P1.5-M shabu nasamsam 2 timbog sa buybust

Arrest Shabu

NADAKIP ang dalawang drug personalities sa isinagawang buybust operation sa Pampanga at Tarlac nitong Miyerkoles, 29 Hulyo.

Sa Candaba, Pampanga, naaresto ng mga operatiba ng Regional Police Drug Enforcement Unit 3 (RPDEU3) at ng Regional Special Operations Group 3 (RSOG3), sa tulong ng Candaba MPS at sa pakikipagtulungan ng PDEA Region 3, ang suspek na kinilalang si alyas Donald, nakatala bilang high-value individual, sa ikinasang buybust operation.

Nakompiska mula sa suspek ang halos 121 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P822,800, kasama ang buybust money, at iba pang ebidensiya.

Sa isang hiwalay na operasyon sa lungsod ng Tarlac, inaresto ng mga operatiba ng Tarlac CPS, sa pakikipagtulungan ng PDEA Region 3, ang isang bagong natukoy na street-level individual na kinilalang si alyas Penpen.

Nakompiska mula sa kaniyang pag-iingat ang 105.37 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P716,516, pati na rin ang marked money, isang cellphone, cash, at iba pang ebidensiya.

Pinuri ni PRO3 Regional Director P/BGen. Jess Mendez ang mga operating unit para sa kanilang matagumpay na operasyon, na sinasabing ang mga pinakabagong nagawa ay sumasalamin sa patuloy na pagsisikap ng PRO3 na iwasan ang ilegal na droga sa mga komunidad sa buong Central Luzon. (MICKA BAUTISTA)

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

CANCERTOTO

CANCERTOTO

MALUKUTOTO

MALUKUTOTO