, lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 5 Oktubre. Sa ulat mula kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, kinilala ang suspek na si Jexter Rafil na dinakip sa ikinasang entrapment operation ng mga …

Read More »

Sa Bulacan
NAGPAPAKALAT NG PEKENG YOSI KINALAWIT

Fake Cigarette, yosi, sigarilyo

NALAGASAN ng isang miyembro ang mga nagpapakalat ng pekeng sigarilyo sa Bulacan matapos madakip ang isang lalaking sinasabing sangkot sa naturang ilegal na gawain sa operasyong ikinasa ng pulisya sa bayan ng Bocaue nitong Martes, 4 Oktubre, . Sa ulat mula kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, kinilala ang suspek na si Miguel Andres, residente ng Brgy. Bambang, …

Read More »

May kasong murder
AWOL NA PULIS TIMBOG

May kasong murder AWOL NA PULIS TIMBOG

ARESTADO ang isang dating pulis na nag-AWOL (Absence without Official Leave) sa isinagawang manhunt operation sa bayan ng Sto. Domingo, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Martes, 4 Oktubre. Kinilala ni PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen, ang suspek na si dating P/SSg. Edgar De Guzman, 52 anyos, residente ng Brgy. San Isidro, Zaragoza, sa nabanggit na lalawigan. Inaresto si De …

Read More »

Nagdala ng ‘boga’ sa paaralan, binatilyo dinakip

gun shot

INARESTO ng mga awtoridad ang isang binatilyong mag-aaral sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan nitong Lunes, 3 Oktubre, batay sa sumbong ng mga opisyal ng paaralan na nagdadala ng baril tuwing pumapasok. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Abredo, OIC ng Bulacan PPO, ang suspek ay isang 17-anyos estudyanteng hindi na pinangalanan, at residente sa Brgy. Abangan Sur, …

Read More »

2 rapists sa Bulacan  deretso sa rehas

prison rape

NAGTULONG-TULONG ang mga awtoridad sa pag-aresto sa dalawang akusado sa kasong panggagahasa sa lalawigan ng Bulacan sa ikinasang manhunt operasyon nitong Lunes, 3 Oktubre. Batay sa ulat mula sa San Miguel MPS, kinilala ni P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, ang suspek na si Jimboy Tolentino, 27 anyos, kasalukuyang nakatira sa  Brgy. Sibul, San Miguel, at nakatalang provincial most …

Read More »

MWP, kinakasama timbog sa droga

shabu drug arrest

ARESTADO ang isang lalaking pinaghahanap ng batas kasama ang kanyang live-in partner na nakialam sa isinagawang operasyon ng pulisya sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 3 Oktubre. Sa ulat mula kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, kinilala ang suspek na si Jeffrey Concepcion ng Brgy. Loma de Gato, sa nabanggit na bayan, inaresto sa bisa …

Read More »