Monday , May 27 2024

Micka Bautista

Kasabay sa pag-obserba sa buwan ng pag-iwas sa sunog…
DILG INANUNSIYO NA MAGTATAYO NG DRUG ABUSE TREATMENT AND REHABILITATION CENTER SA BULACAN

Bulacan Fire Prevention

IPINAHAYAG ni Department of the Interior and Local Government Assistant Secretary for Public Safety Florencio M. Bernabe, Jr. sa ginanap na obserbasyon ng Buwan ng Pag-iwas sa Sunog ang pagtatayo ng Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center (DATRC) sa Bulacan. Inaasahan na makaaapekto ang nasabing pasilidad sa buhay ng mga dependent sa iligal na droga gayundin ay makatulong sa komunidad sa …

Read More »

SGLG drainage project sa Balagtas pinasinayaan ng DILG, Bulacan provincial gov’t

SGLG drainage DILG Balagtas Bulacan

PINANGUNAHAN nina Gobernador Daniel R. Fernando kasama si Department of the Interior and Local Government (DILG) Assistant Regional Director Jay E. Timbreza ang inagurasyon ng 987.60 linear meter na drainage system sa Balagtas-Pandi Provincial Road sa kahabaan ng Brgy. Santol, Balagtas, Bulacan kahapon ng umaga, Martes, 5 Marso. Layunin ng proyekto na nagkakahalaga ng P9,460,621, pinondohan sa pamamagitan ng 2022 …

Read More »

Maramihang pag-aresto ikinasa ng Bulacan PNP, 12 arestado

Bulacan Police PNP

DALAWANG personalidad sa droga at sampung wanted persons ang naaresto ng Bulacan police sa mga ikinasang anti-criminality operations sa lalawigan hanggang kahapon ng umaga. Sa magkakahiwalay na buybust operations na inilatag ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng San Rafael at Plaridel Municipal Police Station, naaresto ang dalawang notoryus na drug peddlers. Nasamsam ng mga operatiba ang 12 plastic sachets …

Read More »

Ambag bilang beterano at lingkod-bayan ni Hen. Alejo Santos, inalala sa Ika-40 Taon ng Kamatayan

Alejo Santos 40 Bulacan

GINUNITA ng mga Bulakenyo ang Ika-40 Taong Anibersaryo ng Pagkamatay ni dating Department of National Defense Secretary Gen. Alejo Santos. Itinaguyod ito ng Pangkat Saliksik ng Kasaysayan ng Bayan o PASAKABA sa pakikipagtulungan ng Provincial History, Arts & Culture and Tourism Office o PHACTO at ng Philippine National Police- Bulacan Provincial Police Office. Sa ginanap na programang pang-alaala sa Kampo …

Read More »

DOH, suportado ang Hagonoy CARES program para kalingain mga may sakit sa puso

DOH Hagonoy CARES

PATULOY na magbibigay ng iba’t ibang uri ng suporta ang Department of Health (DOH) para sa pagtataguyod ng Hagonoy CARES o Cardiovascular Assessment Recovery and Emergency Services ng Pamahalaang Pambayan ng Hagonoy. Ayon kay DOH-Region III Regional Director Corazon Flores, pinili ng ahensiya na sa Hagonoy isagawa ang pagdiriwang ng Philippine Heart Month ng Bulacan, dahil dito naitala ang may …

Read More »

Kinapos ng paghinga, pulis nahulog sa mobile vehicle nasawi sa sagasa ng Mitsubishi L200

road traffic accident

ISANG malagim na insidente ang naganap nang ang isang miyembro ng Bulacan PNP ay nasawi sa aksidente sa kalsada sa Brgy. Balite, San Miguel, Bulacan kahapon ng umaga, Pebrero 28. Kinilala ni Police Colonel Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang biktima na si Patrolman Edmond John Arenas, 26, ng Brgy. Buliran, Cabanatuan City, Nueva Ecija, na miyembro ng …

Read More »

DSWD Inilunsad ang Project LAWA at BINHI sa DRT, Bulacan

DSWD Project LAWA BINHI DRT Bulacan

SA layuning matugunan ang mga epekto ng El Niño phenomenon sa mga mahihirap at mahihinang sektor sa komunidad, nilagdaan ang isang Memorandum of Understanding sa pagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Municipal Government of Doña Remedios Trinidad (DRT) at Ceremonial Launching of Ginanap sa Brgy. Kalawakan sa DRT, Bulacan kamakailan. Ang nasabing joint project ay nasa …

Read More »

PRO3 pinuri ng COA sa pananalapi, at sa 2024 exit conference

PNP PRO3

NAKATANGGAP ng mataas na papuri ang Police Regional Office 3 (PRO3) sa 2024 Commission on Audit (COA) Exit Conference, isang makabuluhang milestone na binibigyang-diin ang pangako ng ahensiya sa fiscal transparency at accountability. Ang nasabing komperensiya ay ginanap nitong 26 Pebrero 2024 sa PRO3 Stakeholder’s Lounge, Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga. Sa ilalim ng dinamikong pamumuno ni PRO3 …

Read More »

Rapist ng Quezon Province nagtago, nalambat sa Bulacan

Rapist ng Quezon Province nagtago, nalambat sa Bulacan

ISANG pugante na may kasong panggagahasa sa Quezon Province ang nahulog sa kamay ng batas nang masukol ng mga awtoridad sa kanyang pinagtataguan sa Bulacan kamakalawa. Sa ulat na ipinadala ni P/Lt. Col. Anselmo Chulipa, hepe ng Meycauayan City Police Station (CPS) kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang arestadong pugante ay kinilalang si Marvin Maraña y …

Read More »

Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, Eagle Cement, nagtanim ng 2,000 bakawan sa Hagonoy, Paombong

Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, Eagle Cement, nagtanim ng 2,000 bakawan sa Hagonoy, Paombong

UPANG panumbalikin ang mga bakawan sa mga baybaying barangay ng lalawigan, nakipagkaisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna nina Gob. Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro sa Eagle Cement Corporation (ECC) at nakapagtanim ng paunang 1,000 bakawan sa Brgy. Masukol, Paombong noong Pebrero 21, at karagdagang 1,000 sa Brgy. Tibaguin, Hagonoy noong Biyernes. Bahagi ang 2,000 …

Read More »

Wanted na mga criminal, drug dealer sa Bulacan kinalawit

Wanted na mga criminal, drug dealer sa Bulacan kinalawit

NAGSAGAWA ng matagumpay na operasyon ang pulisya ng Bulacan kamakalawa, na nagresulta sa pagkaaresto ng mga indibidwal na sangkot sa mga kriminal na aktibidades sa lalawigan.  Ang mainit na bugso ng mga operasyong ito ay humantong sa pagkaaresto sa ilang wanted na mga kriminal at isang nagbebenta ng droga. Sa ulat na ipiadala kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director …

Read More »

Siyam na law offenders sa Bulacan inihoyo

Bulacan Police PNP

DALAWANG wanted person at pitong lumalabag sa batas ang inaresto ng Bulacan police sa magkaibang operasyon na isinagawa sa lalawigan kamakalawa. Sa ulat na ipinadala kay Police Colonel Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang tracker team ng Meycauayan City Police Station ay nagsagawa ng magkahiwalay na manhunt operations na nagresulta sa pagkaaresto kina alyas Renato, 30, ng Saint …

Read More »

Pinadali at pinabilis na sistema para maiayos ang mga mali sa Birth Certificate nilinaw ng PSA

Birth Certificate PSA

DETALYADONG ipinaliwanag ng Philippine Statistics Authority o PSA ang mas pinadaling paraan at pinabilis na sistema sa pag-aayos o pagtatama sa mga may maling detalye ng birth certificates. Sa pagdiriwang ng 34th National Civil Registration Month, sinabi ni Noeville G. Nacion, registration officer II ng PSA-Bulacan, na mainam na maasikaso nang mas maaga kung anuman ang depekto sa isang partikular …

Read More »

Kelot kinalawit sa pag-iingat ng baril; 10 pa law violators dinakma

Kelot kinalawit sa pag-iingat ng baril 10 pa law violators dinakma

ISANG lalaki na nag-iingat ng iligal at hindi lisensiyadong baril ang inaresto ng pulisya kabilang ang sampung lumabag sa batas sa operasyong inilatag ng pulisya sa Bulacan kamakalawa. Ang magkasanib na mga tauhan ng San Miguel MPS at 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) ang nagpatupad ng search warrant order laban kay alyas Daniel, 33-anyos, sa kanyang tirahan sa Kalye …

Read More »

Balcony bumagsak habang pari at lay ministers nagpapahid ng abo sa noo ng mga deboto
80-ANYOS LOLA PATAY SA INAANAY NA PALAPAG NG SAN PEDRO APOSTOL

San Pedro Apostol Simbahan bumagsak

ni MICKA BAUTISTA at ng HATAW News TEAM HINDI nakaligtassa kamatayanang isang 80-anyos lolang deboto at miyembro ng choir,sa mga pinsalang dulot ng pagbagsak ng inaanay na palapag ng simbahang San Pedro Apostol sa Barangay Tungkong Mangga, sa City of San Jose del Monte, sa sakunang naganap kahapon, Miercoles de Ceniza, 14 Pebrero 2024.          Sa opisyal na ulat ng …

Read More »

Lion & Dragon dance tatak ng Chinese New Year festivity sa SM Bulacan malls

Lion Dragon dance Chinese New Year SM Bulacan malls

NAGLATAG ng mga entablado ang mga SM mall sa Marilao, Baliwag, at Pulilan para sa nakabibighaning pagpapakita ng kagandahan ng kultura kasama ang isang kamangha-manghang Lion at Dragon Dance sa pagdiriwang ng Chinese New Year sa katapusan ng linggo. Sa pagsalubong sa makulay na tapiserya ng Chinese New Year, ang lion at dragon dance ay umaakit ng positibong enerhiya sa …

Read More »

15 law offenders tiklo sa Bulacan police

15 law offenders tiklo sa Bulacan police

LABINTATLONG drug peddlers at dalawang wanted persons ang inaresto ng pulisya sa Bulacan sa magkakasunod na operasyon sa lalawigan kamakalawa at hanggang kahapon ng umaga, 11 Pebrero 2024. Batay sa ulat kay PC/olonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PNP, nakasaad na nagsagawa ng anti-illegal drug operations ang mga operatiba ng Meycauayan CPS, San Rafael, Pulilan, Plaridel, at Balagtas …

Read More »

2 nakaligtas  
CESSNA PLANE 152 NAG-CRASH LANDING SA BULACAN

Cessna plane 152 nag-crash landing sa bulacan

ISANG Cessna 152 Aircraft Model ang nag-emergency landing sa isang palayan sa Brgy. Barihan, Malolos City, Bulacan, kamakalawa ng hapon, 10 Pebrero 2024. Batay sa ulat kay P/Colonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PNP, ang insidente ay naganap sa isang routine flight mula Subic patungong Plaridel Airport nang makaranas ng emergency situation ang aircraft na nangangailangan ng agarang …

Read More »

 Empleyado ng Lazada tiklo sa baril at bala; 20 pang law violators nasakote

Bulacan Police PNP

NAGSAGAWA ng mas pinaigting na operasyon  ang Bulacan PNP na humantong sa matagumpay na pagkakaaresto sa isang gun law offender at mga lumabag sa batas sa lalawigan, kamakalawa, Pebrero 7. Sa ulat na ipinadala kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ipinatupad ng Meycauayan City PS ang isang search warrant order laban kay alyas John, isang 22-anyos …

Read More »

2 brgy. tanod sugatan sa pamamaril ng riding-in-tandem

Gun Fire

KASALUKUYANG nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang dalawang barangay tanod matapos pagbabarilin ng mga lalaking magkaangkas sa motorsiklo sa San Miguel, Bulacan kamakalawa, Miyerkules ng gabi. Sa ulat na ipinadala kay Police Colonel Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang mga biktima ay kinilalang sina Noli Ramos y Flores, 40, naninirahan sa Sitio Balucok, at Pascual Aquino y Galicia, 62, …

Read More »

Ilegal na nagbiyahe ng labis na mineral  
85 TRANSPORT TRUCKS HINULI SA BULACAN

85 TRANSPORT TRUCKS HINULI SA BULACAN

SA DIREKTIBA ni Gobernador Daniel R. Fernando, 85 mga trak na nagbibiyahe ng mga mineral na lumagpas sa pinapayagang timbang ang hinuli sa lalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng pinagsamang pagsisikap ng Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Bulacan Police Provincial Office at Bulacan Environment and Natural Resources Office. Sa pamumuno ni Provincial Director Col. Relly B. Arnedo at pinuno ng …

Read More »

Most Outstanding Festival nakopo ng Bulacan Singkaban Festival 2023

Bulacan Singkaban Festival

PANANATILING tapat sa titulo nito bilang “Mother of All Fiestas in Bulacan”, ang Singkaban Festival 2023 ay nanalo ng Most Outstanding Festival (Province) award sa ginanap na Tourism Recognition for Enterprises and Stakeholders (TRES) Awards ng Department of Tourism Region III na ginanap. sa Hilltop, Quest Plus Conference Center, Clark, Pampanga kamakailan. Ang taunang inaasahang Singkaban Festival na kilala rin …

Read More »

5 wanted na pugante sa Central Luzon nasakote

PNP PRO3

MATAPOS ang mahabang panahon na pagtatago sa batas ay naaresto na rin ang limang indibidwal na tinaguriang most wanted persons sa Region 3 kamakalawa, Pebrero 6. Sa Bulacan, arestado ng pulisya ang Most Wanted Person (MWP) Rank 5 (Provincial Level) na si Teddy Laorio y Rombayes para sa krimeng Murder at Attempted Murder, gayundin ang MWP Rank 7 (Provincial Level) / …

Read More »

South Korea nagkaloob ng dalawang ambulansiya sa Bulacan

Daniel Fernando Bulacan South Korea Ambulance

TINANGGAP ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gobernador Daniel R. Fernando ang dalawang refurbished na ambulansya mula sa mga delegado ng Gyeonggi Province, South Korea na pinangunahan ng Vice Chairman ng Special Committee on Social Welfare ng Gyeonggi Provincial Party ng Democratic Party of Korea Kim Wonki sa pamamagitan ng Social Welfare Foundation Go & Do sa isang turnover ceremony kahapon. Ayon …

Read More »

P.18-M droga nakompiska sa 9 durugista; 10 wanted person tiklo rin

Bulacan Police PNP

NAGSAGAWA ang pulisya ng Bulacan ng sunud-sunod na operasyon na nagresulta sa pagkakakumpiska ng iligal na droga na nagkakahalagang 180K kabilang ang pagkakaaresto sa ilang mga durugista at lumalabag sa batas hanggang kahapon, Pebrero 7. Sa ulat na ipinadala kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Sta. Maria Municipal Police …

Read More »