“Teen Journeys” debut movie ng multi-talented na si Yvonne Lexie Valencerina 

Yvonne Lexie Valencerina  Teen Journeys

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG newbie actress na si Yvonne Lexie Valencerina ay maraming pinagkakaabalahan para sa isang bagets na tulad niya.

Siya ay isang multi-talented na student ng Notre Dame of Greater Manila, na sumasabak din sa competitive swimming, fashion modeling, pageantry, dance, at ngayon, pati sa pag-arte na rin sa harap ng kamera.

Debut movie ni Yvonne ang advocacy film na “Teen Journeys” na mapanood very soon sa mga piling sinehan, ilang filmfest, pati na sa mga paaralan.

Siya ay magiging dalagita na very soon, turning 13 na this coming September si Yvonne at idol daw niya si Kathryn Bernardo kaya wish sundan ang mga yapak ng aktres.

Nabanggit din niya ang naramdaman nang nalamang gagawin na niya ang pelikulang ito.

“I felt happy po and at the same time ay nervous, kasi first time ko po talaga ito,” nakangiting tugon niya.

Although nalaman namin na nakapag-acting workshop na naman pala siya, prior sa pelikulang ito.

“Noon po, yes po… bale twice na po, nakapag-acting workshop pa po ako after nitong una.”

Ang role niya sa movie ay isang bagets na jolly, pero protective sa kanyang kuya.

“Kapatid po ni Lance na humble at over protective ako sa aking kuya,” esplika pa ni Yvonne.

Ano ang aabangan sa kanya sa pelikulang ito?

“Actually po, parang medyo halo, may comedy po na may seryoso rin pong eksena,” matipid na wika pa ng bagets.  

Ipinaliwanag naman ng writer-director-producer na si Direk Crisaldo Pablo, kung bakit ganito ang titulo ng kanilang pelikula.

Aniya, “Teen Journeys ang title (niya), kasi gusto naming ipakita ang journey ng mga lalaki, specifically sa pagbibinatilyo nila. Kasi rito sa atin, usually ay kababaihan iyong nafi-feature kapag teenagers. This time naman, ang feature ay sa male, and when we say males, it also features gender identities.”

Bukod kay Yvonne, tampok sa pelikula sina Billy Domingo, Sky Espinosa, Marianne Bermundo, Marcene Bermundo, Rj Ariar, Moi Bien, Keana Reeves, at Rayan Dulay.

Ang event, kasama ang premiere at screening ng pelikula, ay ginanap sa Persons with Disabilities Movie Fest noong 30 Hulyo 2026.

Present din sa nasabing presscon nito sa Tanghalang Nicanor Locsin, National Commission for Culture and the Arts sa Intramuros, Manila, si Richard Hiñola.

Ang pelikulang ito ay nagwagi ng opisyal na grant mula sa patimpalak at suportado ng mga iginagalang na pambansang institusyon.

Matapang nitong tinatalakay ang mga napapanahong paksa tulad ng karanasan at pakikibaka ng mga kabataang LGBTQIA+ at tibay ng loob sa makabagong panahon.

Ang advocacy film na ito ay proudly presented by The LoveLife Project’s YEAHA Channel.

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

CANCERTOTO

CANCERTOTO

MALUKUTOTO

MALUKUTOTO