7 sabungero arestado sa illegal online sabong

San Miguel Bulacan Police PNP

NADAKIP ng mga awtoridad ang pitong indibiduwal sa isinagawang operasyon laban sa ilegal na online sabong sa Barangay Mandili, sa bayan ng San Miguel, lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 28 Hulyo.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Mohammad Taufh Abduhalim, hepe ng San Miguel MPS, dakong 11:50 ng gabi nitong Martes, 27 Hulyo, nakatanggap ng tawag ang himpilan mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap na ilegal na online sabong sa nasabing lugar.

Agad nagresponde ang mga pulis at pagsapit ng 12:20 ng madaling araw kahapon, naaktohan ang pitong suspek na aktibong nakikilahok sa ilegal na operasyon ng online sabong.

Nang hingan ng kaukulang permit o awtoridad upang magsagawa ng online sabong, nabigo ang mga suspek na magpakita ng kahit anong legal na dokumento.

Matapos silang dakpin, agad ipinaalam sa mga suspek ang kanilang mga karapatang naaayon sa Konstitusyon at dinala sila sa San Miguel MPS para sa kaukulang dokumentasyon at inquest proceedings.

Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling laban sa mga naarestong suspek sa Office of the Provincial Prosecutor.

Pinaalalahanan ng Bulacan PPO sa pamumuno ni P/Col. Jay Baybayan, acting provincial director, ang publiko na ang pagsusugal sa anumang ilegal na pamamaraan, kabilang ang hindi awtorisadong online sabong, ay mahigpit na ipinagbabawal ng batas. (MICKA BAUTISTA)

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

CANCERTOTO

CANCERTOTO

MALUKUTOTO

MALUKUTOTO