Sekyu nakabaril ng empleyadong lasing, arestado

Meycauayan Bulacan Police PNP

ni MICKA BAUTISTA

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang security guard ng isang kompanya matapos mabaril ang empleyadong lasing na nagtangkang pumasok sa establisimiyento sa Barangay Iba, lungsod ng Meycauayan, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes ng hatinggabi, 27 Hulyo.

Ayon sa ulat mula sa Meycauayan CPS, hinarang ng guwardiya ang biktima na isang forklift operator na nagtangkang pumasok sa establisimiyento habang nasa impluwensiya ng alak.

Dahil sa patakaran ng kompanya na hindi pinapapasok ang mga empleyadong lasing, pinigilan siya ng suspek.

Sa gitna ng komprontasyon, nabatid na bumunot ng patalim ang biktima at inatake ang guwardiya habang pilit na binubuksan ang pinto.

Sa gitna ng pag-aagawan ng patalim, nagawang paputukan ng guwardiya ng baril ang lasing na biktima.

Agad isinugod ang biktima sa Marymount Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Meycauayan CPS upang matukoy ang buong detalye ng insidente.

Samantala, nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek habang inihahanda ang kaukulang legal na hakbang batay sa magiging resulta ng imbestigasyon.

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

CANCERTOTO

CANCERTOTO

MALUKUTOTO

MALUKUTOTO