Wednesday , February 28 2024
Bulacan Police PNP

Sa Bulacan
HOLDAPER, RAPIST, TULAK TIMBOG

MAGKAKASUNOD na nasakote sa isinagawang anti-criminality operations ng mga awtoridad ang isang holdaper, isang rapist, at isang hinihinalang tulak sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 10 Disyembre.

Ayon kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, sa mabilis na pagresponde ng mga tauhan ng San Jose del Monte CPS ay naaresto ang suspek na kinilalang si Zoren Ocasla sa kasong robbery hold-up sa Brgy. Kaypian, sa naturang lungsod dakong 10:30 pm, kamakalawa.

Nabatid sa ulat, ang hindi na pinangalanang biktima ay naglalakad pauwi ng bahay nang harangin sa daan ng suspek, tinutukan ng patalim at sapilitang kinuha ang kanyang bag na naglalaman ng cellphone at cash.

Tiyempong nagpapatrolya ang mga pulis sa lugar na agad hiningan ng tulong ng biktima na nagresulta sa pagkaaresto sa suspek at nabawi ang mga kinulimbat na items.

Kasunod nito, sa Brgy. Balasing, Sta. Maria, nasukol ng tracker team na pinangunahan ng 2nd PMFC katuwang ang mga warrant operatives ng Sta. Maria MPS ang suspek na kinilalang si Jaymar Geronimo, 32 anyos, mekaniko, wanted sa tatlong bilang ng kasong rape, walang itinakdang piyansa, batay sa warrant of arrest na inilabas ng Sta. Maria RTC Family Court Branch 6.

Sa ikinasang anti-drug operation ng mga operatiba ng Marilao MPS, nadakip ang suspek na kinilalang si Abelardo Victorino sa Brgy. Loma de Gato, sa bayan ng Marilao matapos ang napagkasunduang drug trade at narekober ang hinihinalang shabu at marked money. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

SM Cyberzone Game Fest Feat

Cyberzone Game Fest 2024 is back to celebrate all things gaming
Cyberzone Game Fest at SM Supermalls now on its 9th Year

Calling all gamers, esports enthusiasts, and tech aficionados! Now on its 9th year, Cyberzone Game …

Bulacan Police PNP

Siyam na law offenders sa Bulacan inihoyo

DALAWANG wanted person at pitong lumalabag sa batas ang inaresto ng Bulacan police sa magkaibang …

Birth Certificate PSA

Pinadali at pinabilis na sistema para maiayos ang mga mali sa Birth Certificate nilinaw ng PSA

DETALYADONG ipinaliwanag ng Philippine Statistics Authority o PSA ang mas pinadaling paraan at pinabilis na …

SMC San Miguel Aerocity Biodiversity

SMC launches PHL’s first complete biodiversity offset Site in Bulacan

San Miguel Aerocity, Inc. (SMAI), a subsidiary of San Miguel Corporation (SMC), has inaugurated its …

Sa DigiPlus maging responsableng gamer, puwede

Sa DigiPlus
MAGING RESPONSABLENG GAMER, PUWEDE

PINAIIGTING ng DigiPlus Interactive Corp. (DigiPlus), operator ng mga nangungunang digital platform gaya ng BingoPlus, …