DAKAR, Senegal — Hindi pinalad na makapasok sa finals si Tchelzy Maayo matapos pumuwesto sa ika-36 sa women’s all-around ng artistic gymnastics sa 2026 Dakar Youth Olympic Games nitong Linggo.
Nagtala si Maayo ng kabuuang 44.399 puntos mula sa apat na apparatus. Nakakuha siya ng 9.500 sa uneven bars, 10.800 sa balance beam, 12.633 sa vault at 11.466 sa floor exercise.
Dahil dito, hindi nakasama ang Pinay gymnast sa 18 atleta na umusad sa finals.
Pinangunahan ng mga gymnast mula China at Russian Federation ang qualifying round. Nanguna si Xie Guying ng China sa 53.099 puntos, sinundan ng kababayan nitong si Zhong Qi na may 52.932 at ni Polina Dmitrieva ng Russian Federation na may 52.733.
Pasok din sa finals sina Yume (52.465) at Nanami Togo (52.399) ng Japan.
May kabuuang 57 atleta ang nakalista sa kompetisyon, ngunit apat ang hindi nakatapos. (POC Media Pool/HNT)
