Tagaytay, ipasisilip ang Sports Tourism sa 10th Senior Aerobic Gymnastics Asian Championships

Tagaytay 10th Senior Aerobic Gymnastics Asian Championships

TAGAYTAY CITY — Muling ipapamalas ng Tagaytay City ang ganda ng sports tourism sa bansa sa pagho-host ng 10th Senior Aerobic Gymnastics Asian Championships na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC) mula Agosto 4 hanggang 7 sa inayos na Tagaytay CT Velodrome.

Mahigit isang oras lamang ang biyahe mula Metro Manila, kilala ang Tagaytay sa malamig nitong klima at nakamamanghang tanawin ng Taal Lake, dahilan upang maging isa sa mga pangunahing destinasyon ng mga lokal at dayuhang turista.

Ayon kay Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion, mismong si Philippine Olympic Committee (POC) president at dating alkalde ng Tagaytay na si Abraham “Bambol” Tolentino ang nag-alok ng paggamit ng Tagaytay CT Velodrome para sa torneo.

“Magiliw na inialok ni POC President at dating Tagaytay Mayor Abraham Tolentino ang Tagaytay CT Velodrome para sa aming torneo. Matapos naming inspeksiyunin ang pasilidad ay agad namin itong tinanggap,” ani Carrion.

Aabot sa mahigit 400 atleta at opisyal mula sa 11 bansa ang lalahok sa kompetisyong inorganisa ng GAP, na may basbas ng Asian Gymnastics Union at suporta ng pamahalaang lungsod ng Tagaytay sa pamumuno ni Mayor Brent Tolentino.

Makikipagtagisan ang mga pambatong aerobic gymnasts mula sa Cambodia, Chinese Taipei, Hong Kong, Indonesia, India, Japan, South Korea, Mongolia, Thailand, Vietnam at host Philippines.

Nagpasalamat din si Carrion kina POC president Bambol Tolentino, Mayor Brent Tolentino at Vice Mayor Agnes Tolentino sa kanilang buong suporta sa pagdaraos ng prestihiyosong internasyonal na torneo.

Bukod sa kompetisyon, naghanda rin ang lungsod ng mga hospitality package at iba’t ibang aktibidad upang maipakita sa mga delegado ang mga tanyag na atraksyon ng Tagaytay, kabilang ang sikat nitong buko pie at bulalo.

Sinabi ni Carrion na layunin nilang mabigyan ng hindi malilimutang karanasan ang lahat ng kalahok at delegado habang namamasyal sa lungsod.

Inihayag din niya na inatasan ng pamahalaang lungsod ang mga restaurant, café at iba pang establisimyento na magbigay ng mga diskuwento at espesyal na pribilehiyo sa mga kalahok ng torneo.

Binigyang-diin din ni Carrion na ang Tagaytay CT Velodrome, na siyang tanging UCI-certified cycling oval sa bansa at inayos upang makapaglaman ng humigit-kumulang 3,000 manonood, ay isa ring natatanging venue na tiyak na magiging tampok ng torneo.

Ayon pa sa kanya, ang pagdadala ng international event sa labas ng Metro Manila ay umaayon sa adhikain ni PSC Chairman Patrick Gregorio na palakasin ang lokal na turismo sa pamamagitan ng pagho-host ng malalaking pandaigdigang paligsahan.

“Isa na naman itong mahalagang proyekto ng GAP sa pamumuno ni Tita Cynthia. Napatunayan na ng samahan ang husay nito sa pagho-host ng mga international event,” ani Gregorio, na tumutukoy sa matagumpay na pagdaraos ng 3rd Artistic Gymnastics Junior World Championships noong nakaraang taon.

Magpapasaya rin sa torneo ang pagbabalik ng mga opisyal na mascot na sina “Bughaw” at “Lila,” habang magkakaroon din ng opisyal na music video ang kampeonato na nilikha ng bandang KO Jones sa pangunguna ni Warren Norton, anak ni Carrion.

“Kumpiyansa kaming mas tataas pa ang antas ng pagho-host ng GAP sa 10th Senior Aerobic Gymnastics Asian Championships. Sa suporta nina POC President Bambol at Mayor Brent, tiyak na isa na namang matagumpay na international sporting event ang maihahatid natin,” dagdag ni Gregorio. (PSC/HNT)

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

CANCERTOTO

CANCERTOTO

MALUKUTOTO

MALUKUTOTO